MAHIRAP MAGING POGI

228 3 5
                                    

    Sabi ng mga insecure sa kagwapuhan ko mayabang daw ako . (Inggit lang sila)

    GGSS daw ako o gwapong gwapo sa sarili . Hindi naman ako ganoon . I'm just stating the obvious . (Inggit lang kasi sila)

    Mabait naman ako . (Pag tinopak) Sa katunayan niyan ay napakagentleman ko nga . (Sa mga chixx) Tahimik din ako at may pagka-shy type . (Pag natutulog) Mayaman din ako . (Kuripot lang MINSAN) . Tipid nga ako eh .

    Ewan ko kung bakit ang daming babaeng nahuhumaling sa akin . Sabi ng isang

Lalaki dati siguro daw nung nagpaulan ng kagwapuhan balde balde yung nasalo ko tapos nung nagpaulan ng kabaitan nakatulog ako .

    Aba okay na sana may dinagdag pa . Hindi pa ba sapat na problemahin ko kung gaano ako kagwapo at dadagdagan pa niya ? Syempre dahil pogi ako sinagot ko siya . "Oo nga eh siguro balde balde yung nasalo ko . Eh bakit ikaw anyare sa mukha mo ? Nung nagpaulan ba ng kagwapuhan eh grounded ka ?" Dahil sa sinabi ko umalis na lang siya and i gave him my triumphant smile .

    Minsan nga nalulungkot ako kasi napakahirap talaga maging pogi kaya maging masaya ka kasi hindi mo iyo nararanasan . Araw araw tila valentines day . Laging may love letter o chocolate sa shoe locker ko . Sa sobrang dami nga tinatapon ko na lang yung letter tapos binibigay ko na lang sa kapatid ko yung mga chocolate .

    Oo may kapatid akong babae . Grade four pa lang siya pero akala mo ate ko kung maka asta . Parang manang lang pero nagiging isip bata siya pagdating sa chocolate o kahit ano pa yan basta matamis . Sobrang seryoso nun (kaya parang matandang nasa katawan ng bata) minsan nga iniisip ko lang kung ampon lang ako . Kasi sobrang seryoso ng mga magulang ko at ng kapatid ko .

    Sila mama at papa nasa England . Lagi silang nasa ibang bansa at minsan lang sila umuuwi . Tsaka lang namin sila nakakausap kasi sobrang busy talaga nila . Sobrang busy nila to the point na wala na silang oras sa amin .

    Hep hep ! (Horray!) Tama na ang drama . Humor ang genre ng story ko . Sapat na , na ang kagwapuhan ko lang ang prinoproblema ko . Sobra sobra na nga yun eh .

    Aish ! Ang dami dami dami dami .... sige na ang dami na lang . Masyadong mahaba kung dami dami dami dami dami pa eh . Ang dami ko na nasabi hindi pa ako nagpapakilala . (Ehem ! Ehem !) Ako nga pala si Jailong . Long for short . Syempre hindi iyon ang pangalan ko . Ako talaga si Cairo Mendoza . You can call me Kai for short . Oh diba pangalan pa lang pogi na .

  

  I'm fifteen years old . Birthday ? February 13 . Ayaw ko sumabay sa Valentines dapat bago magvalentines . Bakit ? Wala lang . Para masaya .

    "Gusto mo ba malaman ang ilan sa mga problema ko ?" Tanong ko sa kaharap ko nang may seryosong mukha "Tungkol saan naman yan ? Kung gaano ka kapogi ?" Sabi niya habang humahagikhik .

"Kasama na din iyon . So makikinig ka ba ? "
"Oo na"

Pogi Problem #1

Flashback

Firstday of school noon .

Naglalakad lang ako papunta sa room .

Syempre as usual pinagtitinginan ako . "Uy diba siya yung bagong tranfer . Ang pogi niya !" Sabi nung isang babae sa dalawa niyang kasama . "Oo nga beh sobrang pogi niya upclose . Hihihi ." Sabi nung kasama nung babae tapos hinampas hampas yung isa pa nilang kasama . "Crush ko na siya Girl !" Bulong nung pangatlo . May biglang lumapit sa kanila na mga bakla . "Oi ! Ang yummy ni fafa oh !" Sigaw nung isang bakla . "Yummylicious , juicylicious ! Tama ka bakla ! Dinaig niya pa ang chickenjoy !"

Pogi Problems (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon