Prologue
🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙
Ang isang bagay na 'hindi nakikita' ay hindi nangangahulugang wala ito.
Ang hangin, hindi nakikita, ngunit nakakahinga tayo.
Ang tunog, hindi nakikita, ngunit naririnig natin.
Ang lakas, hindi nakikita, ngunit maaari nating gamitin.
Ang puwersa, hindi nakikita, ngunit maaari nating maramdaman.
Sa mundong ito, maraming bagay na hindi nakikita ang umiiral - kabilang na ako doon.
Sa katunayan, hindi naman talaga ako 'invisible' kundi isang taong hindi napapansin.
Ang katulad kong hindi napagtutuunan ng pansin ay maihahalintulad sa isang pangkaraniwang bato sa tabing-daan kasama ng mga buhangin at alikabok. Na kung may isang taong maglalakad malapit ay maaari niya akong maapakan, masanggi o ang mas masahol pa...- katulad ng matuka ng ibon at mataihan ng aso - dahil lamang walang nakakapansin sa isang kawawang bato.
Ang isang tulad ko ay maihahalintulad sa hangin na ating hinihinga. Kahit na... - gaano karaming beses ba nating napapansin na tayo ay humihinga?
Gayunpaman, kung ang sinasabi nila na ang mga bagay na hindi napapansin at hindi nakikita ay maiihalintulad sa kawalan - maaari itong maging tama, pero hindi eksakto.
Dahil mayroong isang 'tao' na napaka-guwapo, nagniningning at katangi-tangi. Para siyang nagliliwanag na buwan sa magandang kalangitan - kaakit-akit at hinahangaan.
Gayunpaman, maaari din siyang maging isang taong walang nakakita at nakakapansin.
Kahit na, tinatawag siyang 'The Moon', na nangangahulugan na isa siya sa mga pinaka-popular na estudyante sa kanilang unibersidad.
At miyembro din siya ng 'UNISTAR'.
Ano nga ba ang UNISTAR?
Inilalarawan ng lahat ang UNISTAR bilang 'the moon of the nation' sapagkat hindi lamang sila sikat sa kanilang unibersidad kundi pati na rin sa buong bansa. Mula sa lahat ng 'Moon' na nagniningning sa kalangitan, tanging ang pinakamaliwanag na buwan ang mapipili. At ang nagbubukod-tanging iyon ang magiging miyembro ng UNISTAR.
Kada taon, mayroon lamang na isang UNISTAR ang mapipili sa pamamagitan ng paligsahan at pagboto. May mga ilang tao na ang tawag sa UNISTAR ay 'a group of Moon Idols' o sa pangkalahatan bilang ' Moon Constellation'. Dahil ito ay katulad ng isang *pambihirang pagkakataon na natutunghayan natin sa ating malawak na kalangitan, na siyang hinahangaan ng lahat.
••• T/N : ang orihinal na salitang ginamit ay *well-known celestial event,,, idk kung pa'no sya i-describe sa tagalog -.- •••
Ang popularidad ng UNISTAR ay hindi lamang kapareho ng antas ng buwan o ng bituin kundi pati na rin ng sikat ng araw, na sumisikat sa kalupaan. Halimbawa, ang isang kamag-anak ng UNISTAR -na may kaakit-akit na mukha- ay maaaring maalok na maging modelo o artista. Gayundin ang mga kaibigan nila na may kaaya-ayang itsura ay pwedeng maging ' cute boy', 'cute girl' o kaya naman 'sexy boy'.••• T/N : cute boy, cute girl, sexy boy,, 'yan 'yung mga karaniwang tawag dun sa mga fan page sa fb.
Halimbawa, XXX University Cute Boys, XYZ Univesity Cute Girls, lagi mo 'yang mababasa sa mga Thai novel, ... at kung cute/pogi/maganda ka, tiyak na napost na mukha mo dyan haha ,,, •••
Ang bawat miyembro ng UNISTAR na sa sobrang popularidad ay maaaring makagawa na nang hindi inaasahang lindol - kung ang kanilang mga taga-hanga(fans) ay magsama-sama- kaya naman, napilitan ang kanilang ahensya na ikuha sila ng kanya-kanyang personal security guards.Ang UNISTAR ay kabaligtaran niya, tulad ng *constellation at ng black hole.
••• T/N : siguro ang ibig sabihin nya dito ay ang UNISTAR ang constellation at siya naman ang black hole... hindi ko rin sigurado... he's really eccentric... •••
Gayunpaman, hindi katulad ng ibang miyembro ng UNISTAR, siya, ang natatanging miyembro, ay sadyang kakaiba.
Bagaman siya ay kapansin-pansin, siya ay kakaiba at manhid.
Bagaman maraming tao ang nais na maabot sya, walang sinuman ang may kakayahang makaabot sa kanya.
Hindi na kailangan bangitin ang kanyang kasintahan, dahil wala siyang kahit na sino man, malapit man na kaibigan, senior, junior o sinuman sa kanilang unibersidad. Kahit na walang sumusunod na security(guards), siya ay isandaang porsyento na magiging ligtas sa kanyang mga tagahanga. Ang mga aspetong ito ang mas nagpatanyag pa lalo sa kanya.
Tuwing ang buwan na ito ay nasa kanyang kalangitan, mas higit siyang nagliliwanag kumpara sa iba pang mga buwan.
At kung ang buwan na ito ay nais na mawala sa kalangitan, walang sinuman ang makakakita o makakapansin man lang sa kanya.
At kung ihahalintulad siya sa isang bulaklak, siya ay katulad ng isang libong-taong rosas na halos hindi namumulaklak.
At kung ihahalintulad naman siya sa isang pera, siya ay isang bihirang barya na may pinakamataas na halaga.
At kung ihahalintulad naman siya sa isang bituin, siya ay isang kometa na lumilitaw lang sa *bihirang pagkakataon.
••• T/N : sa novel ay *once in a blue moon ang nakalagay,, well,, 'di ko naman pwedeng ilagay ang asul na buwan 'di ba? 😂 char.... •••
Sa kanyang kakaibang pagkatao, karaniwang nakatago sa lahat ng tao... *literal na nakatago -.-*
Ang kanyang pamagat ay kilala bilang -
' INVISIBLE MOON '
~ Ang Buwan Na Hindi Nakikita ~
🌙~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~🌙
BINABASA MO ANG
UNISTAR : INVISIBLE MOON ( Ang Buwan na Hindi Nakikita ) ~ Filipino Translation
Romance[ Thai BL Novel Translation ] "Invisible Moon (Buwan na Hindi Nakikita)" ang bansag sa idolo na si In na isa sa mga miyembro ng grupong UNISTAR. Siya ay katangi-tangi at hinahangaan ng marami, ngunit bihirang makita na parang walang sinumang nakaka...