[135]

220 15 7
                                    

[135]

9:10 PM

Analiah:
Break na kami ni Arko.

Analiah:
Happy now?

Analiah:
Ano. Kumusta sa feeling? Fulfilled?

Key:
Seryoso? Edi puwede nang maging tayo? Puwede na kitang ligawan? Ayos!

Key:
Siyempre, masaya ako. Bakit naman hindi?

Key:
Tapos ngayon nagparamdaman ka na! Napatayo agad ako ngayon sa kama. Sining di magiging masaya roon? Hahaha. Chat na ulit tayo hanggang madaling araw, okie?

Analiah:
Malala ka na

Analiah:
Gag* ka talaga.

Analiah:
Ang hilig mong pagpakadalos-dalos e no?

Key:
Ha?

Analiah:
Hindi na nga kita blinock, nangungulit ka pa rin. Bakit ba ayaw mong tumigil? Nayayamot na ako Key.

Analiah:
Hindi ko alam kung bakit ayaw mo akong tantanan.

Key:
Gusto nga kasi kita makausap araw-araw. May mali ba roon?

Analiah:
Alam mo ba kung bakit kami naghiwalay ni Arko?

Analiah:
Obvious naman diba?

Analiah:
Dahil sayo. Kasalanan mo. Nakakainis ka!

Analiah:
Ang hilig mong magpadala ng slime. Tapos kanina, may dumating na naman na parcel nang hindi ko alam, at galing na naman pala sayo. Pero kamalas malasan, hindi ako yung tumanggap, si Arko. Nandito siya sa bahay. Binuksan niya at di ko alam na binasa niya yong letter na binigay mo. Nakita ko na lang na hawak hawak niya na yun. Tas ayun, ang bilis ng nangyari, nakipaghiwalay siya sa akin.

Analiah:
Di ko alam gagawin ko.

Analiah:
Pero mas gusto kong ibuntong sayo ang galit ko. Ayaw niya akong kausapin. Hindi niya sinasagot tawag ko sa kaniya.

Analiah:


Analiah:
Ito yung slimes na binigay mo sa akin nong new year diba?

Analiah:


Analiah:
Ito naman yong ngayon.

Analiah:


Analiah:
Pero may letter nang kasama. Nang aasar ka ba?

Analiah:
Okay na kami ni Arko eh. Naamin ko na sa mga magulang ko na kami na. Di na namin pilit itinatago relasyon namin. Masaya na kami

Analiah:
Pero sinisira mo ngayon.

Analiah:
Sinabi ko naman sayo na magkikita tayo sa April, ah? Bat hindi ka makatiis na wag muna akong kulitin? May sarili kang buhay, doon ka magfocus. Huwag sa akin.

Analiah:
Di ko naman nakalimutan yong meet up natin eh. Darating ako sa oras na yun. Sisipot ako.

Analiah:
Kahit ngayon lang tigilan mo na ako. Tama na, Key.

Analiah:
Wag mo na akong padalhan ng mga ganito.

Analiah:
Naappreciate ko naman. Pero wag mo na lang talaga gawin.

Key:
Di mo talaga ako magugustuhan no? Ang labo talaga.

Analiah:
Masaya akong nahanap kita. Pero palagi talaga ako napapatanong, bakit biglang umabot sa ganto? Ang bilis kasi masyado. Di ko akalain. Di ko maproseso sa utak ko. Kaso, diba? May bf na ako.

Key:
Gets ko naman. Naiintindihan ko naman.

Key:
Gusto kita pero ayaw ko rin eh. Pinipigilan ko rin naman. Ang labo no?

Key:
Gusto kita pero hindi puwede.

Key:
May Arko ka na kasi.

Key:
Anong laban ko sa almost 2 years niyong pagsasama?

Key:
Sorry.

Analiah:
Sorry rin.

Analiah:
Uulitin ko. April 3, sa likod ng MOA. Magkikita tayo. Naka-red na dress ako.

Analiah:
Aayusin ko to.

Analiah:
Kailangan namin mag-usap ni Arko nang masinsinan. Pero ngayon, huli na to ha?

Analiah:
Awat na Key

Analiah:
May ibang lalaki sa puso ko at hindi ko alam kung posible ka bang pumalit doon. Pero sana huwag mong pilitin.

Analiah:
Masaya na ako kay Arko.

Key:
Alam ko. Halata naman.

Key:
Ayaw ko naman masaktan si Arko. May respeto naman ako sayo, sa inyo. Sige lang.

Analiah:
Hihintayin mo yong pagkikita natin sa April 3, pero hindi ibig sabihin non, hihintayin mo na rin ako. Huwag ka nang umasa. Please.

Analiah:
Sorry Walwal.

Analiah Rose Pineda's blocked you. You can't sent message and calls.

----

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon