“H..hello?” Kinakabahan ako…
“Pelogs?” Sambit niya sa kabilang linya.
“Mahal kita Pelogs.” Agad kong pinutol ang tawag pagkasabi ko nun at pinatay ko na rin ang cellphone ko.
Kasalukuyan na akong naglalakad ngayon papasok sa airport. Sana.. sana kahit sa simpleng tawag na yun nalaman niya kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong mali tong gagawin kong pag-alis pero eto na lang ang naisip kong paraan. Ayokong masira ang relasyon nila pag nalaman nila ang tunay na dahilan kung bakit ako aalis.
Habang naglalakad na ako papasok.. Sa bawat hakbang na ginagawa ko. Siya, si Pelogs ang tanging naaalala ko. Ang lahat ng alaala ko kasama siya. Si Joshua Andrew Larue na bestfriend ko. Ang bestfriend kong lihim ko rin na minahal,minamahal at mamahalin…
Naabutan akong umiiyak ng isang lalaki sa isang sulok. Transferee lang ako sa school namin. 4th year highschool na ako. Binubully ako kaya ang naging sandalan ko lang nun ay ang umiyak at ang mag-isa. Pero hindi ko inaasahan.. na lalapitan ako ng lalaking to. Sikat siya sa school. Varsity player at gwapo pero hindi niya tiningnan kung sino siya at agad akong inabutan ng panyo.
“Oh miss…” Sabay abot niya sakin ng panyo.
“S…salamat..” Sa pagitan ng mga hikbi ay sinabi koi yon sa kanya.
“Wag ka ng iiyak ulit. Pangit kapag naiyak ang isang babae..”
“Sila kasi eh.. Lagi na lang nila akong inaaway. Pinagduduldulan nila na hindi ako bagay sa school na to dahil lang sa hindi ko masakyan mga trip nila. Eh sino ba sila!”
“Hayaan mo… Simula ngayon ipagtatanggol na kita. Ako na bestfriend mo.”
“Sus! Eh hindi ko pa nga alam pangalan mo.”
“I’m Joshua Andrew Larue.” Sabay abot niya ng kamay sakin at naghandshake kami.
“I’m Nica Margoix Ferrer.”
Hindi ko alam na sa simpleng pagpapakilalang yun ay mahuhulog ako sa kanya. Sa lalaking bestfriend ko. Sa lalaking tumulong sakin sa lahat ng problema. Sa lalaking pinagtanggol ako sa lahat ng taong nananakit sa akin. Siya lang ang tanging nakaintindi sakin. Pero ang sinukli ko sa kanya ay pagtataksil, pagtataksil dahil sa lihim kong pagmamahal sa kanya.
Lumalim pa ang naging samahan namin ni Josh. Naging PELOGS ang tawagan namin dahil dun sa isang lesson namin sa music. Lagi ko siyang sinasamahan sa lahat ng bagay. Kami rin yung laging magkasama. Napapagkamalan na nga kaming magkarelasyon dahil sobrang close namin. Nung intramurals namin sa school, gumawa pa talaga ako ng banner na ang nakalagay ay ‘GO PELOGS!’ Maraming babae ang nainggit sakin dahil nga kay Pelogs. Pero ni minsan, hindi ko naisip na iwanan siya dahil lang sa mga panglalait sakin ng iba. Bestfriend ko siya. Hindi ko dapat siya iwanan.
Hanggang sa dumating na yung araw na kinatatakutan ko…
Papalapit sakin si Josh habang nakaakbay kay Hany… Si Hany ay sikat sa school namin, cheerleader at crush ng kalalakihan sa campus.. Gusto kong tumakbong palayo.. Pero ako ang bestfriend niya at kailangan kong harapin to para suportahan siya.
“Pelogs! Ipapakilala ko nga pala sayo, si Hany. Girlfriend ko.” Masayang sabi niya sakin.. Nang marinig ko yung salitang GIRLFRIEND.. Unti unting napunit ang puso ko.
“Ah..ah.ano, Hi. I’m Nica. Congrats Pelogs.. Binata ka na.. Bagay talaga kayo… Hany, alagaan mo tong Pelogs ko ha. Mabait yan..tapos ano..ah ano..mahal ka niyan… S..s..sige una na ko sa inyo.” Utal utal na akong nagsasalita nun dahil nararamdaman kong konti na lang ay papatak nang isa isa ang mga luha ko. Agad akong tumalikod at naglakad palayo. Hindi na ko lumingon pang muli para tingnan ang masakit na katotohanan—ang katotohanan na kahit kailan hindi na siya maaaring maging akin.
BINABASA MO ANG
Time to Set You Free (Completed)
RomanceLove is sacrifice. When you're inlove, you should keep in mind na hindi sa lahat ng pagkakataon masusuklian ang love na binibigay mo. May one sided love na tinatawag. Basta alam mong masaya ang taong mahal mo kahit sa piling pa ng iba, willing ka ba...