CHAPTER 77: PAGTAKBO AT PAGDUKOT

35 3 0
                                    

Sobrang kinilabutan sina Archie, Rochel at Marika nang ang mga taong ito ay biglang tinubuan ng mga pakpak, humaba ang pangil at kuko, at nahati ang katawan ng siyam na kababaihan habang lumilipad.

Ngunit ang kaisa-isang lalaki sa kanila, biglang lumaki ang katawan na aabot sa 14 talampakan, nagkaroon ng pakpak, mahahaba't matatalas na pangil at kuko, at bumaliktad ang mga binti nito.

Marika: "Oh jusko! Totoo ang mga aswang. Mga aswang sila! Mananaggal pala yung siyam sa kanila! Kaya pala puro sila babae."

Dahil sa kanilang nakita, hindi makapagsalita sila Archie at Rochel.

Marika: "Ibig sabihin, yung nag-iisang lalaki, yun si Urdano!"

Dahil sa ito na ang tamang pagkakataon para makakuha ng litrato si Marika, bahagyang lumapit ng pwesto si Marika.

Archie: "Miss Marika! Anung ginagawa nyo?! Bumalik kayo dito!"

Rochel: "Mapapahamak kayo sa gagawin nyo, Miss Marika!

Hindi nakinig si Marika sa mga sinasabi nila Archie at Rochel sa kanya. Bagkus, lalo pa syang lumapit sabay kumuha ng litrato malapit sa mga nag-aanyong Aswang.

Ang pagkakamali lang nya, nakaset ang flash ng kanyang camera kaya nakita sila ng mga Aswang at ni Urdano. Ngunit dahil sa flash ng kanyang camera, malinis nyang nakuhanan ang itsura ng mga ito.

Urdano: "Nakita tayo ng mga tampalasan!!!!! HULIHIN NYO SILA!!!!! WAG NYO SILANG HAHAYAAN NA MAKATAKAS!!!!!"

Agad na nagsiliparan sa kalangitan ang mga alagad ni Urdano nang makita nya ang flash mula sa camera. Agad din na kumaripas ng takbo sina Archie, Rochel at Marika nung mabulilyaso sila ng mga Aswang.

Habang tumatakbo, agad na isinilid ni Marika ang kanyang camera sa kanyang bag. Sa sobrang dilim ng sakop ng gitnang-gubat, hindi nila alam kung sinusundan pa sila ng mga humahabol na mga Manananggal sa kanilang likuran.

Kaya naman tuloy-tuloy sila sa pagtakbo hanggang sa makarating sila sa bungad ng gitnang-gubat kung saan may nag-aabang na mga ilang Mananaggal na biglang lumipad diretso sa kanila.

Marika: "Archie!!!! Rochel!!! DUMAPA KAYO!!!"

Agad namang dumapa sina Archie at Rochel. Si Marika naman, niyakap ang kanyang bag upang maprotektahan ang kanyang camera, pagdapa nya sa lupa. Dumiretso at lumagpas ng lipad ang mga Manananggal sa kanila, kaya agad na naman silang tumakbo, pagtayo nila.

Dahil sa dami ng mga puno sa bundok, nahirapan ang mga Manananggal na habulin sina Archie. Ngunit sobra na silang pagod sa kakatakbo at gusto na sana nilang magpahinga ngunit kada bumabagal ang takbo nila, naabutan naman sila ng mga Manananggal na humahabol sa kanila. Minsan pa nga, lumilipad sa itaas ng mga puno ang mga ito, sabay subok na dagit kina Archie.

Pagbaba nila ng bundok at malapit na silang makarating ng palengke kung saan sa tingin nila ay ligtas na sila, lalo lang silang nalagay sa panganib ng mapansing mas kokonti pala ang mga puno sa ibaba ng bundok.

Dahil dito, mas madali silang madadagit ng mga Manananggal na humahabol sa kanila. Pilit na iniwasan nila Archie ang pagbulusok at pagkalawit sa kanilang damit upang sila'y mahuli.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, natisod pa ng bato si Rochel at nadapa sa lupa.

Rochel: "ARAAAY!!!"

Archie: "ROCHEL!! ANJAN NA AKO!!!"

Agad na nahawakan ng mandaragit na Manananggal ang kaliwang paa ni Rochel at inangat sya mula sa lupa. Pag-angat nya, agad na nahawakan ni Archie ang kamay ni Rochel at pilit nyang hinila upang hindi makuha ng mga Mananaggal si Rochel.

Archie: "IKAW NA PANGIT NA HALIMAW KA!!!! BITAWAN MO SI ROCHEL!!!!!

MANANANGGAL 1: "Hindi ko sya bibitawan!! Mas maganda rin kung hindi ka din bibitaw para may dalawang tao kaming maging hapunan!!!!!

Rochel: "ARCHIE!! TULUNGAN MO AKO!!!!!! ARCHIE!!!!"

Pilit na hinawakang mabuti at hinila ni Archie ang mga kamay ni Rochel. Ngunit sadyang napakalakas ng kapit ng manananggal at lalo pa nitong tinaasan ang lipad nito. Kaya dumulas at nabitawan ni Archie si Rochel at tuluyan nang nakuha ng Manananggal si Rochel.

Rochel: "ARCHIEEEE!!!!!!!"

Archie: "ROCHEEEEL!!! HINDI!!!!"

Agad namang hinawakan ni Miss Marika ang kamay ni Archie at hinila sya palayo.

Marika: "UMALIS NA TAYO ARCHIE!!!"

Archie: "MISS MARIKA!!! KAILANGAN NATING ILIGTAS SI ROCHEL!!!!!!!!"

Marika: "KAPAG NAHULI TAYONG DALAWA!!! WALANG MAKAKAALAM NA TOTOO ANG MGA ASWANG!!!!! KAYA KAILANGAN NATIN MAIPAKITA SA TAONG BAYAN ANG MGA EBIDENSYA KUNG GUSTO NATIN MAILIGTAS SI ROCHEL!!!!! ORAS ANG KALABAN NATIN DITO!!! KAYA HALIKA NA!!!!!!"

Tuluyan ng tumakbo palayo sina Marika at Archie. Si Rochel naman ay umiiyak at natatakot sa kahihinatnan niya sa mga Aswang na dumukot sa kanya.

Napanatag naman ang loob ni Marika ng makarating sila sa palengke. Ngunit tuloy-tuloy pa rin sila sa pagtakbo hanggang sa nakarating sila sa nayon.

Pagdating sa nayon, nagsisisigaw na ng "Tulong!!" si Marika at Archie. Nagsilabasan ang mga tao sa ingay nila kasama na ang mga kasamahan nila Archie sa bahay ni Lola Lita.

Marcel: "Hoy!! Ba't ba ang iingay nyo ha?!!! Anung nagyari?!!!

Arman: "Archie?!! Marika?!! Anung nangyari sa inyo?!! Lalo ka na, Archie!!!! Gabing-gabi na ah!!! Saan ba kayo galing ha?!!"

Marika: "Arman!!! Lahat kayo dito sa nayon!!! Tulungan nyo kami!!! Dinukot nila si Rochel!!!!"

Rico: "Anu?!!! DINUKOT ANG ANAK KO?!!!! SINONG DUMUKOT SA KANYA?!!!!!!

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon