Chapter 34

18 0 0
                                    

Kahit malayo na kami, gulat parin ako sa nakita at narinig ko kanina. Tungkol sa usapan nina Venus at nung ex nya.

"Baby, sino ba yun?" tanong ko.

"Si Jettro, boyfriend ko nung highschool," sagot nya.

"Pero bakit nya ako sinuntok kanina na parang pinaglalaban ka nya?" sunod kong tanong.

"Akala nya kasi kami pa eh kinalimutan ko na sya matagal nang panahon," sagot nya habang umiiyak mula pa kanina.

Tumahimik nalang ako habang pilit na pinapakalma si Venus. Naaawa tuloy ako sa tuwing nakikita syang umiiyak, para bang gusto ko na ding umiyak. Kaya nga hindi ko hahayaang umiyak sya ulit.

Pag bumalik pa ang Jettro na yun para paiyakin si Venus, babasagan ko na talaga sya ng mukha.

Huwag na sana syang bumalik, ayokong makita ang mukha nya na naging dahilang ng pag iyak ng mahal ko.

Medyo madilim na kaya iniuwi ko nalang si Venus. Inihatid ko sya sa bahay at saka ako umalis.

Dumadaan ako sa isang eskinitang madilim nang maramdaman ko na may tao. Balak nya akong saksakin pero nakailag ako at nalabanan pa yung lalaki. Kinaladkad ko sya sa may poste ng ilaw at nagulat sa aking nakita.

Si Jettro pala, balak nyang gumanti. Nakatakbo ako pero nadaplisan ang kaliwang braso ko nung humabol sya. Mabilis akong nakauwi at nagamot ang sugat. Hindi naman sya malalim pero medyo masakit.

Siguradong makikita ito sa lunes pagpasok ko. Ayokong makita ni Venus ang sugat na dahil ni Jettro. Ayoko syang nakikitang galit, kahit kanino.

Kinabukasan, pumunta ako sa ospital para magpaturok. Mahirap na baka makalawang yung kutsilyo na ginamit sakin. Mabuti na yung nag iingat.

Tumingin ako sa bintana pagkatapos ng injection at nakita si Venus na papasok at kasama ang tita nya.

Ayokong makita nya ako sa ganitong sitwasyon. Basta ayoko lang.

Kaya lumabas akong nakatakip ng mask ang mukha at naka sumbrero.

Tahimik akong naglalakad nang may nabunggo ako. Natanggal ang sumbrero.

"Im sorry," sabi nung nakabanggaan ko.

Patay, si Venus ang kaharap ko. Tumayo ako at tiningnan kung sya nga yon. Si Venus nga, kumunot ang noo nya at tinanggal yung mask sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya nung malaman na ako pala yon.

Tiningnan nya yung bandage sa braso ko.

"Naano yan, kasalanan ba yan ni Jettro?" sunod nyang tanong.

"Naaksidente lang ito," tipid kong sagot.

"Pero hindi kapani-paniwala ang sinasabi mo," sabi nya.

"Paano mo nasabi?"

"Iba ang kutob ko kapag totoo o hindi ang sinasabi mo sa akin."

Ayoko sanang magsinungaling pero kailangan. Para sa ikabubuti ng lahat. Ayoko na ng gulo o kahit ano na magpapalungkot o magpapaiyak kay Venus. Kung alam nya lang, tama ang kanyang kutob. Sakto sa totoong nangyari pero hindi tama kung aaminin ko.

"Huwag ka na lang maniwala kung ayaw mo pero totoo ang sinasabi ko," seryoso kong sabi.

"Im sorry, malaki lang talaga ang hinala ko kay Jettro at alam kong kaya nyang gawin to."

Tumahimik nalang ako at niyakap sya. Tahimik ang paligid. Para bang nakikiayon sa aming dalwa.

Maya-maya ay bumitaw na ako at tumingin sa paligid. Sobrang dami ng tao pero tahimik parin. Nakapagtataka lang kung bakit ganito. Naglakad na kami sa loob para puntahan ang tita nya.

Lunes, pumasok ako ng maaga para konti lang ang makapansin sa sugat ko.

Dumating ang tropa kong si Mark at sinuntok ako sa braso. Hindi naman malakas pero masakit dahil sa sugat ko. Babawi sana ako ng suntok pero naisip kong hindi nya naman alam na may sugat ako eh.

Hinampas ko nalang sya sa likod sabay sabi ng,"hanep ka masakit!"

----------------------------------------

Haha, napindot ko bigla yung publish! Sorry kung nabitin kayo, please go to the next chapter...

Bakit Bawal ang Alien sa VENUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon