Chapter 11

96 9 0
                                    

#𝑰𝒕𝒔𝑨𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔𝑩𝒆𝒆𝒏𝒀𝒐𝒖

"Aalis na po kami Sir" mahinahong sabi ko sa harapan ni Sir Yohan. Nilingon ko si Taneo at wala man lang siyang pinapakitang kaba, nakatayo lang siya ng matuwid at nakatingin rin kay Sir Yohan ng diretso habang si Sir Yohan naman ay nakatingin sa kanya ng matalim.

"At saan naman kayo pupunta?" tanong ni Sir Yohan.

"Mag-dededate este pupunta sa school" wika ko biglang sumingkit ang mata ni Sir Yohan.Natawa ng mahina si Taneo dahil sa sinabi ko palihim ko siyang siniko.

"Magpapaenroll po kami sa darating na pasukan" sagot ni Taneo. Dahan-dahang tumango si Sir Yohan habang hindi tinatanggal ang mapanuring mata niya sa amin.

Hinawakan ko ang braso ni Taneo at hinila na papaalis sa harapan ni Sir Yohan. Napahinga ako ng maluwag ng makaalis na kami sa mansion na iyon.

Naglakad lang kami patungo sa paaralan habang may hawak akong payong dahil sa sinag ng araw.

"Uyyy Kuya Taneo may girlfriend na" pang-aasar ng mga bata sa kalye. Tumawa naman ako at napalingon kay Taneo.

"H-Hindi magkaibigan lang kami ng kuya Taneo niyo" nakangiting sabi ko.

"Bagay pa naman sana kayo isang maputing babae at morenong lalakeng" parang isang matanda magsalita na sabi ng bata. Natawa kami ng sabay ni Taneo dahil sa sinabi nito. Nakasuot ngayon ng cap si Taneo pero pinasisilong ko parin siya sa payong baka mas lalo masunog ang balat niya sa sinag ng araw.


Nang makarating na kami sa school ay agad kaming nagpaenroll at pagkatapos nun ay napagdesisyunan ko na dumaan muna kami sa palengke bago bumalik sa mansion.

"Sasali ako ng pageant" wika ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at nginitian.

"Mabuti naman pero hindi ka ba mahihiya na ipapakita mo sa buong madla ang katawan mo, para kanilang pinag-pyepyestahan" sabi niya. Tumigil naman kami sa paglalakad at nilingon ko siya. Napangiti ako at namula ang pisnge ko sa sinabi niya.

"Hindi naman sa ganoon" wika ko sabay kamot sa batok.

"Kung ako ang tatanungin mo Lindsy hindi kita papayagan" sabi niya.

"Bakit naman? " kumunot ang noo ko.

"Kaibigan kita at ayokong pinatitinginan ka nila lalo na't may maganda kang katawan, kahit payat ka" natatawang sabi niya. Hinampas ko naman siya sa braso.

"Taneo talaga!" inis na sambit ko sa kanya. Kinuha niya ang payong sa akin habang nakangiti at nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Kanina ka pa nagdadala ng payong ngayon ako naman" wika niya.

Pumili ako ng magandang klase ng make-up para magamit ko sa pageant. Tinanong ko naman si Taneo kung maganda ba? Pero ang tanging sagot niya Oo. Lahat yata maganda para sa kanya.

Naglakad na kami pauwi ngayon pagkatapos naming kumain ng balut habang dala-dala ni Taneo ang cellophane na naglalaman ng mga pinamili namin. Gusto ko na ako ang magbayad pero sabi niya siya nalang daw tutal kakasweldo lang niya sa racho. Regalo daw niya itong mga maje-up sa akin.

Kaya naman pumayag ako pero kapag ako naman ang swsweldo ay itreitreat ko naman siya. Pumayag naman siya sa kasunduan.

Kumaway ako sa kanya ng makapasok na ako ng mansion. Kumaway naman siya habang nakangiti at nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ako sa mansion.

Napatigil ako sa sala ng makita si Sir Yoha na nakaupo sa couch habang umiinom ng pineapple juice. Naka-Vneck T-shirt na siya ngayon at nakashorts na hanggang tuhod. Nakatingin siya sa akin ngayon at parang may hinihinatay sa sasabihin ko.

"Magandang gabi po sa inyo" bati ko sa kanya sabay yuko. Ginabi kasi kami Taneo dahil nag-enjoy kami sa perya malapit sa palengke.

"Ginabi ka yata" naka-smirk na sabi niya. Nanatili lang akong nakayuko.

"Pasensya na po hindi po namin namalayan ang oras" wika ko. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa aking ng dahan-dahan. Nasa harapan ko na siya at hindi ko siya matignaan sa mata. Kumabog ang puso ko ng bigla siyang nagsquat para magpantay ang tingin namin.

Nilagay niya ang kamay niya sa baba ko at inangat ang mukha. Nagkatinginan kami sa mata habang malapit ang mukha namin dalawa. Kinabahan ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"I buy you some makeups and... gown" malambing na sabi niya. Umatras naman ako para magkaroon kami ng distansiya.

"Po?" nagugulahang sambit ko.

"Ate Fely told me that you going to join a pageant" wika niya at lumapit pa sa akin.

"Hindi niyo naman po kailangang bilhan ako ng mga ganyan kaya ko naman ang sarili ko, mayroon na po akong make-up at si Taneo ang nagbigay sa akin nito" wika ko sabay napakagat ng labi at ipinakita sa kanya ang cellophane.

"Then throw it, mine is better than Taneo" mahinahong sabi niya at napakagat ng labi. Napatingin naman ako sa labi ni Sir Yohan at umiwas ulit ng tingin.

"Pasensya na po pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang kinuha ni Sir Yohan ang box at binigay sa akin. Kinuha niya naman sa kamay ko ang cellophane.

"Mine is better than Taneo, understood" malambing na sabi niya.

"Sigeh na nga! gagamitin ko po ang sa inyo pero hindi ko itatapon yang bibigay ni Taneo" wika ko at kinuha sa kamay niya ang cellophane.

"Fine" napabuntong hininga na sabi niya.

"Tapos ka na bang kumain ng hapunan?" biglang tanong niya.

"Kumain na kami ng balot kaya hindi na kailangan maghapunan" wika ko. Umigting ang panga niya, mabilis niya akong hinawakan sa braso at hinila ako sa kusina.

"Kakain ka ng hapunan sa ayaw at sa gusto mo" mariin sabi niya at hinila ang upuan. Umupo naman at ako nagugulahang nakatingin sa kanya.

"Balut ni Taneo o hapunan na niluto ko" nalag-lag ang panga ko sa sinabi niya.

Seriously?!

"Hapunan na niluto mo" nakangusong sabi ko. May mapaglarong ngiti na gumuhit sa kanyang mga labi.

"Good" wika niya at mabilis na nilagay sa harapan ko ang plato at mga putahe na niluto niya. Napangiti ako ng palihim.

It's Always Been You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon