#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖
Kami lang ni Ate Fely ang sumakay sa kotse ni Sir Yohan. Tahimik ang buong byahe namin pati si Ate Fely ay hindi nangahas na magsalita. Dahil alam niya ang ugali ni Sir Yohan. May binulong nga siya sa akin kanina.
"Gusto ko sanang mag-ingay kaso parang wala sa mood si Sir" bulong niya sa akin. Tumango naman ako ng lihim sa sinabi niya pero hindi iyon nakatakas sa paningin ni Sir Yohan. Kahit pagtango ko ay napapatingin siya sa salamin ng kotse niya.
"Mauna ko ng buhatin tong mga sangkap Ciel, naku panigurado galit na naman iyon inay mo sa akin" wika ni ate Fely at naunang lumabas sa akin. Aakmang pipigilan ko sana siya para mag-sabay kami pero hindi nagpaawat ang bruha. Talagang umalis lang mag-isa.
Tinikom ko ang bibig ko at napatingin sa front seat. Nakatingin siya sa reflection ko sa salamin. Napaiwas ako ng tingin ng magtagpo ang mata namin.Mabilis kong kinuha ang mga natirang paper bag na ang nilalaman ay pinamili naming kanina ni Ate Fely.
Ramdam ko ang tingin niya habang natataranta akong kinuha ang mga paper bag at aakmang lalabas na sana ako ng magsalita siya.
"What's between you and Taneo?" tanong niya sa akin. Nilingon ko siya habang hawak ang paper bag ko.
"Wala? " patanong na sabi ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya at naunang lumabas sa kotse. Nagulat ako ng sa isang iglap ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan.
"Give me that" utos niya. Napatingin naman ako sa paper bag na hawak ko. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"B-Bakit? Bubuhatin mo? Tutulungan mo ako? Naku wag na po baka makaabala po ako sa inyo" wika ko at mabilis na bumaba. Mariin ang titig niya sa akin ngayon, umigting ang panga niya at napasingkit ang matang nakatingin sa akin. Para siya ngayon nakatingin sa batang 10 years old dahil kinulang ng height. Habang ako naman ay nakatingala sa kanya dahil nasubrahan ng height ang amo kong mahilig mag leather boots.
"Tabi, tabi po dadaan po ang duwende maari po ba Ginoong Kapre?" nakangiting sabi ko sa kanya.Sa halip na tumabi siya ay nagulat ako ng bigla niyang kinuha ang paper bag kaya napanguso ako.
"Pumasok na tayo" malamig na sabi niya at naunang naglakad papasok sa mansion. Napanguso naman akong sumunod habang nakatingin sa likuran niyang malaki at matigas dahil sa mga muscles niya sa braso at balikat. Nakasando parin si Boss kaya tuloy kita ang mga muscles niya sa braso. Napangiti ako.
Sabay kumain ang mga maids, gaurd at si Sir Yohan sa isang mesa. Nag-kwekwentuhan silang lahat habang ako naman ay tahimik lang na kumakain. Pero hindi nakatakas ang tingin ni Sir Yohan sa akin. Habang sumusubo siya ng pagkain ay parang binabantayan niya ang bawat kilos ko kaya naman yumuko ako at hindi pinansin ang mga tingin niyang nakakatunaw.
Nang matapos ang hapunan na iyon ay nagsuot ako ng pajama para makatulog. Humiga ako sa kama. Maliit ang kwarto namin ni Inay. May kama sa taas samantala may kama naman sa baba kung saan doon si inay natutulog.
Aakyat na sana ako sa hagdan papunta sa taas ng higaan ko nang biglang magsalita si inay. Pero habang nagsasalita siya ay nagpatuloy ako sa pag-akyat.
"May napansin ako " malumanay na sabi inay. Nakaakyat na ako sa higaan ko at sumilip ako sa baba.
"Anong napansin niyo po? " kinakabahan na tanong ko pero pilit kong maging kalmado.
"Si Yohan" wika niya at binaling ang tingin sa akin.
"Anong mayroon kay Boss Yohan?" patay-malisyang sabi ko.
"Kanina sa hapunan hindi nawala ang titig niya sayo" napansingkit ang mata na sabi niya. Kinabahan ako at mabilis na humiga sa higaan ko. Napatingin ako sa kisame at mabilis na tinakpan ang katawan ko ng kumot.
"Anong mayroon sa inyo bakit ang lagkit niyang makatingin sayo?" tanong ulit ni inay.
"Ewan!" wika ko
"Inay pwede bang tumahik ka na! Gusto ko ng matulog" nakangusong sabi ko habang nasa loob ako ng kumot ko. Ilang saglit ay naging tahimik na ang paligid. Pinatay na niya ang ilaw at mabilis na humiga na sa kanyang kama.
"Sana nga ay walang gusto sa'yo si Yohan kasi anak sa plagay ko ay hindi magiging totoo ang nararamdaman niya sa'yo, dahil minsan na siyang umibig at nasaktan" mahinang sambit ni inay. Kumunot naman ang noo ko at kinabahan sa sinabi niya.Umirap ako sa kawalan.
Hindi ako magkakagusto sa mas matanda pa sa akin nuh!
Kinabukasan ay sinadya kong hindi gumising ng maaga dahil ayokong makita si Sir Yohan. Nag-text naman sa akin si Taneo na alas nwebe daw kami pupunta ng school kaya hinanda ko ang sarili ko. Naligo ako at nagbihis.
Nang makalabas ako sa maids quarter ay naabutan ko ang ilang maid sa kusina na naghuhugas ng pinggan. Bumati sila sa akin at binati ko naman si pabalik.
Kumain na ako ng almusal dahil ilang minuto nalang ay makakarating na dito si Taneo.Speaking of Taneo,gwapo siya kahit na moreno at maganda ang pangangatawan niya. Kita rin sa mukha niya na masipag siya sa buhay.
Nang ligpitin ko na ang pinagkainan ko ay biglang natanaw ko si Taneo na naglalakad papunta sa kusina.Walang kaguhit-guhit ang mukha.
"Oy Taneo" bati ko sa kanya.
"Nag-almusal ka na?" tanong ko sa kanyang. Tumango naman siya bilang sagot.
"Teka lang huhugasan ko muna to saglit" wika ko sa kanya.Sumunod naman siya sa akin sa kusina habang naglalakad na nakapamulsa.
"Linds isabay mo na lang hugasin riyan na pinagkainan namin kanina" nakikiusap na sabi ni Ate Fely.
"Sigeh po walang problema" nakangiting sabi ko.
"Tulungan na kita"biglang nag salita si Taneo at mabilis na tumabi sa akin.
" Ikaw ang magbabanlaw, ako ang maglalagay ng dishwashing liquid"wika ko sa kanya. Tumango naman siya.Unti-unti kong nilagyan ng dishwashing liquid ang plato. Pagkatapos nun ay binuksan niya ang gripo at nagulat kami sa lakas ng agos ng tubig kaya nabasa tuloy kami sa mukha.
Nagtawanan kami dahil doon. Yung tawa niya mahinahon lang samatala yung akin pang mangkukulam.
"Ayan di kasi nag-iingat" natatawang sabi ko.
"Bakit naging kasalanan ko pa? " natatawang sabi ni Taneo at tinalsikan ako ng tubig sa mukha. Tinignan ko siya ng masama at tinalsikan din sa mukha. Natawa ulit kami ng sabay.
"Playing in th middle of work is immature" napatalon ako sa gulat ng marinig ang bosess ni Sir Yohan. Nilingon ko siya at nakahalukipkip siyang nakatingin ng seryoso sa amin. Nilingon din ni Taneo si Sir Yohan,sabay kaming yumuko ni Taneo at nagsalita ng sabay "Pasensya na po Sir Yohan" sabay na sabi namin. Palihim kaming nagkatinginan at natawa ng sabay.
Malakas na tumikhim si Sir Yohan at tinignan kaming dalawa ng masama.
BINABASA MO ANG
It's Always Been You
RomanceIn life you face many obstacle, challenges, and sufferings. But, enable to survive you need to face and fight them one by one. You need to have courage and strength to conquer this all. Si Lindsy Hermohenez ay labingpitpng taong gulang. Sa murang ed...