CHAPTER 78: PAGKATARANTA

31 2 0
                                    

Naguguluhan ang mga tao sa nayon dahil sa pagdating nila Marika at Archie na humuhingi ng tulong sa kanila. Galit na galit naman si Rico dahil naman sa sinabi ni Marika na dinukot ang kanyang anak. Agad namang sinagot ni Marika ang tanong ng mga tao sa kanya.

Marika: "Pakiusap po!! Kahit na sino sa inyo!! Tulungan po natin si Rochel!! Kinuha sya nga mga Aswang!!!"

Marcel: "Aswang?!! Hanggang ngayun pa ba, Miss? Naniniwala ka pa sa kwento ni nanay sa'yo?!!"

Archie: "Tito Marcel totoo po ang sinasabi nya!!! Kinuha si Rochel ng Aswang!!"

Rico: "Archie, Kalokohan lang yan kwento ng Aswang!!! Asan ba talaga ang anak ko ha?!!!"

Marika: "MANIWALA NAMAN PO KAYO SA AMIN!!! TOTOONG KINUHA SIYA NG ASWANG!!!!! TINGNAN NYO YUNG KUHA KONG LITRATO SA BAG KO!!!!!!

Kinuha ni Marika ang kanyang camera at inabot kay Arman na lumapit sa kanya upang tingnan ang mga nakuha nyang litrato.

Nagulat si Arman sa mga litrato ng camera ni Marika. At ipinakita sa mga tao sa kanilang nayon na nakiki-usisa sa kanila.

Marcel: "Jusko!! Totoo nga!! Paano mo nakuhanan ng litrato ang mga ito?!!

Marika: "Pumunta akong gitnang-gubat para kumuha ng ebidensya na magpapatunay na ang mga Aswang ang kumukuha sa mga nawawalang tao!"

Rico: "At idinawit mo ang anak ko sa paghahanap mo ng ebidensya?!!!"

Marika: "Wala akong intensyon na isama si Rochel at Archie sa pinaplano ko!!! Gusto ko na wag silang sumama sa akin pero nagpumilit sila sa samahan ako!!

Arman: "Totoo ba yan sinabi nya ha?!!! ARCHIE?!!!"

Archie: "Opo Tay!!! At wala na tayong oras para pagtalunan pa ito!!!! Kailangan na po nating iligtas si Rochel!!!"

Marika: "Pakiusap naman, Arman!! Maniwala ka naman sa anak mo!! Wag nyo nang pagtalu—"

Biglang bumulagta sa lupa si Marika at nawalan ng malay. Nang nilapitan ni Archie si Marika, nagulat siya nang duguan at may malalim na sugat sa likod si Marika.

Tila isang malalim na kalmot ng mabangis na hayop ang natanggap na pinsala ni Marika.

Naisip ni Archie na marahil ay nakuha ni Marika ang sugat mula sa pagdapa habang tumatakas sila at naabot ng matalas na kuko ng Manananggal ang kanya likod

Archie: "TAY!!! HINDI PA BA SAPAT NA EBIDENSYA YAN NAKIKITA NYO?!!! KAILANGAN NA PO NATING LAHAT NA KUMILOS!!!!!

Lola Lita: "TAMA YAN SINABI NG APO KO!!!!!! HINDI PA BA SAPAT ANG NAKITA NYO?! KAYONG MGA ANTUKING MGA TIMANG KAYO!!!!! KUMILOS NA KAYO!!!! ARMAN!!!!!CELITO!!!! IPASOK NYO DITO SA BAHAY YAN BABAE!!!!!! PATI DIN IKAW, ARCHIE!!!! PUMASOK KA DITO!!!!!! IKAW NAMAN, MARCEL!!!! TUMULONG KA SA PAGHAHANAP SA MGA LINTIK!!!!!! KUNIN MO LAHAT NG ITAK AT BARIL NG TATAY MO SA JAN SA BAUL!!!!!

Agad nagsikilos ang mga kalalakihan sa nayon ng magalit ang matanda sa kanila.

Fred: "Totoo ba yan nasa litrato?!! Kung yan mga halinaw na iyan ang kumuha sa anak mo, WAG NA TAYONG MAGSAYANG NG ORAS DITO!!!! HALIKA NA RI—"

Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Fred, agad na umuwi sa kanyang bahay si Rico at kinuha ang mga sibat at itak na ginagamit nya sa pangingisda at pangngahoy.

Habang abala ang lahat sa paghahanap ng sandata ang mga tao sa nayon, ihiniga ni Arman si Marika sa sala. Halata sa itsura ni Marika na sobra itong napagod at nanghihina dahil sa laki ng sugat na kanyang natamo. Kaya ginamot ni Lola Lita ng halamang gamot ang kanyang sugat.

Si Archie naman, natataranta at sobrang nag-aalala sa maaring mangyari kay Rochel.

Kaya naghanap sya ng sibat o kutsilyo bilang sandata para iligtas si Rochel ngunit pinigilan sya ni Arman.

Arman: "At saan ka naman, sa tingin mo, pupunta ha?!!!"

Archie: "Ililigtas ko si Rochel!!!"

Arman: "ILILIGTAS MO SI ROCHEL?!!! GAMIT YAN CUTTER?!!!!! MAPAPATAY MO BA YUNG MGA HAYOP NA YUN GAMIT LANG YAN HA?!!!!"

Archie: "Tay!!!! Kailangan kong iligtas agad si Rochel!!! Baka sa mga oras na to, ginagawa na syang hapunan ng mga Aswang!!!!!!

Agad na sumali sa pagtatalo ng mag-ama si Lola Lita.

Lola Lita: "Kung gusto mong mailigtas si Rochel, magdala ka ng Asin at itak. Nung nakita ko yung dalang camera ng kaibigan nyo. Mukhang mga Manananggal ang mga humahabol sa inyo."

Arman: "Nanay?! ASIN?!! Nagbibiro ba kayo?!!! Hindi ba pwedeng paulanan ng bala na lang yan mga Manananggal na iyan?!!!"

Lola Lita: "Kung simpleng bala lang naman yan gagamitin nyo, baka kayo pa ang unang mapatay ng mga yan. Maliban na lang kung nahaluan ang bala ng mga orasyon. Tsaka nakita ko din ang nakakakilabot na mukha ni Urdano sa litrato. Sa nakikita ko, nakabawi na sya ng lakas at handa na syang maghasik ulit ng lagim dito sa isla."

Arman: "Eh anung pwede nating gawin para matalo sila?!!!"

Lola Lita: " Dun sa mga Manananggal, kailangang lagyan ng Asin ang naiwang mababang parte ng katawan nila upang hindi na bumalik sa pagiging tao. Dagdagan nyo na rin ng bawang, sili, paminta at suka kung nais nyong gawing kilawin."

Arman: "Kadiri naman kayo, Nay!!! Wag na lang siguro."

Lola Lita: "At pangalawa, kailangan nang patayin si Urdano ng tuluyan ng magwakas na ang pangbibiktima nya sa mga tao dito."

Umalis sandali si Lola Lita para kunin ang isang bagay sa kanyang kwarto at inilatag ito sa mesa ng sala.

Arman: "Nay? Itak ba yan?!! Ba't napakapurol at kinakalawang na yan?!!!!?!!"

Lola Lita: "Yan ang Talim ng Kidlat na ginamit ng ama ko para talunin si Urdano."

Arman: "Seryoso ba kayo?!!!!! Mukhang hindi pa makaputol ng tao yan ipapagamit nyo!!!! Mas gagamitin ko na lang yung Calibre 45 na automatic ni Tatay kaysa jan!!!!"

Kaya ibinigay na lang ni Lola Lita ang itak kay Archie.

Archie: "Lola!! Kailangan ko na pong umalis!!! Kailangan ko nang mailigtas si Rochel.

Napansin ni Lola Lita na wala ang kalahati ng kuwintas ni Archie kaya tinanong nya ito upang hindi ito magmadali sa pag alis.

Lola Lola: "Archie, apo, nasaan ang kalahati ng iyong kuwintas?"

Archie: "Ibinigay ko po kay Rochel kahapon! Kaya aali—"

Lola Lita: "Kung ganun, wag kang mag-alala sa kanya. Dahil walang mangyayaring masama sa kanya habang suot nya ang kuwintas na bigay mo."

Napatigil si Archie sa sinabi ni Lola Lita. Kaya tinanong nya ito.

Archie: "Lola! Anung ibig nyo pong sabihin?!"





Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon