FIRST LOVE.
❝𝖳𝗁𝖾 𝗆𝗈𝗌𝗍 𝗉𝖺𝗂𝗇𝖿𝗎𝗅 𝗍𝗁𝗂𝗇𝗀 𝗂𝗌 𝗅𝗈𝗌𝗂𝗇𝗀 𝗒𝗈𝗎𝗋𝗌𝖾𝗅𝖿 𝗂𝗇 𝗍𝗁𝖾 𝗉𝗋𝗈𝖼𝖾𝗌𝗌 𝗈𝖿 𝗅𝗈𝗏𝗂𝗇𝗀 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗈𝗇𝖾 𝗍𝗈𝗈 𝗆𝗎𝖼𝗁, 𝖺𝗇𝖽 𝖿𝗈𝗋𝗀𝖾𝗍𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗒𝗈𝗎 𝖺𝗋𝖾 𝗌𝗉𝖾𝖼𝗂𝖺𝗅 𝗍𝗈𝗈.❞
Sandali akong napatingil sa pagscoscroll sa newsfeed ko ng mapadaan ang post na 'to. Nakacaption ito sa bagong profile picture ng bestfriend ko. Nako broken na naman 'to.
Magtytype na sana ako ng icocoment ko sa dp niya ng may marinig akong sunod sunod na doorbell. Tumayo ako upang tignan kung sino ito, ng makita ko na si Mark ito ay binuksan ko agad ang pintuan.
“Anong ginagawa mo dito?” takhang tanong ko dito.
Sinundan ko ito ng tingin papunta siya sa kusina. Sumunod ako dito, nakita ko naman na binuksan niya ang ref at nagluto ng itlog.
“Wala ba kayong pagkain sa inyo?” sambit ko dito at naupo sa isang silya sa gilid ko.
“Nagugutom na kasi ako kaya dito na ako dumiretso.” sabi nito na abala sa pagluluto.
Pinanood ko siyang kumain sa harapan ko, at ng matapos siya ay nakangiti itong tumingin sa'kin. Natawa naman ako sa inasta niya.
Meron akong apartment na tinutuluyan kaya ako lang mag isa dito, malapit lang kasi dito ang pinagtratrabahuhan ko at walking distance lang 'to sa school ko. Working student ako, and I'm in a relationship with mark, 2 years na kami.
Since Grade 10 haggang ngayong Graduating na ako sa Senior High. Legal kami both side at wala namang naging problema doon. Paminsan minsan ay dinadalaw niya ako dito para icheck ang kalagayan ko.
-
Andito ako sa parke nakaupo, inaantay na makabalik si mark may binili lang siya. Hindi rin nagtagal ay nakita ko na siyang papunta sa kinalalagyan ko.Binigay niya sakin ang isang burger at softdrink. Tahimik lang siyang kumakain sa tabi ko, habang ako ay hindi ko mawari kung bakit ang tahimik niya.
Nakatanaw ako sa dalawang tao na nag aaway, sa tingin ko ay magkarelasyon sila. Halos lahat ng tao dito sa parke ay nakatingin sa kanila.
“Osige, ano nga bang laban ko sa una mong minahal!? Ginawa ko na lahat pero hindi pa din naging sapat yung pagmamahal ko sayo! Edi mag sama kayo ng first love mo.” ang huling rinig kong sambit ng babae bago niya iniwan ang nobyo.
“Ikaw mark? Sino first love mo?” wala sa sarili kong tanong dito. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa iniwika ko. Humarap ako dito at inantay ang sagot niya.
“Bakit mo naman naitanong kaye?” nakakunot ang noo nito habang binibigkas ang salita na yon.
“Sagutin mo na lang tanong ko,” mahinahong sabi ko dito. Bumuntong hininga pa ito bago sumagot.
“yung ex girlfriend ko, siya ang first love ko.” ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
“Samahan mo ako bukas, susunduin ko sa airport si nicole.” pagiiba ko ng usapan.
“Nicole?” nakakunot noong tanong nito sa'kin.
Tumango naman ako dito “Bakit?” pagtatanong ko dito.
“Wala may naalala lang.” sambit nito.
Matagal tagal na din simula makita ko sa personal si nicole, ang bestfriend ko. Pumunta siya ng America para doon ipagpatuloy ang surgery niya. Natutuwa nga ako na ngayon ay magaling na siya.
“Kaye!” Napalingon ako sa pamilyar na boses na 'yon.
Sa wakas, andito na siya. Patakbo itong pumunta sa direksyon ko at mahigpit akong niyakap. 'di rin nagtagal ang akapan namin na 'yon.
Takhang tumingin naman ito sa lalaking nasa gilid ko, may kung anong kaba ang naramdaman ko sa inastang iyon ng kaibigan ko. Tumikhim ako bago magsalita.
“Ahm, nicole... Si mark nga pala, boyfriend ko.” gulat naman itong napatingin sa'kin, i knew it they know each other.
-
Nakatitig ako sa cellphone ko habang binabasa ang chat ni mark sa'kin. Isang linggo siyang hindi dumalaw sa tinutuluyan ko't ngayon lang nagparamdam tapos ganyan pa ang kaniyang sasabihin.“Maghiwalay na tayo kaye, nagkabalikan na kami ng ex ko, sorry mahal ko pa siya,”
Makailang minuto ko pa itong binasa bago magtype ng itutugon ko dito, “Si nicole tama? Siya ang ex mo. Ang first love mo.”sinend ko ito at nagseen naman siya agad.
“Oo, Sorry Kaye, 'di ko sinasadya.”
“Ayos lang, Ano nga bang laban ko sa una mong minahal. Totoo pala 'yung katagang first love never dies.”
“Ang sakit no'n mark, ako 'yung nandito sa tabi mo. Kadamay mo sa lahat ng sakit at problema. Sa loob ng dalawang taon siya pa pala ang laman ng puso mo.”
“At alam mo kung anong mas masaklap don? 'yung bestfriend ko pa talaga, ang tunay na mahal mo.”
“Halos makalimutan ko na nga 'yung sarili ko mark para sa'yo e. Bakit mo naman ako ginan'to?”
“Isang linggo kang hindi nagparamdam tapos babalik ka ng bitbit yung katagang 'maghiwalay na tayo'. hahahahha. Sige pinapalaya na kita.”Pagkatapos kong ilabas lahat ng sakit na nararamdama ko ay blinock ko na ang convo namin.
Ginawa ko lahat pero hindi padin 'yon naging sapat.
Minahal ko siya ng sobra habang mahal pa niya siya.
Isa lang ang masasabi ko, kahit anong pagmamahal mo sa isang tao, kapag dumating yung nauna sayo iiwan ka parin nito.