Chapter 21

58 4 0
                                    

Ngayon ay nandito kami sa bahay ni Dale. Kasama si Miss G. at nag-uusap silang lahat about the band. Ako ay nagluluto ng maaari nilang kainin. Paubos na ang stock namin ng mga pagkain at lutuin.

Nang makakakain kami ay nagpaalam akong lalabas para maggrocery. Balak ko din na magpakulay ng buhok.

"Wait up! Sama kami!" sabi ni Tristan.

"Lahat kayo?"

Tumango naman sila bilang pagsagot.

"Sigurado ba kayo? Baka naman hindi na tayo makapaggrocery ng ayos pag nakilala kayo ng mga tao. Wag na lang. Dito na lang kayo. Saka magpapakulay ako ng buhok," umiiling na sabi ko.

"Sus yun lang ba? Magdisguise tayong lahat." at talagang pursigido talaga silang sumama.

"Magpapahaircut din kasi ako kayo ba?" Thunder

"Bahala na mamaya." Trevor

"Baka nakakalimutan mong may naghahanap sayo. At sa palagay ko hindi sila mahihirapan na makilala ka sa ganyang itsura mo." sabi ni Tristan

"Kaya nga magpapasalon ako at saka bakit, ano ba ang itsura ko?" I asked him but Dale answered.

"Eye-catcher." I was left speechless. Nagsialisan sila at ang sabi ay magbibihis lang daw sila. Si Miss G. naman ay sasabay daw sa amin.

Kinuha ko naman sa kwarto ang aking salamin at sumbrero. Maya-maya pa ay isa-isa silang nagsidatingan. Hindi ko alam kung nag-usap ba sila kung ano ang kanilang susuotin.

They are wearing plain shorts, kulay lang pinagkaiba pero ang yari ay pareho, t-shirt, shoes, meron din silang cap at shades. Yung totoo, magbebeach ba sila. But in all fairness ang lakas ng dating nila lalo na si Dale.

"Lalo tayong madaling mapapansin nito, diba Miss G.?" tanong ko na tinanguan niya naman.

"But that will do. Hindi naman talaga maiiwasan na pansinin kayo ng mga makakakita sa inyo. With the looks you have, talagang mapapansin kayo. But since may konting props naman kayo at may balak na magpakulay o magpagupit medyo… hindi agad kayo makikilala," mahabang sabi niya na tinanguan lang namin.

Gaya ng napag-usapan nagpunta muna kami sa salon. Buti nalang at walang masyadong tao. Ang dating itim na buhok ko ay pinakulayan ko ng ash gray. Kinuha ko ang aking phone at naglaro ng candy crush. Ilang levels din ang nalampasan ko bago natapos ang ang pagkukulay.

What she did to my hair is perfect. It looks the way I want it to be.

"What you did is perfect. Thank you so much girl," I said with a smile and clasp my hand.

"You look perfect miss. So beautiful," she said.

"I'm done!" sabi ko at humarap sa kanila. Nakita ko ang pag-awang ng kanilang labi nang humarap ako.

"Maganda ba?" I asked and put a big smile on my face.

"You look stunning ate," Thunder said

"Gorgeous" at kung anu-ano pang papuri ang kanilang sinabi pero ang sasabihin ni Dale ang gusto kong marinig.

"Very attractive." he always have those words and ways to make me speechless.

I smiled shyly and look at him. Ang buhok niya ay pinakulayan din niya. Halos katulad din ng sa akin pero mas matingkad na lubhang bumagay naman sa kaniya. He now has this rugged look opposite to his sweet voice when singing.

"Worth it naman pala ang ipinaghintay namin sayo ate." Trevor. He colored his hair ash blonde na bumagay din sa kaniya.

"Kanina pa kayo nag-aantay?" 

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon