[124]
9:29 AM
Key:
Nilalagay ko na sila sa container ngayon haha. Wala akong tulog. Ang sakit din ng braso ko at liluran sa kakahalo ng slimes buong magdamag.Key:
Wala kasi akong machine na puwedeng magamit eh. Yong mixer, alam mo yon? Para mapadali. Ang dami pa man din ng ginawa ki.Key:
Pero ang gaganda ng kinalabasan. Teka, picturan ko.Key:
Key:
Key:
Key:
Key:
Key:
Key:
Key:
Ayan haha inabot na ako ng umaga. Dapat nga iseset aside ko muna sila ng tatlong araw para walang bulang makita kaso bukas na yong pasko ko eh. Kaya mo choice, may kaunting bula pa rin.Key:
Bakit kasi nong 23 lang nagsimula bakasyon namin??? hahaha.Key:
Katulong ko nga pala si Mama. Gumising siya ng 3 AM tas kuwentuhan kami hanggang magliwanag.Key:
Pero actually, ikaw yong topic namin. Hehwhe. Sorry pero gusto lang kitang ikuwento sa Mama ko. Kinuwento ko chat natin tas siyempre, hindi ko inamin na gusto kita. Pero siguro obvious naman na kasi ang daldal ko tas ngiting-ngiti pa ako.Key:
At alam mo ba? Nagpaalam na agad ako sa kaniya kung puwede akong magbakasyon diyan sa Bukidnon pagkatapos ng graduation ko at oo, pumayag siya! Laking tuwa ko hahaKey:
Kaya Laklak, sure na sure na akong makababalik diyan. Wala nang atrasan yon. Hahah.Key:
Pero di ako sure kung kasama ko si Mama o hindi kasi baka may trabaho siya. Bawal siyang um-absent nang ilan linggo.Key:
Kaso matagal pa yon. Haha. Next next year pa ako gagraduate eh. Pero oks lang, mabilis umusad ang araw.Key:
Pero bakit hindi na lang kaya sa bakasyon ko next year???? Wala pan naman akong planong gumala. Hindi ko naisip yon. Next year na lang kaya? Pero sabi mo magkikita tayo sa April. Pero baksyon namin, June.Key:
Kahit 1 month lang ulit ako diyan, diba? Sa tingin mo? Magpapaalam ako kay Mama.Key:
Kaya Analiah, magreply ka na.-------
BINABASA MO ANG
kababata: thanks for trying to reconnect with me once again
Подростковая литература"Kung kailan bumalik ka na, saka naman ako magpapaalam." - Analiah Date Started: December 19, 2020 Date Finished: March 24, 2021 [EPISTOLARY STORY] [Tagalog] - An Epistolary written by Nick_Black02 Book Cover: Credits to the original owner from Pint...