"Puwede ba kung 'wag ka na munang magsalita?" naiiyak kong pakiusap sa kaniya. Akma na sana niyang hahawakan ang buhok ko nang siya rin naman ang mismong pumigil sa sarili para magawa 'yun. Naiwan sa ere ang kamay niya, habang ako nama'y binalik na ang tingin sa harapan, pinaglalaruan ang sariling mga paa.
Kahit na medyo kakaiba ang lalaki na nasa tabi ko ngayon.. Ayaw ko naman siyang awayin para lamang mapaalis ko siya. Muli ko na lang inalala 'yung sinabi ni papa sa 'kin kanina.
Kaya ko bang sundin 'yun? Muli akong napa-facepalm, at 'sa di sinasadya ay nasulyapan ko si Spencer na walang kibong pinapanuod ang pagdaan ng mga sasakyan sa harap. Nang maramdaman ko na napansin niya na 'ko ay kaagad akong nag-iwas ng tingin at pinaglaruan ang sariling dila.
"Nginingiti-ngiti mo riyan?" pansin niya naman sa 'kin at natatawang napatingala sa langit saka balik na naman ang tingin sa mukha ko. "Here." Nagbigay siya ng isang cellphone sa 'kin. "Do you have a Facebook account?"
"Siyempre naman," awkward kong sabi. "Lahat naman 'ata ay mayroon niyan."
Tinitigan ko ang phone niya, 'di alam kung ano ang gagawin. 'Di ko siya gets. Binigay niya sa 'kin ang phone niya at nagtanong kung may Facebook account ba raw ako. Kahit ilang beses akong nag-isip kung ano ang point niya ay wala pa rin akong nakalap na idea. Ano ba kasi ang sadya niya? Ba't 'di nalang siya pumarangka?
"Spencer," tawag ko sa kaniya, siya naman ay nakangiting nagtaas ng kilay, pabaling-baling sa mata ko at balik na naman sa phone na binigay niya sa 'kin, halatang may hinihintay o ano, "ano'ng gusto mong gawin ko?"
"Inosente," bulong niya. Sa sobrang hina noon ay 'di ko na narinig, tuloy ay kinunotan ko siya ng noo. "Ano'ng apelyedo mo?"
"Bakit?" naguguluhan kong tanong. "Ano'ng gagawin mo sa apelyedo ko?"
Ewan ko ba sa lalaki na 'to, magkaharap na kami pero ayaw naman sabihin nang direkta sa 'kin ang gusto niyang marinig. At isa pa, ano kaya'ng nasa isip niya at pati surname ko ay gusto niya na ring malaman?
"Just tell me," naiinis niyang ani at nag-type sandali. Mayamaya pa'y naiirita niya 'kong sinulyapan. "Apelyedo lang, Frency. Kahit apelyedo lang."
"Okay?" walang gana kong sagot. "Visalba. 'Yan okay na?"
"Frency Visalba?" Nakangiti 'tong nag-type, at nakatanggap nga ako ng matamis na ngiti mula sa kaniya. "I can't find your account." 'Yun lang ang sinabi niya at saka ginulo ang sariling buhok. Ba't mukhang frustrated ang lalaki na 'to? Ang ganda-ganda pa naman ng attire at posture niya ngayon.
Napansin ko naman na panay ang type niya at napapariin pa talaga. Kahit walang kaalam-alam sa nangyayari ay napangiti ako na makita siyang ganiyan. 'Di nagtagal ay na-curious na rin ako sa dahilan kung bakit mukha siyang galit na nagtatampo.
"Okay ka lang?" natatawa kong tanong sa kaniya, naka-stretch na ang leeg para makita ang screen ng phone niya. Nang na-realize niya naman kung ano ang ginagawa ko ay kaagad niyang nilagay sa bulsa ang phone at walang kurap-kurap na napabuga ng hininga. "Ba't parang may tinatago ka sa phone mo? May chicks ka 'ata, e'!" pang-aasar ko sa kaniya.
Pati ako'y natawa sa nasabi kong 'yun. Ewan ko ba, puwede rin naman na 'yun ang dahilan kaya frustrated siya. Baka na-seen siya ng girlfriend niya kaya naiirita na 'to ngayon.
"I don't have one," seryoso niyang sabi. Napawi naman ang ngiti sa mga labi ko at napalunok. Lumabi siya ng ilang segundo at bumuntong-hininga na naman. "Wala akong tinatago."
"Ba't ka nag-e-explain diyan?" patanong kong tugon. "Normal lang naman na magkaroon ng... Jowa ba 'yun? Basta. Normal lang 'yan kaya ay 'wag ka nang mahiya sa 'kin."

BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Ficção Adolescente"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.