[136]
8:09 PM
Brian:
April 3 is waving, pre hahahhaKey:
One week na lang, sobrang lapit na. Hahaha excited na ako.Brian:
Tuloy ba talaga? Baka limot na niya? Paalalahanan mo kaya para sure. Chat ko? Gusto mo?Brian:
Naks, suportado ng kaibigan hahaBrian:
Ayaw ko pala. Unfriended na rin ako, baka hindi na sumagot kapag nagchat ako hahaKey:
Tuloy yan! Kahit isang buwan na akong nakablock sa kaniya, alam kong alam niya pa yon. Sabi niya, luluwas siya ng Manila para makita lang ako. Tanda niya pa yon. Inulit-ulit niya pa sa akin yon noon eh. Saka kung hindi man matutuloy, pre, sasabihan niya naman ako para hindi na ako mag-aksaya pa ng oras kahihintay sa wala. Pero pinagdarasal ko na sana huwag niya akong sabihan ng ganoon hahha. Gusto ko na talaga siya makita nang personal.Key:
Hegeghehehe sana mas bumilis pa ang oras.Brian:
Kadiri kaBrian:
Sana nga dumating.Brian:
Friday pala yong April 3, paano yon? May pasok tayo.Key:
Madali na lang yonBrian:
Ang effort naman ni Analiah, luluwas pa talaga siyaKey:
Gusto rin daw kasi niyang mamasyal ditoBrian:
Pero may susuotin ka na agad? Siguradong meron na ano? Ikaw pa ba.
Key:
Siyempre! Tama ka diyan. Magpapapogi talaga ako sa kaniya. Naghahanada na ako noon pa lang. Actually, mgpapagupit nga ako bukas para magmukhang matino naman akong tao sa harapan niya. Tas maggugupit na rin ako ng kuko. At sinisigurado ko rin na hindi ako magkakaroon kahit isang pimple sa araw na yon.Brian:
Sabi na ehKey:
Ngayon pa lang naiimagine ko na 'yong mangyayari. Mahihiya kaya siya sa akin?Maggalala kaming dalawa tas magkukuwentuhan ng kung ano ano tungkol sa childhood life. Hindi na lang sa chat.Brian:
Kakaiba ka, preBrian:
Patay na patay ka kay Analiah. Akala ko kay Kiera lang pero may mas gagrabe pa palaKey:
Sana magkaroon din ng chance na marealize ni Analiah na ako yong gusto niya kapag nagkita na kami. Sana magkaroon ng spark. Slow motion. Paru-paro sa tiyan. Yong sa kanita lanf magpopokus yong mundo ko.Brian:
Gag*Brian:
Kailan ka pa natutong maniwala sa ganyan? Walang ganoon pre! Tawang tawa ako sayo!Brian:
Pero sige sasakyan ko na lang trip mo, tropa naman kita pugo hahahaBrian:
Pagkakaalam ko sabi ni Analiah, huwag ka ng umasa? Kailan ka magigising sa kahibangan mo? May bf na yon tao oh
BINABASA MO ANG
kababata: thanks for trying to reconnect with me once again
Teen Fiction"Kung kailan bumalik ka na, saka naman ako magpapaalam." - Analiah Date Started: December 19, 2020 Date Finished: March 24, 2021 [EPISTOLARY STORY] [Tagalog] - An Epistolary written by Nick_Black02 Book Cover: Credits to the original owner from Pint...