[137]

190 10 1
                                    

[137]

6:09 PM

Brian:
Gag* pre! Hahaha

Brian:
Paano yan?????

Key:
Di ko alam, tang*na

Brian:
Kawawa ka

Brian:
Hindi pala dapat pagkikita niyo ni Analiah paghandaan mo sa April 3, mas maghanda ka para sa defense ng group ninyo sa mismong araw na yon.

Key:
Arghhhhhhhhh!

Key:
Bakit saktong 3 pa????? Hindi puwedeng hindi ako magpresent doon eh.

Brian:
Pighati

Brian:
Panalangin mo na sana hindi hapon schedule ninyo. Hahaha

Brian:
Mabuti kami sabado

Key:
Palit na lang kaya tayo?

Brian:
Luh

Brian:
Di papayag kagroup ko niyan.

Key:
Nang-aasar yong panahon.

Key:
Hindi nakakatawa.

Key:
F*ck.

Brian:
Gawin mo na lang, tulad ng sabi ko, manalangin. Sana pang-umaga kayo. Pero kung panghapon kayo, bahala ka na sa buhay mo. Ano mas pipiliin mo? Magkaroon ng grade o makita si Analiah?

Brian:
Or kung gusto mo, ako na lang makipagkita sa kaniya?

Key:
Pangit ng idea mo, bulok

Brian:
Ako na lang papalit sayo. Tas sa akin siya mahuhulog

Key:
Bumagsak sana kayo sa thesis ninyo

Brian:
Biro lang

Brian:
Wag naman ganyanan pre.

Brian:
So paano gagawin? Sabihan mo kaya si Analiah?

Key:
Nakablock nga ako

Brian:
Ako na lang. Tatanungin ko siya kung puwede i-reschedule ng April 2 or 4 ang meet up ninyo?

Key:
Sige nga, try mo siyang ichat. Kung puwedeng sa 4 na lang, wag sa 2. Maghahanda na ako noon sa defense eh. Busy.

Key:
Nakakagigil. Tang*na

Brian:
Di ako sure kung marereply, baka hindi niya mabasa pero chat ko pa rin.

Brian:
Teka, tol

Brian:
Ilan weeks or days ba siya rito sa Manila?

Key:
Di ko lang alam. Wala siyang nabanggit.

Brian:
Imposibleng sa April 3 lang, one day lang siya rito? Lalapag eroplano niya sa umaga tas aalis din siya ng gabi? Baka pumayag din iyon, yun nga lang kung mababasa niya chat ko.

Key:
G

eh lang, chat mo lang.

--------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon