....

66 0 0
                                    

                Naranasan mo na bang masaktan at di alam ang gagawin? Naranasan mo na bang di makatulog dahil sa kakaisip sa isang bagay at inuunawa kung bakit nagyari ang ganung bagay sa’yo? Umiyak buong gabi kahit na alam mong hindi rin ito nakakatulong sa iyong nararamdaman? Di makakain, magmumukmok sa kwarto at di makausap nang matino? Sa madaling salita, naranasan mo na bang magka-problema? Kung oo, magandang balita ‘yan dahil alam kong sa mga panahong iyon hinahanap at tinatawag mo ang Panginoona, magmamakaawa at hihingi ng tulong na sana’y mawala ang sakit na iyong nararamdaman. Tama ‘di ba?

                Marami sa atin ngayon ang nakakaalala lamang sa Diyos kapag may problema at nasa kagipitan tayo. Mapait mang aminin pero kailangang tanggapin na mali ang ating ginagawa. Palagi nalang tayong humihingi ng tulong sa Kanya tuwing kailangan natin Siya. Tinatawag natin ang pangalan Niya sa mga oras na may problema tayo at may dinadamdam. Pero naitanong niyo ba sa inyong mga sarili kung sa mga panahon na naging masaya at maligaya kayo ay tinawag niyo ang Diyos? Naging bahagi ba Siya sa inyong kaligayahan? Ni minsan ba ay nakapagpasalamat kayo sa Kanya sa mga biyayang inyong natatanggap, sa mga pagkain na inyong kinakain, tubig na inyong iniinom, hangin na inyong linalanghap, mga taong iyong nakakasalamuha at naging kaibigan, at higit sa lahat, nakapagpasalamat ka ba sa buhay niyo mismo? Alam kong nalilimutan natin ang Diyos kapag tayo ay masaya. Anag alam natin ay makikita at mahahanap natin ang tunay na pag-ibig at kaligayahan sa iba’t-ibang bagay at sa ibang tao. Pero may sinabi ba ang Diyos sa mga mali na ating ginagawa? Nagreklamo ba siya kung minsan nalilimutan natin Siya? Hindi ‘di ba?

                Ang Panginoong Diyos ay mabait sa atin. Alam nating lahat ‘yan. Hindi Siya nagrereklamo at nagagalit sa atin dahil mahal Niya tayo. Ang pag-big ng Diyos ay hindi mapapantayan ng kahit ano man at ng kahit sino man. Gumuho man ang mundo pero ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi matitinag at hinding-hindi kukupas kailanman. Mahal Niya tayo kung kaya’t mahalin din natin Siya. Di man nating mapapantayan ito, sapat na sa Kanya ang tawagin at kausapin Siya sa araw-araw n gating buhay. Maging bukas tayo sa Kanya dahil handa Siyang makinig. Gawin nating bahagi ang Diyos sa lahat ng aspeto ng ating buhay dahil may pakialam Siya at handa Siyang tumulong at hinding-hindi ka Niya pababayaan. Huwag kang mag-alala mga kaibigan, marami pang oras para itama ang mali. Lagi niyong pakatatandaan, ang Panginoon ay naghihintay lang sa atin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Pag-ibig NiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon