Chapter 3: Accidental Meeting

138 9 4
                                    

Krystal's POV

Naglalakad kami ni Frances sa hallway ng school. And guess what? Pinagtitinginan kami. Ahahahaha, ang ganda kaya namin! Ahaha. Kala mo ngayon lang nakita ng mga magaganda eh -_- well, hindi naman kami assuming, totoo naman kasi na maganda kami. Haha.

Pagpasok namin sa room, ayun, ansama ng tingin ni Melisa sakin. But who cares? Hindi naman ako masisindak sa mga death glares niya. Dahil mas malala ang death glares ko sa kanya noh!!! Tss. Pumasok na agad si Ms. Paras sa room and nag discuss ng eklabu na hindi ko pinapakinggan. Nakakatamad kaya makinig sa teacher -_-

Pagkatapos mag discuss ni Ms. Paras, dumating na ang pinaka iintay kong oras. Ang BREAKTIME!! Ahihihi~

Naglalakad kami ni Frances ng bigla syang nagsalita........

"Besh, ano... Pabebe??? Ahahahahahahahahaha!!" - Frances

"Ano na naman sinasabi mo dyan ha?! Nababaliw ka na ba?" - ako

"Hala ka dyan! Nababaliw daw ako! Ansabi mo kaya kanina 'Ahihihihi~' pabebe laugh?! Ahahahaha" -- Frances

Hala?! Nasabi ko pala yun?! Dapat sa isip lang yun eh!!! Aish. Pahiya pa tuloy ako -_-

"Di ko kaya yun sinabi!!" - sigaw ko kay Frances.

"Di daw eh. Ahihihihi~" -- Frances na ginagaya pa yung tawa ko.

Aish. Kainis naman eh. Ano ba yan *pouts*

"Ahihihihihihiihihihihihihihi~" -- Frances

"Ano ba!! Tigilan mo nga yan! Kainis ka naman eh!!!" -- ako

"Ahahahahahahahaha!!!"-- Frances

"Sige ka pag hindi mo ko tinigilan, hahabulin talaga kita!!!"-- ako

"Edi, habulin mo! Ahahahahaha!!"-- Frances, sabay takbo palayo sakin

Tumakbo si Frances sa may field ng school namin. Kaya sinundan ko siya. At dahil breaktime nga, maraming tao sa field kaya hindi ko makita si Frances. Pumunta ako doon sa may dulo ng field kasi may malaking puno dun, baka nagtatago si Frances dun. Paglapit ko sa may puno, may nakita akong nakatayo na anino na para bang naguunat.... Ahahahahaha *evil smile* lagot ka sakin ngayon. Haha.

Messiah's POV

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa damuhan. Andito kasi ako aa pinaka dulo ng field ng school natutulog. May puno kasi na malaki kaya lilim at walang nakakaistorbo. Tumayo ako at nagunat. Naglakad ako paalis dun sa puno ng may babaeng, akala mo gugulatin ako, pero sya yung nagulat kaya ang nangyari........

Krystal's POV

Nakita ko ng paalis na sa may likod ng puno si Frances, so ang plano ko, gugulatin ko siya para madapa sya at masabunutan ko na ang bruha na yun!! Naglakad na sya paalis sa may puno, pagharap niya pakaliwa, sumulpot agad ako sa harap niya para makita na niya ako at magulat siya..... Pero........ Hindi..... Ako yung nagulat. Kasi hindi si Frances yung tao na nakita ko kanina, kundi isang poging nilalang. At dahil sa pagkagulat ko at pagkatulala sa maamo niyang mukha, natisod ako sa isang bato kasi nahakbang ko yung kaliwa kong paa.

Sinalo ako nung lalaki pero.... Hinawakan ko yung nektie nya kaya ang naging resulta..............

NAGKAHALIKAN KAMI!!!!!!!!

"Kyahhhhhhh!!!!"-- ako

Nung sumigaw ako, nagulat yata siya kaya, nabitawan niya ako!

"Aray!!! Ansakit ha!!! Di mo ba ako tutulungan?!?!" sigaw ko dun sa lalaki.

"Tss. Kasalan mo yan eh. Bat kita tutulungan?" -- siya

"Kasalanana ko?!?! Ikaw kaya ang nagbitaw sakin, tapos kasalanan ko?!?"-- ako

"Kung di ka kasi tanga. Mangugulat ka na nga lang yung hindi mo pa kilala. Tapos tatanga tanga ka pa kaya ka natalisod. At di ko kasalan kung binitawan na kita, kasi hindi naman kita kilala. Tss. Makaalis na nga, sinasayang ko lang oras ko sa walang kwentang tao. Tch."-- siya

Natulala ako sa sinabi niya. Dahil sa pag ka nobela na sinabi niya, this is the first time na, may magsabi sakin ng TANGA!!! And what?!?! WALA DAW AKONG KWENTA?!?!? Natulala ako ng ilang segundo bago ako maka-move on sa mga sinabi ng walang kwentang taong yun!!!

Tumayo ako sa kinauupuan ko para hanapin ang mokong, pero hindi ko na siya nakita... Tss. Kainis!!!!

Nagpunta ako sa canteen dahil, uhaw na ako at gutom na ako! Hindi pa kaya ako nakain!! Tinawagan ko si Frances kung nasan siya para naman may kasabay akong kumain at makaganti na ako sa bruhang yun!!!

Pumunta ako sa pinaka dulo ng field kung saan may wishing well. Sabi kasi ni Frances nandun siya.

Nakita ko siya dun sa may wishing well na nagtapon ng barya. At nag wish.

"Tch. Hindi naman totoo yan eh." -- ako, na sumulpot sa likuran niya

"Ano ka ba! Wala naman masamang mag try. Malay mo, magkatotoo dba??" -- Frances

"Tss. Tigilan mo na nga yan! May hahanapin pa tayo na taong kailangan maturuan ng leksyon!!"-- ako

"Huh? Sino?"-- Frances

"Kaya nga hahanapin kasi, hindi ko kilala eh! Tss. May kasalanan siya sakin kaya kailangan kong gumanti noh!!!!" -- ako

"Aii, ganun? Sigiiii!!! Tara hanapin na natin!!" -- Frances

"Dun muna tayo sa may puno kakain lang ako."-- ako. Hindi ko na kaya tiisin gutom ko eh!

xD

"Okay"-- Frances

Pumunta na kami sa may ilalim ng puno at naupo. Habang busy ako sa pagkain, biglang nagsalita si Frances...

"Ang wafuuu namin nareh!!!! *O*" -- Frances, na akala mo eh, na lab at pers seyt!

And dahil, curiosity kills, hinablot ko yung ID na hawak ni Frances...... at kung siniswerte nga naman

NAME: Flotelaura, Messiah Filierth

"Besh, akin na yan! Bibigay ko yan sa office." -- Frances

"Besh, nakita ko na yung bibigyan ko ng leksyon *evil smile* -- ako

"Huh? Sino?"-- Frances

Pinakita ko sa kanya yung ID nung Messiah na yun at sinabi ko na siya ang tuturuan ko ng leksyon!

Now, Messiah Filierth get ready to the bitch's revenge!! *evil sweet smile*

A/N: sorry po sa lame na update! Thanks po sa nagbabasa at sumusuporta! I love you all <3 :*:*


Mr. Cold Meets Ms. BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon