14

43 10 38
                                    

Nang dahil sa tinanong niya ay kaagad akong nagbaba ng tingin at saka napatitig sa makapal na libro na nakaipit sa kili-kili niya. Ilang minuto akong tahimik -- natahimik -- at ganoon din naman siya.

'Di nga lang ako sure kung ano ang nasa isipan niya ngayon. Siguro ay may alam na siya na pumunta lang kami rito para makikain. Si Lowelyn kasi... Bigla-bigla na lang nag-aya na umuwi, porke nalaman niya lang na may dalawang kapatid na lalaki si Hershly ay natakot na. At isa pa, hindi naman 'ata namin binu-bully si Hershly, 'no. Ang babae lang na 'yun ang unang nagmamaldita.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" basag ni Spencer sa katahimikan, at automatic akong napahakbang paatras habang tinitingala siya. Salamat naman at hindi niya napansin ang defense mechanism kung 'yon. Wala naman talaga siyang ginagawa. Nakatayo lang 'to, pero nakangisi nga lang.

"Galing ako sa loob," nahihiya kong sagot habang tinuturo 'yung pinanggalingan namin, at saka nilingon niya rin 'to. "May kapatid ka pala, 'no?"

Walang kibo lang siyang tumango at humalukipkip. Hinanap naman kaagad ng mga mata ko ang kaibigan niya, pero mukhang wala naman kasi ang tahimik pa rin ang paligid. Pagkaraa'y napabaling ako sa sasakyan na nasa tabi niya. Siguradong sa kaniya 'to.

"Frency! Alis na tayo! Teka, nasaan na 'yon?" boses ni Lowelyn. Naramdaman ko naman ang papalapit na hakbang ng mga kaibigan ko kaya kaagad kong naitulak si Spencer. Nalilito niya 'kong tinaasan ng kilay habang nakaupo na sa daan habang ginawang alalay ang sariling siko para 'di tuluyang mapahiga.

Dahil sa posisyon niya ay binalot ako ng kaba. Napahawak na naman ako sa sariling bibig at inabot ang kamay niya. Nang mahawakan ko na ang kamay niya ay napangiti siya nang tipid.

"Frency! Ano na?! Nawiwiwi na ako!" boses ni Ytang. Dahil doon ay aksidente kong nabitawan ang kamay ni Spencer dahil sa pagkabalisa. Tuluyan na nga siyang napahiga sa daan habang pumipikit. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

"Sorry!" mahina kong bulong sa ere. Inabot ko na naman ang kamay sa kaniya. "Abutin mo, sorry..."

"'Wag na," walang emosyon niyang sabi. Dahil doon ay nakaramdam ako ng pagka-guilty. Pinagpagan niya ang sarili saka dinampot ang libro na nahulog dahil sa pagtulak ko sa kaniya kanina. "Puntahan mo na sila," utos niya na lang sa 'kin.

"Sure ka?" Tinulungan ko siya sa pagpapagpag sa shirt niya na nagusot. Tahimik lang naman siya habang tinatanaw ako na ginagawa 'yun. "Sorry pero kailangan ko na talagang puntahan ang mga 'yun."

Nakatanggap ako ng simpleng tango mula sa kaniya kaya atat na atat akong tumalikod. Malakas akong bumuntong-hininga at mahinang sinuntok ang dibdib. Nang matanaw ko na sina Ytang, Lowelyn at Joyce ay kaagad akong napangiti.

Kinabahan pa nga 'ko noong tumaas ang leeg ni Ytang para makita ang nasa likuran ko. Awtomatiko rin tuloy akong napalingon sa direksyon na 'yun at guminhawa ang pakiramdam ko nang wala na si Spencer.

"Umihi ka, Frency?" natatawang tanong ni Lowelyn. Nalilito ko nalang siyang inilingan. "Dapat hindi ka rito umiihi, papaano kung may ahas na tumuklaw?"

Sinapak siya ni Ytang sa balikat at nilagyan ng towel ang bibig. Nagbaba tuloy ako ng tingin saka patawa-tawang pinagsisipa ang maliliit na bato sa daan. Hinatid nila ako sa mansyon. Baka raw kasi masundan ako ng ahas. Mga baliw talaga.

Maaga naman akong nagising kinabukasan. Tulog pa ang mga kasambahay kaya ako na ang nagluto ng simpleng breakfast. Kagabi ay natagpuan ko sina ate at mama na nag-uusap sa sofa. Tinanong nila ako kung saan ako galing, at sinabi ko naman ang totoo. At 'di na nga ako nainis nang kinoronta na naman ni Isbelle ang sinabi ko. Si mama naman.. Okay lang naman sa kaniya kasi na-experience niya ring gumala kung saan-saan no'ng bata pa siya.

Hopelessly Smitten ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon