Paano kayang sirain ng past ang present? Paano kung mahirap kang umintindi.
Hindi mo masisisi ang sarili mo kung baket ka nasasaktan. Syempre masasaktan ka! Mahal mo eh. Pero pano kung dahil sa selos magalit ka sa sarili mo at pagsisihan mo kung bakit mo sya tinrato ng malamig?
"Ako si Kath. Teenager. May boyfriend ako at halos lahat ng tao saksi sa pagmamahalan namin. Mahal na mahal ko sya kahit magsyota palang kami. He makes me feel so special. Hindi nya iniintindi ang sinasabi ng ibang tao. Basta ang gusto nya lang ay mapatunayan kung gano ako kaimportante sakanya."
"Ako si Ginno. Mahal na mahal ko si Kath. Di ko sya kayang mawala sakin. Napakaimportante nya saken. Meron akong ex girlfriend si Ginny. Nakita ko kasi si Ginny at Ex nya na nagyayakapan sa mall. Di ko napigilan yung sarili ko kaya nakaipagbreak ako saknya. Dahil sakanya kaya kami nagkakilala ni Kath. Yun yung araw na naghiwalay kami. At nakita ako ni Kath. Wala syang pakialam sa mundo. Di sya palaimik. Mabait at maamo ang muka nya."
Flashback:
Ginno's POV:
Andito ako ngayon sa mall. Di ko kasama si Ginny may lakad din kasi sya at sabi nya may tatapusin pa syang thesis kaya hinayaan ko nalang. Pumunta ako sa isang resto para kumain. Wala kasi sila mom. May business meeting sa Korea.
Pagpasok ko sa isang resto. Oorder ako ng food ko bigla nalanh Tumulo yung luha ko.
Si Ginny...
May kayakap...
Yung ex boyfriend nya...
Di ko napigilan yung sarili ko kaya lumapit ako sakanila.
"Ginno...." sabi ni Ginny.
"Walangya ka! Tinapon mo na si Ginny. Akin na sya ngayon. Bakit kayo magkasamabat nagyayakapan kayo?!?!??!" Sabi ko. Naginit yung ulo ko.
"Pare...." sabi nung ex nya.
"Wag mo kong Pare- hin dito tayo magkumpare. Higit sa lahat hindi tayo close."
"Ginno. Let me explain" sabi ni Ginny na pilit akong pinapakalma.
"NO GINNY! No more explanations. Break na tayo. Wag na wag mo kong kakausapin. Simula sa oras na to tapos na tayo!"
Tumakbo na ko palabas ng resto.
"GINNO!"
narinig kong tinawag ako ni Ginny pero di na ko tumigil. Tuluyan akong pumunta sa likod ng mall. May dagat kasi dito kaya dito ako tumigil.
Nakita ko ang isang maamong babae. Maganda at maamo yung muka nya. Gumaan naman yung loob ko nung nkita ko sya. Kaya nilapitan ko.
"Hi :)" sabi ko.
"May kaylangan ka ba?" Sabi nya.
"Ah. Wala naman. Naamuhan lang ako sa muka mo. Gumaan yung loob ko."
"Ah-eh- ganun ba? Alam kong nasasaktan ka ngayon. Halata sa mga mata mo." Sabi nya at nagulat naman ako.
"Ha? Pano mo nalaman?"
" di ko alam. Kita ko sa mata mo yung sakit at lungkot."
" ah ganun ba. Oo eh"
Kinwento ko sakanya yung nangyare at feeling ko mapagkakatiwalaan ko sya.
"Gabi na pala." Sabi nya
"Oo nga. Pasensya ka na ah? Naabala pa kita."
"Ok lang yon."
" i hope we can be friends?"
"Sure :) starting this day we're friends."
End of flashback.