Foundation Ball
Papunta na ako ngayon sa school kung saan gaganapin yung foundation ball.
Kanina pa Nagtext sa akin si Nicole na hihintayin nalang daw niya ako sa school gate at sabay na kami pumasok.
Si Caden naman, hindi ko alam kung pupunta ba sya ngayon, nakalimutan ko kasi sabihin na pupunta ako at baka pag nalaman niya ay aasarin nya lang ako.
Sakto naman pagdating ko dito sa gate ng school, bumaba na ako ng sasakyan at hinanap si Nicole.
"Liz, here!" Napatingin ako doon sa sumigaw.
Si Nicole wearing a off shoulder top and black mini skirt, naka lugay lang yung buhok niya. Ang ganda niya.
I smiled at her saka ako lumapit sa kanya.
"Ang ganda mo Liz" nakangiting sabi niya
"You too" sabi ko
Nakasuot kasi ako ngayon ng pink off shoulder top at tinernohan ko ng pantalon. Simple lang naman ayoko kasi nagsusuot ng dress.
"Pasok na tayo?" tanong ni Nicole sa akin
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
Sabay kami pumasok sa loob.
Inikot ko ang paningin ko, hindi ko maiwasan ang pagkamangha sa ganda ng decorations.
"Liz, tara picture tayo" sabi niya saka inilabas yung cellphone niya.
Nag picture lang kami hanggang sa magsawa.
"Tara upo na tayo" aya ko sa kanya at saka kami naglakad pupunta sa mga open field kung saan nandoon gaganapin ang program.
Sumama kami sa mga kaklase namin.
Ano ba yan ang dilim naman, ang sakit pa sa mata yung ilaw. Paaano ako magbabasa nito, dinala ko pa man din yung bago kong biling libro.
"I know what you are thinking Liz" sabi ni Nicole at natatawa pa
"Huh?" nakakunot ang noo kong tanong
"Hindi ka makakapgbasa dito, let's just enjoy the night" sabi niya at tumawa
Putek na yan, no choice tuloy ako kundi ang manood sa mga nagsasayaw.
"Ang boring" bulong ko sa sarili ko
Paano ba naman kasi yung mga schoolmates ko kulang nalang magwala sa dance floor tapos yung tugtog, good luck nalang yung eardrums ko pagkauwi ko sa bahay. Paano ba naman sobrang lakas.
Ayun kasi si Nicole kasama yung mga kaklase ko, nagsasayaw sila sa gitna, ayoko naman makisali sa kanila kaya naman nagpaiwan ako dito.
"Hi! Lizbeth" napatingin ako sa katabi ko ng binati nya ako.
Paano niya ako nakilala? Eh hindi ko naman siya kaklase.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin ulit sa harap.
"Pwede ba kita isayaw mamaya, kapag sweet dance na ?" sabi niya kaya tumingin ako sa kanya.
Nakangiti siya sa akin.
"S-sige?" sabi ko.
Hindi naman siguro masama diba?
"Sure yan ah, balikan nalang ulit kita dito mamaya" sabi niya saka umalis.
Maya maya ay natapos na yung disco song kaya naman bumalik na sila Nicole dito sa gawi ko.
"Lizbeth, hindi ka sumayaw?" tanong ni Paisley sa akin.
Umiling lang ako at ngumiti.
"Wala ako sa mood eh" simpleng sabi ko.
Maya maya napansin ko nalang na nagpalit na nang tugtog yung DJ. Naging love song na.
Kung hindi ako nagkakamali ay 'walang iba' by Ezra band yung kanta.
Maya maya ay lumapit sa akin yung lalaking kumausap sa akin kanina.
"Pwede ba kita isayaw?" sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa akin.
Narinig ko ang tuksuhan ng mga kaklase ko.
Ngumiti lang ako at iniabot ang kamay ko sa kanya.
Nagsimula na kami maglakad pupunta sa dance floor at nag umpisang sumayaw ng sweet dance.
Syempre ilang na ilang ako haha.
"Ang ganda mo ngayon" sabi niya kaya napatingin ako sakanya
"Uhm, thanks?" sabi ko saka iniiwas yung tingin ko sa kanya.
Paano ba namna kulang nalang malusaw ako sa tingin niya sa akin.
"Uh, may sasabihin sana ako" sabi niya.
Take note nagsasayaw pa din kami nyan ah
"Ano yun?" sabi ko ng hindi pa din nakatingin sa kanya
"Uh, pwede ba kitang ligawan?" parang nahihiyang sabi niya
Napatingin naman ako sa kanya kaya nagtama yung mata namin.
"Sorry ah? Study first kasi ako eh" sabi ko..
Pero sa totoo lang ayoko muna talagang magboyfriend, dahil hindi pa ako handang masaktan.
"Hindi ko naman sisirain yung studies mo eh" sabi niya
Hindi na ako nakasagot, dahil ko naman alam kung ano sasabihin ko eh.
"Lizbeth Lee, liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo" sabi nya at ngumiti sa akin.
"Balik na tayo?" tanong ko..
Paano kasi naiilang ako lalo sa kanya..
"Sige, hatid na kita" sabi niya saka ako inihatid sa mga kaklase ko.
"Salamat" sabi ko
"Sayo din" nakangiting sabi niya saka umalis.
"Hoy! Liz, ano yun, kayo ah?" sabi ni Nicole na may halong pang-aasar.
"Anong ano?" painosente kong tanong
"Bakit ang tagal nyo nagsayaw? Tinapos nyo pa talaga yung buong song ah?" sabi niya..
"Ayieee, Lizbeth ah" kantyaw ng mga kaklase ko na babae.
Feeling ko namumula na yung mukha ko sa kakakantyaw nila.
"Ano ba guys, tigilan nyo nga ako" sabi ko naman
"Kunwari ka pa Lizbeth ah" sabi naman ni Paisley
"Bahala muna kayo dyan, bili muna ako ng tubig" sabi ko saka tumayo.
"Uy, Liz sama ako" sabi ni Nicole saka ikinawit yung kamay niya sa braso ko.
"Ano nga pala pina-usapan nyo kanina?" tanong ni Nicole sa akin
"Huh?" nakakunot ang noo kong tanong sa kanya
"Nakita ko kasi kayo nag-uusap ni Castriel kanina" sabi niya
Mas lalong kumunot yung noo ko sa sinasabi niya.
Sino naman yung Castriel?
"Si Castriel, yung kasayaw mo kanina, yiee" sabi niya
Ahh, so Castriel pala pangalan nun.
BINABASA MO ANG
11:11 Memories of Yesterday (Ongoing)
Fiksi Remaja"Seriously?!" Nanlaki ang singkit kong mga mata dahil sa dami ng paperworks na nakapatong sa desk ko. Umupo ako sa swivel chair dito sa office ko. "Damn this paperworks!" naiinis na sabi ko saka hinilot ang sintido ko. "Ang aga-aga problemado ka, be...