PAANO????

39 1 0
                                    

Paano kung dumating yung panahon na may masabi sa'yo ang taong mahal mo na ikabibigat ng kalooban mo???

Paano kung sa salitang narinig mo pwedeng mabago ang ikot ng masayang kwento??

Paano mo ibabalik ang tiwalang matagal ninyong binuo??

Hindi ko kayang sabihin sa inyo kung ano ang eksaktong salitang narinig ko. Pero siguro sa pagsasalaysay ko ramdam niyo ang bigat na nararamdaman ko.

Kausap ko lang siya na sobrang saya. Pinakilala ko pa siya kay Papa, kay ate, kay bunso. Sa mga oras na yun hindi ko naman naisip na dadating sa puntong makakarinig ako ng salitang ganun galing sakanya.

Naramdaman ko agad yung pinagbago niya. Hindi ganun yung Mahal na nakilala ko nung una. Hindi yun yung Mahal ko. Hindi siya.

Pakiramdam ko napahiya ako sa kaibigan niya. Parang nagmukha akong kawawa.

Ikaw na nagbabasa.

Paano kung ang sitwasyon mo at ng taong mahal mo ay gaya ng sitwasyon ko. Malayo sa isa't-isa pero mahal na mahal mo siya ng sobra. Paano kung ikaw ang nasa malayo. Pero may isang taong bibigyan ka ng tanong na gaya nito:

Kukunin mo ba siya dito??

Anong isasagot mo??

Sa sagot na aking narinig parang mundo ko ay niyanig. Ang hirap atang tanggapin sa damdamin salitang iyon sa kanya mismo manggagaling.

Ayokong palalain ang sitwasyon kaya hindi ko na lang siya pinansin. Nanahimik na lamang ako. Ayoko ng away ayoko ng gulo. Gusto ko lng tahimik na mundo.

Paano ko ba tatanggapin paghingi niya ng tawad sa akin?? Paano?? Paano??

Dalawang kaibigan nagsabi sa akin:

Yaan mo siya. Hindi naman ata tamang pagsalitaan ka niya ng ganun sa harap ng iba.

Hiwalayan mo na lang siya kung ganyan yung ginagawa nya.

Mahirap para sa akin pero dapat kong tanggapin opinyon nilang ibinigay sa akin. Tangi ko lang kayang sabihin bahala na po mag-iisip na lang muna ako.

"Alam ko magiging okay din ang lahat. Kailangan ko lang mag-isip kung ano ang dapat. Nasa isip ko lang ngayon kung may mga bagay pang kayang ayusin ayusin. Pero kung paulit ulit lang din sukuan na lang natin. Mas mahirap dumating sa puntong wala nanaman akong gagawin kundi umiyak dahil sa muling pagkakamali. Gaya nga ng sabi ng isa sa aking kaibigan hindi mo siya sasagutin kung alam mong magiging sakit siya ng ulo mo. Sinagot mo siya para mahalin mo."

Maaayos din ito. Alam ko sa puso ko mananaig pa din ang pagmamahal na meron ako.

---

MAGKABILANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon