Ang Panimula

361 5 1
                                    

           Ang kuwentong inyong matutunghayan ay nagmula pa mismo sa aking tunay na karanasan noong ako ay papasok pa lamang sa pag-aaral ng unang antas ng kolehiyo.

          Mayroon kaming malayong kamag anak na may kaya sa buhay ngunit taliwas ang pananaw kung ihahambing  sa ibang tao na may kaya sa buhay na Mas gusto pang mamuhay sa syudad na masyadong magulo at mainga kaysa manirahan sa bulubundukin.

         Samantalang ang Tita ko naman ay kumpleto na ang buhay niya kung sa kabundukan siya mamumuhay kapiling ang kanyang napakadaming alagang manok at baboyan na sinadyang itirik ang pabahay  ng  kanilang babuyan na may 100 metro ang layo upang di maamoy ang baho ng mga dinudumi nito kahit pa may sarili na itong malalim na imbakan ng kanilang dumi.

           Buhat ng pinakiusapan ako ni Tita na sa kanilang bahay na lamang ako makikitira upang sa ganoong pagkakataon ay magkaroon ng sigla ang kanilang bahay, ay napapayag na rin ako sa bandang huli dahil pabor din naman sa akin ang pagkakataon na iyon dahil malilibre nako sa upa ng bahay, pagkain, ay Para na rin akong nakatira sa isang malapalasyong bahay dahil sa gilid ng kanilang bahay kubo ay makikita ang malalim, malinaw, at malinis na ilog na hitik sa mga naglalakihang isda, at dahil na rin sa pakiusap ng aking Ina dahil talaga ng naghihikahos kami ng mga panahon na iyon.

        Ako nga pala si Sydney S. Patulosan, labing 18 taong gulang, matangkad, Maputi, may kaunting pagkachubby ng  katawan subalit maalaga at Malinis palagi sa katawan. May maipagmamalaki ako pag dating sa  kaalaman dahil class valedictorian ako mula elementary hanggang high school.

       Kung tutuusin ay malaya naman akong makapag aral sa kolehiyo dahil pasado naman ako sa DOST scholarship kaya lang Mas pinili at tinanggap ko ang pakiusap ng aking Tita dahil nasisiguro ko talaga na mag eenjoy ako sa paninirahan ko sa kanilang  bahay ng aking malayong Tita dahil bukod sa Alam Kong mabait si Tita sa akin, ay hindi na rin ako mahihirapan na makihalobilo Kay Jestony dahil dahil naging mabuti ko na rin siyang kalaro noong panahon pa ng aking kabataan.

          Makalipas ang dalawang buwang bakasyon ay nagpaalam na ako sa aking Ina at Ama na kailangan ko ng lumikas sa bahay ng aming malayong kamag-anak dahil sa iilang araw na lang ang nalalabi ang magbubukas na ang pasukan.

        Masaya naman akong binabasbasan nila dahil alam naman nila na Para iyon sa aking kinabukasan at sa ikabubuti na rin ng aming pamumuhay balang araw. Ako man ay nalulungkot sa aking paglisan sa kanilang dalawa subalit nagpakatatag ako Para sa aking matayog na pangarap sa aking buhay at syempre kasali na sila Doon ang aking nga magulang.

       Mga kalahating oras din Yung aking paglalakad buhat ng makarating ako sa syudad ay agad akong sumakay ng rela patungo sa bundok,dahil likas na makipot ang Daan ay bumaba na lamang ako at nilakbay ang kalahating kilometro na Daan at kampante naman ako na naglalakbay dahil madalas naman akong nagbabakasyon sa bahay ng aking Tita noong kabataan ko pa kaya naging malapit na rin Yung loob ko sa pinsang Kong si Jesthony  hanggang sa makarating na ako sa bahay ng aking Tita.

Ang Poging pinsan ko sa kabundukan na may pagkamanyakisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon