Ako si Stacey. Bestfriend ko sina Ian, Myka, at Jeff. Nagkakilala kami nung freshmen palang kami ng highschool, seniors na kami ngayon kaya apat na taon na kaming magkakakilala.
Sa loob ng apat na taon, kilalang-kilala na namin ang isa't-isa. Ako yung tipong mahilig magbasa, bookworm kumbaga. Si Myka yung easy-go-lucky samin, mahilig sa party-party, mag-out of town, shopping, etc. pero matalino sya.
Si Ian ang clown ng barkada. Pag kasama mo sya ihanda mo na yang tiyan mo at siguradong sasakit yan sa kakatawa. Lastly, Si Jeff. Sya naman yung seryoso sa buhay pero dakilang pilosopo. Pag hindi mo sya ka-close maiinis kang talaga dahil wala syang ibang gagawin kundi barahin ka.
Marami na kaming pinagdaanan, andyan yung tampuhan, kulitan, awayan, at damayan sa oras ng mga problema. Pero ang higit sa lahat, mahal namin ang isa't isa bilang magkakaibigan.
Ang masaklap nga lang, minahal ko ang isa sa dalawa.
Pagmamahal na higit pa sa isang kaibigan...
BINABASA MO ANG
Love Cycle
RomanceMahal ko siya. Mahal niya iba. Yung mahal naman niya, may mahal ding iba. Samantalang yung mahal ng mahal niya, ay ako.