Kabanata 7
ia-accept ko ba o hindi?
nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
hanggang sa makauwi ako sa aming bahay, nagtatalo parin ang isip ko kung iaaccept ko ba ang friend request ni jaze.
sa tanang buhay ko ngayon lang ata ako napressure sa pag confirm ng friend request at kay jaze pa talaga, iniisip ko ano meron at naisipan nya ako i-add eh hindi naman kami friend at alam ko sobrang daming babae ang nagkakandarapa na maging friend nya sa facebook ilang relationship request na kaya ang dumating sa kanya? hahahah
pero siguro naman gusto niya lang makipag kaibigan diba?
sa isiping yon ay bigla nalang ako napangiti hays kung ano ano ng iniisip ko hindi naman siguro magiging big deal kung iaacept ko siya kung gusto niya lang namang makipag kaibigan.
tinitigan kong muli ang notification sa aking harapan.
"Jaze Vixen Sent you a friend request."
"Jaze Vixen Sent you a friend request."
ico-confirm ko na nga
hinga muna ng malalim
"inhale, exhale"
hinanda ko na ang aking sarili at iciclick na sana ang confirm button ng biglang may nag pop up na panibagong notification.
"Finn Lee sent you a friend request"
si finn. uhm... ano meron ba't nag si si add sila? di bale si finn naman to, para fair icoconfirm ko na lang silang dalawa.
"You are now friends with Finn Lee."
"You are now friends with Jaze Vixen."
yan na makakahinga nako ng maluwag. sagot ko sa aking sarili bago nagpasiyang bumaba para maghapunan.
"Oh anak ba't pala ginabi kana ng uwi?" tanong ni mama habang naghahapunan.
"Ah Ma, yung kaklase ko kasi nilibre ako kaya medyo ginabi na kami." sagot ko bago tinuloy ang pagkain.
"Babae o Lalaki?" Tanong naman ni papa na nakatingin sakin, napatingin naman ako kay papa dahil sa tanong niya bago kay mama na naiiling nalang dahil umaandar na naman ang pagiging protective ni papa.
"Uhm... both?" nakangiting sagot ko.
Nagtataka namang tumingin sa akin si papa dahil sa naging sagot ko, ilang segundo rin ang lumipas ng bigla siyang ngumiti.
Mukhang nakuha niya yung ibig sabihin ng sagot ko, kausap ko sa aking sarili bago nagpatuloy sa pagkain.
------------
"may pasok na naman bukas." saad ko habang nag iistretch at naglalakad lakad sa loob ng aking silid inaantay na matunaw yung mga kinain ko sa araw na ito.
matapos mag lakad lakad at maghilamos hinanda ko na ang aking sarili para matulog.
nakahiga na ako ngayon at nakatingin sa kisame ng aking kama, hindi na naman ako makatulog, kausap ko sa aking sarili.
para pampatay ng oras kinuha ko muna ang mini diary ko medyo matagal tagal narin simula nung last na nagsulat ako rito.
"Dear Diary,
Sobrang unexpected ng mga nangyari sa akin netong mga nakaraang araw, una natanggap ako sa isa sa mga prestiryosong unibersidad dito sa lugar namin, pangalawa ang di inaasahang encounter ko sa anak ng may-ari ng university na papasukan ko at ang mala roller coaster na first day ko sa YTU kung saan hinabol lang naman ako sa buong YTU at.. at... dinala sa principal's office kung saan isang nakakainis na pangyayari ang naganap, na hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko, ngayon nakahanap ako ng mga bagong kaibigan sa YTU si Finn na isang transferee mula Seoul, si Charm at si Kendrick na parang aso't pusa pag magkasama.
BINABASA MO ANG
Y-TEEN UNIVERSITY
Teen Fiction"h-hello?" hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayong araw na ito, basta ang alam ko lang hindi ko magugustuhan ang araw nato. "Hi! I'm Yoonshin from Y-Teen Unversity I'm calling to inform you that you have passed the entrance exam and that y...