FIWME: Chapter 7

138 5 0
                                    

Kriznel Shane's POV

*Flashback

"Ehem! Ehem! Nilalanggam na kami dito oh." Sabi nila Chelseah. Agad namang tumigil si Joaquin sa kakakiliti sakin. Tumayo kami at umayos ng upo. Nakatungo lang ako. Feeling ko kasi namumula yung cheecks ko eh. Si Joaquin naman ayun, ngiting ngiti ang loko. Leche.

"Guys, kung tapos na kayong kumain. Lagay nyo na lang sa sink yung plates nyo ah."

Sabi ko sa kanila. Tapos na kong kumain. Sila hindi pa. Pano daldalan kasi ng daldalan.

"Teka, san ka pupunta Shane?"

"Maliligo nako."

"Gusto mo sabay tayo babe?"

Hanudaw?! Tinignan ko si Joaquin at ang barkada. Leche. Ngiting ngiti sila oh! Dapuq!

"Perv!"

Sabi ko sabay takbo papunta sa kwarto ko. Pakshet naman oh. Ba't ganun? Ambilis ng tibok ng puso ko. Abnormal na ba ko? Since when? Ugh. Nakakastress kang isipin Joaquin!

Pagkapasok ko ng kwarto, kumuha muna ako ng damit. Simpleng white tshirt lang na infinity yung design with matching white shorts and I've finished it with a blue vans. After nun, naligo na ko.

Pagkalabas ko. Nakabihis nako. Mahirap na. Humarap ako sa whole body na mirror ko sa kwarto. At nagsuklay. Ayan, ang ganda ko na.

Umupo muna ako sa edge ng kama ko habang inoopen ko yung iPhone kong lowbat. Kagabi full charge pa to eh. Nilowbat nila. Ng biglang bumukas yung pinto.

"Hey."

Tumingin ako sa nagsalita. Si Joaquin.

"Oh? Bakit?"

"Uuwi muna kami para maligo. Then babalik din kami after para sunduin kayo."

"Sige. Eto yung gamit mo oh. Sorry."

Sabi ko sabay tayo at kuha ng gamit nya. Iniabot ko yun sakanya.

"Sus. Ikaw pa. Okay lang."

Sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

"Tara na nga. Hatid ko na kayo sa labas."

"Sige."

Bumaba na kami. Hawak hawak nya yung kamay ko.

"Sige Shane, we will go ahead na."

"Sige. Ingat."

Sabi ko sabay pasok ng gate. Kumaway muna ako. Bago pumasok sa loob ng bahay. Teka, asan na napunta si Chelseah? Umakyat na ko ng kwarto ko para tawagan yung babaeng yun.

*Calling Chelseah...

Nagriring. Ayaw naman sagutin. Ano bayan! After ng ilang ring sa wakas sinagot na nya.

"Hello?"

"Oy! Chelseah! San ka?"

"Andito sa bahay."

"Ah. Sige. Babye."

"Alam mo Shane. Nagsasayang ka ng load. Tinext mo na lang sana ako."

"Sige na. Bye!"

"Bye!"

After that I hung up. Inayos ko yung sarili ko pati na rin yung bahay na ginulo ng mga yun.

After kong magayos at maglinis. Dumating na rin sila. Antagal nila grabe ha!

"Shane, let's go na?"

"Sige."

Ayun, sumakay na kami ni Joaquin sa kotse nya. Hiwalay kami e. Ewan ko ba dito. Feel na feel maging boyfriend ko! May driver sya. Bawal pa syang magdrive. Under 18 pa eh.

Falling Inlove With Mr. EpalWhere stories live. Discover now