Chapter 1

9 1 0
                                    

"Putangina!" Hindi na ako mapakali sa paghahanap ng notebook na iyon. Inilabas ko na ang lahat ng gamit na nasa bag ko pero hindi ko pa din mahanap. Ang ibang mga kaklase ko ay nakatingin na sa'kin dahil sa biglaang pagmumura ko.

Saan iyon mapupunta? Hindi ko naman iyon madalas inilalabas at mas lalong hindi ko naman iyon ipinapahiram dahil personal ang notebook na iyon.

Lalabas na sana ako ng room ng may isang kapwa ko estudyante ang lumapit sa akin.

"Chesa pinapatawag ka daw." Napatingin naman ako dito ng buong pagtataka.

"Nino? Saan?"

"Sa guidance daw." Bahagya namang nanlaki ang mata ko ng narinig ko iyon. Bakit naman kaya ako ipapatawag sa guidance?

"Bakit?" Pero imbis na sagutin ako nito ay nagkibit balikat lamang siya.

Bumalik ako sa upuan ko at inisa-isang isilid sa bag ko ang mga gamit na inilabas ko. Parang dumoble ang inis ko kaya hindi ko maiwasan ang magdabog. Naramdaman ko naman ang tingin ng mga kaklase ko kaya huminga muna ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili ko.

Habang tinatahak ko ang daan papuntang guidance ay hindi ko talaga maiwasang hindi mag-isip. Anong nagawa ko?

Hindi ko binilisan ang paglalakad at hindi ko rin naman binagalan. Hinayaan ko lang kumilos ang mga paa ko. Ayoko mapagod. Bawal ako mapagod.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok at buksan ito. Pagbukas ko ay lahat sila nakatingin sa akin. Napahigpit ako hawak ko sa strap ng bag ko.

Nag-angat ako ng tingin at doon ko nakita ang nakakaasar na mukha ni Rikka. Gusto kong matawa ng makita ang pasa sa may pisngi niya.

Ako ba ang may gawa ng pasa niya? Kung ganun, ang galing ko naman pala. Nandoon din pala ang adviser namin. Parang takang-taka ang itsura niya at gustong magtanong. Willing naman akong sagutin ang tanong niya. Sa tingin ko naman ay tama lang ang ginawa ko.

"Good Morning po." Bati ko. Hindi ako ngumiti. Bakit ako ngingiti sa kanila? Tumango lang ang guidance councilor at itinuro ang upuan katapat ng kay Rikka.

"Maupo ka." Nandito pala ang nanay niya.

"Totoo bang ikaw ang may gawa niyan kay Rikka?" Medyo nagulat ako ng magsalita ito pero bakit parang ang laki naman ng kasalanan ko?

"Opo." Pagkasagot ko ay biglang tumayo ang nanay ni Rikka at akmang susugudin ako. Buti na lang ay pinigilan siya ng anak niya.

"Ganyan ka ba pinalaki sa inyo ha?!" Natulala ako ng marinig ko iyon. Ayoko sa lahat ay yung sinasali ang personal kong buhay.

"Misis kumalma ho kayo."

"Paano ako kakalma kung nakikita kong may pasa sa mukha ang anak ko?!"

Gusto ko ng umalis. Ayoko ng mga ganitong bagay. Gusto ko mang dipensahan ang sarili ko pero mas pinili ko ang manahimik. Sigurado akong sa kwento sa kanila ni Rikka ay ako ang may kasalanan ng lahat. Paniguradong hindi niya sinabi ang dahilan kung bakit ko iyon ginawa sa kanya.

"Pwede ho bang tanungin muna natin ang bata?" Mahinahong sabi ni Miss Celine.

Hindi ako nagsalita. Tumungo lang ako at nanatiling tahimik. Ayoko na magsalita. Para saan pa?

Nagtagal pa kami ng ilang minuto doon. Pakiramdam ko ay nakakulob ako sa isang lugar at hindi ako makahinga. Kailangan ko ng umalis. Bahagya akong napahawak sa dibdib ko dahil unti-unti na itong naninikip. Alam ko na ang patutunguhan nito kaya tumayo na ako ay nagmadaling makarating sa pinto. Bago pa ako makalabas ay narinig ko pang magsalita ang nanay ni Rikka.

"Walang modo."

Wala na akong pakialam. Buti na lang ay katabi lang ng hagdan ang guidance office. Wala din masyadong dumadaan dito dahil bukod sa class hours pa ay katabi ito ng guidance.

Halos gumapang na ako para makarating sa taas. May daan kase dito papuntang rooftop. Kailangan walang makakita sa akin kahit na ang kaibigan kong si Kaira.

Nang makarating ako ay napaluhod ako ng manghina ang tuhod ko. Habol ko ang hininga ko. Tinanggal ko ang suot kong ID dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako. Nanginginig ang mga kamay ko pero kahit na hindi ko mahawakan ng maayos ay pinilit kong kuhanin ang mga gamot ko sa bag ko. Mabuti na lang ay lagi ko itong dala.

Ininom ko ang mga ito. Unti-unti ng bumuti ang pakoramdam ko at bumalik sa normal ang paghinga ko.  Napapikit ako at tumulo ang luha ko. Napahiga na lang ako sa semento at napatitig sa kalangitan.

Thank you Lord!

Nanatili lang ako ng ganoon. Mas gusto ko yung ganito, payapa. Ako lang mag-isa. Pakiramdam ko ay naubos lahat ng lakas ko kanina. Mula sa nangyari sa office hanggang sa inatake ako.

Totoong sinampal ko siya dahil sasampalin niya ako. Inunahan ko na siya. Nagkataon lang na napalakas ang pagkakasampal ko sa kanya kaya ganoon ang kinahantungan. Hindi kase maganda ang ugali niya kaya ganoon.

Kahapon iyon ng nangyari. Pauwi na ako ng makita ko siya sa likod ng school na may kinakawawa na namang estudyante. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kitang kita ko kung paano niya sinampal ng ilang beses ang babae. Hindi ako nakatiis kaya ako na lumapit ako at pinigilan ang muling akmang pagsampal dito. Ako ang sumampal sa kanya. Sigurado akong sobrang lakas noon.

Napatayo ako ng mag-alarm ang phone ko. 12:30 na pala? Bakit parang ang bilis? Gaano ba ako katagal dito?

Kinuha ko iyon at agad na pinatay. Kinuha ko ang pagkain na pinabaon sa'kin ni lola. Sabi niya ay kainin ko daw ito. Ayos lang naman sa akin kung bibili ako pero sabi ni lola ay mapapagod lang daw ako kaya siya na lang maghahanda ng pagkain ko. Sabi niya ay dadalhin niya daw tuwing tanghali pero ayoko naman na siya ang mapagod kaya sabi ko ay ayos na yung ganito.

Nagsimula na akong kumain. Kadalasan ay sabay kami ni Kaira pero panigurado na magtatanong iyon kaya dito na ako kumain. Hindi naman sa ayaw kong i-entertain ang mga tanong niya pero sadyang wala lang ako sa mood.

Siguro ay ganoon lang talaga. Mas gustong akin na lang at sa mga taong nandoon yung nangyari. Ayoko ng makalabas pa. Ayokong kaawaan nila ako.

--
Thankyou:))

Ocean Of TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon