RS:H 28

3.8K 86 6
                                    

Dara's POV

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at tanging puti lang ang nakikita ko.

'Nasa langit na ba ko?'

Agad agad kong nilibot ang mata ko at isa pala 'tong kwarto. Teka? May kwarto na pala sa langit ngayon!

"Sshhh. Wag kang maingay baka magising sya."

"Ay sorry!"

Agad na nakuha nang pansin ko ang isang babae at isang lalaki na nasa dulo ng kama ko.

'Sila ba ang mga anghel?'

"Kumakain ka na naman?"

"Eh ano naman? Gutom ako eh."

"Wala lang antaba mo na kasi." Tas sinundot nung lalaking anghel yung tagiliran nung babae.

Napatigil sa pagkain yung babae.

"ANONG SABI MO? SINONG MATABA?"

'Tsk. Kala ko naman nasa langit ako! Mukhang nagkamali ako. Kaya pala maputi kanina kasi nakatingala ako sa kisame. Tsk!'

"J-jinojoke lang naman kita Honey."

"HINDI MAGANDA ANG JOKE MO. SINONG MATABA? SABIHIN MO NGA. MATABA BA AKO?!"

"H-hinde honey. N-napakapayat mo nga halos sumabog na yang damit mo. A-ay mali pala!"

"SUMABOG? SUMABOG? EH KUNG YANG BIBIG MO KAYA ANG PINAPASABOG KO?"

"S-sorry Honey. N-nagkamali ako ng sabi. Yung braso mo pala ang sumasabog na."

Agad na nakita ko ang pagtalsik ni Top at nahulog sya sa kama dahil sa malakas na tulak sa kanya ni Bommie.

'Walang pinagbago.'

"BRASO KO? PUMUPUTOK? KUNG PAAGAHIN KO KAYA ANG NEW YEAR AT PASABUGIN KO SA MUKHA MO ANG KATAGANG 'BREAK NA TAYO?!' ANO?"

"H-hindi ka na mabiro Honey. Alam mo naman na napaka sexy mo."

"SEXY AKO? KANINA LANG SABI MO MATABA AKO DIBA?! NILOLOKO MO BA KO?"

"H-ha? Hindi ah. Paka sexy mo kaya honey." Tas tumayo si Top at niyakap si Bommie.

'Lakas maka PDA ng mga 'to. Tsk!'

"Tsk. Dapat lang! Sexy talaga ako."

"Sexy ka nga Honey. Sige kainin mo na yan para mas lalo kang sumexy."

"Tsk." Yun na lang ang nasabi ko dahil sa ingay ng mga 'to.

"Mataba ka naman talaga Bommie." Sabat ko sa dalawa. Napatigil yung dalawa sa PDA nila at napatingin sakin.

"OMYGOD SSANTOKIE. GISING KA NA!" Tili ni Bommie sabay takbo at yakap sakin.

"Ugh. M-masakit." Kinalas nya ang yakap nya sakin.

"Sorry. Saya ko lang!" Sabi nya with her shining shimmering eyes.

"Buti gising ka na." Bati naman sakin ni Top.

"Oo nga eh. Ano bang nangyari tsaka nasan ba ko?" Tanong ko.

"Duh. Hindi ba obvious? Nasa ospital ka. Muntikan ka ng masagasaan kahapon." Paliwanag ni Bommie. "Akala ko nga *sniff* iiwanan mo na ko. *sniff* kala ko mawawala ka na." Dramang sabi ni Bommie sabay yakap ulit sakin.

"Ano ka ba! Eto ako oh. Buhay diba?"

"Tsk. Kahit na! Ano ba kasing kalokahan ang ginawa mo ha? Buti na lang at nandun si Jae Joong Oppa kundi. Ay nako!"

Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon