Chapter 59: Living hell

3.5K 28 3
                                    

Who would ever thought na magkakaganito ako? Magiging stalker. Stalker ng isang babaeng dati ay ayaw na ayaw kong makita - si Angel.

Ive been stalking her online simula nung magkita kami nung nakaraang araw. I must admit, she has changed a lot. Hindi ko inexpect na magbabago siya ng ganun. Actually, alam kong nagkikita sila ni Jade pag may school breaks especially pag summer kung kailan bumabalik si Jade galing U.S. But I've never seen her since that day she left our previous school. Ang alam ko lumipat siya sa isang province. I just don't know kung saan talaga. Yun lang ang nalaman ko from Jade who keeps on pushing her to me.

I hate her. That's what everyone knows - thats what she knows, but the truth is - I like her. I do like her, but I had to push her away from me, because I was afraid she might pull me down. I was popular back then, at ayoko na ng dahil sa kanya mawala yung popularity ko. I know I was selfish, super selfish that I even hurt her.

I will always remember that very first time I met her. I was in my most unfortunate day, yung di ako nakapasok sa tryouts ng basketball team namin nung nasa third grade kami. I was so frustrated with myself dahil nga hindi ako nakapasok, to think isang kilalang basketball player ang dad ko. I felt devastated with myself at that time, pero Angel was there to comfort me.

"May next time pa naman eh." Nagulat ako ng tinabihan ako ng isang chubby na batang babae na nakasalamin.

I was in my hiding place where I usually go pag may problema ako. Ang alam ko, ako lang ang may alam ng lugar na to, pero mali ako. Na invade na tuloy ang privacy ko.

"Sino ka? Lumayo ka nga sa akin!" singhal ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Ako nga pala si Angel." Sabi niya tapos iniabot yung kamay niya. I looked at her. She's ugly, that's what I thought.

"Your name doesn't suit your face." I said coldly.

But instead of slapping me right to my face, or cursing me to death, nginitian lang niya ako. "I know."

"I don't want to talk to ugly girls like you." Sabi ko sa kanya.

Tumalikod siya bigla. Nakaupo pa rin kami, yun nga lang sa ibang direksyon siya nakaharap. "Oh yan, di mo na nakikita yung ugly face ko. Pwede ka ng magsalita."

She's really persistent na dapat mag open up ako. And with that, nag open up na rin ako sa kanya. I told her everything about what I was feeling. I learned to like Angel that time. Siya yung nagbibigay ng words of wisdom sa akin everytime I feel down. She was always there beside me during good and bad times. Hindi naman talaga siya pangit eh. Natatakpan lang ng makapal niyang glasses yung mukha niya. Na realize ko na maganda pala siya nung nadatnan ko siyang nakatulong sa tamabayan namin - yes tambayan namin.

Naging close kami ni Angel, but it wasn't until nung nagtryout ulit ako sa team nung grade 4 kami. Sumikat ako sa school dahil sa sunod sunod na panalo ng team namin dahil sa akin. Since that, naisip kong layuan si Angel. Makakasira sa image ko bilang popular kid kung makikipag kaibigan ako sa isang batang loser - isang batang nilalayuan ng lahat.

As much as I want to hang out with her, di ko pwedeng gawin. Nalaman kasi nung teammates ko dati na magkaibigan kami ni Angel, kaya lagi nila akong inaasar, and I hate it. Kaya I have to end whatever friendship I have with Angel. But the thing isa, she became vocal that she likes me. Naiinis ako kung bakit kailangan pa niyang ipagsigawan yun sa lahat. To be honest, I was glad nung malaman ko yun, pero ng dahil sa pinaggagawa niya, pinagkakaisahan tuloy ako ng mga teammates ko. Nakakahiya.

"Kanina ka pa diyan Jeron ha? Ano ba yan?" I almost jumped up on my seat ng biglang pumasok sa kwarto si Jeric.

I immediately closed my laptop saka ko siya hinarap. "Wala, may assignment lang."

"Tss. Assignment daw." Kumento niya tapos humiga sa kama ko. "Nga pala, kumusta yung pagkikita ni Jade at ni Grace?"

"Sa tingin ko titigil na yun si Jade." Sagot ko sa kanya.

"Sa tingin mo?" he asked. "Pwes, I dont think she'll just quit without fighting. Alam mo naman yun."

I just shrugged. Tama naman ang kapatid ko. Iba si Jade. Hindi siya basta bastang sumusuko, lalaban yun kung lalaban, makuha lang yung gusto niya. But as of now, hindi muna sila ang iisipin ko. I have to think kung paano ko ulit makikita si Angel at kung paano ako makakabawi sa lahat ng ginawa ko sa kanya noon.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Its been years. Pero bakit parang walang nagbago? Bakit parang mahal ko pa rin siya? Bakit pa kasi siya yung nagustuhan ko? Yan tuloy, nasasaktan lang ako.

Kung nakontento nalang sana ako kay Jake eh, di sana masaya ako ngayon kahit papaano. Lahat ng to kasalanan talaga ng Teng na yun eh! Yung Jeron na yun! Kahit pinsan pa siya ni Jade, wala akong paki-alam. I need to get my revenge. Sinaktan niya ako dati, ngayon ako naman ang mananakit sa kanya. Pero bakit parang ako pa ngayong ang nasasaktan? Isang kita ko lang sa kanya, parang bumalik ang lahat- lahat nung pagmamahal na naramdaman ko para sa kanya dati.

This is wrong. This is really wrong. Hindi pwedeng mahilin ko ulit siya. Pagod na ako eh. All i need is to get even. At isa lang ang naiisip kong paraan - to make him fall for me, then leave him hanging.

"Jade." Nasa bahay ako nila Jade. I want her to do a favor for me.

"What brought you here Gel?" tanong niya tapos umupo sa couch.

"Set me up on a date with Jeron." Sabi ko.

I can see her shocked face. I've never been fierce like this in my entire life, ngayon lang.

"Are you sure?" tanong niya. "Baka naman magback out ka lang ulit."

I shook my head. "Not this time Jade."

"Sige, susubukan ko." Sabi niya. "Alam mo naman yung pinsan kong yun, ayaw nun sa akin eh."

"Thank you Jade." I said. "I owe you one."

Pagkatapos nung conversation namin na yun ni Jade,I went home to make my plan. Kailangan kong mabuo yung plano ko bago kami magkita ulit ni Jeron. I just want to make things perfect. Hindi ko hahayaang masayang ang panahong ito. I just cant wait seeing him down on his knees, begging for my forgiveness.

He's the reason kung bakit ganito ako ngayon. Kung bakit bitch ang paningin sa akin ng iba, kung bakit bitch ang paningin ko sa sarili ko. Kasalanan niya lahat ng ito. He doesn't want that old sweet Angel, kaya bibigyan ko siya ng gusto niya ang bagong Angel - popular bitch.

I looked at myself in the mirror. I had my red lipstick on and black tube dress hugging my fit body matched with red pumps.

"I am an Angel." I smiled evily. "The Angel that would make your life a living hell."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MEHEHEHE!! Oh yan may UD na!! Hahaha kaso di muna kina Kiefer at Grace, di ko na alam ang gagawin ko sa story nila! Nahihirapan na ako!! T^T

Anyway, kung may suggestions kayo, feel free to comment. :)

Comment Vote Fan

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon