The battle of choice

7 2 3
                                    

Note:

Please understand if there are grammatical errors. I'm not fluent nor good in English so please bear with me because I'm still learning.












I'm here at my room at pinipilit wag pansinin ang ingay sa baba, nag aaway nanaman kase si Mom and Dad hindi naman na bago sakin yun at sa mga kapatid ko kaso minsan nakakasawa na dahil yun at yun lang din naman ang pinag aawayan nila.

"KELAN KA BA TITIGIL SA PAMBABABAE MO AH?!?!?!" Galit na saad ni Mommy, napa buntong hininga na lamang ako.

"ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA HINDI AKO NAM BABABAE!?!?!" Paliwanag naman ni Daddy.

Nanatili ako sa kwarto ko ngunit rinig na rinig ko parin ang ingay nila. Maya-maya may kumatok sa aking silid.

"Pasok." Saad ko at agad naman bumukas ang pinto.

"A-ate!" Umiiyak na saad ng bunso kong kapatid na si Kate. Agad ko naman syang sinenyasan na lumapit sa akin.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko kahit na alam ko naman ang dahilan ng pag iyak nya.

"Si Mommy at Daddy kase nag aaway sa baba." Tuloy padin sya sa pag iyak, kahit ako wala akong magawa sa tuwing nag aaway ang mga magulang ko pero kaylan ko wag maapektuhan dahil kung pati ako maaapektuhan sa pag aaway ng magulang ko baka mas lalo lang mahirapan si Kate.

Habang yakap ko si kate bigla na lamang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad samin ang malamig na tingin ni Mommy. Dali daling nag punta si Kate kay Mommy at niyakap ito agad naman gumati ng yakap si Mommy habang nasa ganong position sila tumingin sakin si Mommy, yung tingin nya na sobrang lamig at tila walang mababasang emosyon.

"Kate, anak mag pumunta kana sa kwarto mo tapos mag impake ka ng mga damit mo aalis tayo ah." Nangunot ang noo ko dahil sa narinig.

"Mommy, bakit? Saan po tayo pupunta?" Takang tanong ni Kate.

"Wag ka ng madaming tanong anak, sige na may pag uusapan pa kame ng ate mo." Mahinahong saad ni Mommy. Daling tumakbo si Kate sa kwarto nya habang pinag mamasdan namin sya ni Mommy hanggang sa makapasok sya.

"Lunaria." Bungad na salita ni Mommy. "Aali kame ni Kate ikaw nang bahala sa Daddy mo." Malamig nitong saad.

"Saan po kayo pupunta?" Tanong ko.

"Nag aaral ka diba? Don't tell me wala kang idea na mag lalayas kame? Bobita ka talaga." Mataray nyang saad.

Wala ng paligoy ligoy pa at lumuhod ako sa harap nya. "Ano bang ginagawa mo tumayo ka nga dyan!" Inis na saad nya.

"Mommy, please wag nyo po akong iwan kay Daddy." Pag mamakaawa ko. Ayokong maiwan kay Daddy dahil lagi nya akong sinaaaktan mas kaya ko pang titisin yung pag tataray sakin ni Mommy kesa yung pananakit sakin ni Daddy.

"Wag ka nga maarte dyan." Giit nito. "At isa pa magiging pabigat ka lang sakin kapag sinama kita, mas mabuting dito ka sa Daddy mo maging pabigat kesa sakin." Dahil sa mga narinig mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata.

Habang papalayo ang sasakyan nila Mommy mas lalo akong nalulungkot lalo't nakikita ko si Kate na umiiyak dahil sa hindi ako kasama. Kanina pahirapan pa kame amuhin sya para lang mapasakay sa sasakyan.

Pag pasok ko ng bahay nakita ko si Daddy na naka upo sa sala habang nanonood ng t.v tutuloy na sana ako para umakyat sa taas ng bigla syang mag salita.

"Ikaw kelan ka lalayas sa pamamahay ko?" Seryosong saad nya. Lumapit sya sa aking pa unti-unti dahilan upang dapuan ako ng aking kaba. "Narinig mo ba ang sinabi ko ah?" Saad nya habang yapos yapos nya ang aking leeg nya ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The battle of choice (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon