75 - Bienvenue à Paris!

318 10 12
                                    


Gabi ng December 25 na nang nakapag-touchdown Paris sina Sander, Diane, at Regina. They were greeted "Bonnes vacances" everywhere they go---from the airplane, to the airport, to the awaiting limo, to the hotel. Ang ibig sabihin nun ay "happy holidays" kasi pasko. Talagang isang limoscine pa ang sumundo sa kanila mula sa airport at nag-transport sa kanila patungo sa Shangri-La Hotel Paris. Isa sa pinakasikat at pinakamahal na hotel sa Paris, France. Pakiramdam tuloy ni Sander royalty siya.

Gaano ba kayaman ang isang Diane Martinez? Siguro hindi nga talaga nauubos ang pera niya. Ang pera nila. Yan ang mga sumasagi sa isip ni Sander.

Lahat ay parang sosyal tignan sa Paris. Ang mga establishments gaya ng shops, restaurants, clothing stores, different buildings.. lahat gustong mapuntahan ni Sander. Matao pa rin sa Paris kahit sa kalagitnaan ng pandemic. Nawala ang pagod niya sa ilang oras sa flight dahil namangha siya sa kahit anong nakikita niya habang nakasakay sa limo. First time niyang mag-limo at lalong first time niya sa France. Wala siyang mapaglalagyan ng excitement na para bang batang dinadala ng mga magulang sa pasyalan. Pero ang dalawang babaeng boss na kasama niya ay tila normal lang sa kanila ang lahat. It's just like a typical day for them. And he also noticed that both Diane and Regina can understand French. Especially Regina. After all she has a French husband and she lived in France for some time.

 After all she has a French husband and she lived in France for some time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Now let's fast forward.. Dumating na sila sa hotel at sinalubong agad silang tatlo ng greetings at tsaka 3 glasses of an expensive champagne as their welcome drinks. Kinuha naman ng mga concierge ang kanilang mga bagahe para maihatid na sa kani-kanilang mga rooms. Si Diane ang kumausap sa receptionist, pagkatapos may pinermahan, ay binigyan na sila ng kani-kanilang keycards then tutungo na sila sa kanilang rooms. When stepping to the elevator, Diane notices something. Her phone is missing. Hinanap niya sa kanyang dala-dalang red Hermes bag pero wala dun.

"Naiwan mo yata sa limo!" - Rej

"Ako na ang kukuha." Pag-volunteer ni Sander saka umalis at tumakbo na agad palabas ng hotel. Tapos naisip niya na hindi nga pala siya marunong mag-French tapos yung driver ng limo hindi marunong mag-English. Pero binawalewala nalang niya yun. Ang importante makuha niya ang phone ng amo niya. Sinabihan nalang siya ni Diane na sa fifth floor ang rooms nila at sumunod nalang siya doon pagbalik niya.

Thankfully, Sander manages to successfully get his boss' phone and immediately returns to the hotel. He gets to the elevator and presses 5. Pagdating niya sa naturang palapag hinanap niya ang suite na pagste-stayhan ni Diane according to the directions that was given to him a while ago. Ngunit nagulat nalang si Sander nang iba ang bumukas ng pinto.

"Avez-vous besoin de quelque chose?"

"Sorry! Sorry sir! I've mistaken your room." Agad na sabi ni Sander kahit hindi niya naintindihan kung ano yung sinabi basta ang alam niya mali yung napuntahan niya. Nalilito siya kasi nasa tamang floor naman siya pero bakit iba yung bumungad sa kanya. Baka nasa ibang floor pa at nagkamali lang ng sabi si Diane? Tatanungin niya sana pero paano naman niya matatawagan ang boss niya eh nasa kanya nga ang phone nito?

Kahati (GMA Magkaagaw Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon