Chapter 15

134 4 0
                                    

© something_kyish, 2015-2018 (Edited 05-12-2018)

---


TODAY IS Thursday... walang pasok. Walang pasok kasi sa AH. May special holiday na dineclare ang school. Kami lang yata ang walang pasok sa buong Barangay Looban eh.

Di bale na. Para hindi maging haggard ang daloy ng araw ko, gawin ko na lang ang mga tambak na assignments ko.

Kalalabas ko lang ng banyo, katatapos ko lang ding maligo. Grabe, babad ako sa bath tub ko ah. May sarili kasi akong banyo sa kuwarto ko, kumpleto pa. Kaya, kapag walang pasok, babad lang ako. Hindi naman ako nasusuway ni Mama.

"Alliana!!" sigaw ni mama sa baba, tawag niya ako.

"Bakit po?" sagot ko. Agad akong nagmadali, hindi p ako nakakabihis ah.

"Bumaba ka nga dito saglit!" utos niya sakin. Ma, teka lang...

Dala ang suklay, bumaba ako sa kuwarto ko at dumiretso sa may sala kung saan nandun siya.

Nagulat ako. Parang sobrang postura ni Mama ngayon, naka-pantalon at sky blue blouse. Aalis ba siya? Anong meron?

"Mama may ka-date po kayo?" sarkastikong tanong ko. "Naka-panlabas kayo eh. Date with Papa?"

"Loko, may pupuntahan lang ako," sabi niya sakin. "May bibilhin kasi ako, makikipag kita rin ako sa tita Anna mo. Kaya, kung kaya mo muna maiwan mag-isa?"

Ako? Mag-isa? Deal!

"Okay lang po!" sagot ko na may halong tuwa sa mukha, ako na namang mag-isa rito!

"Sigurado ka ah?" tanong ni mama sakin.

"Okay lang po."

"Anak, may naka-ready na doong lunch. Kung nagugutom ka at wala pa ako, pwede ka nang kumain," bilin niya sakin. "Eto oh!"

May binigay siya sakin, 50 pesos? Allowance ko for a day!

"Allowance mo yan, kung may bibilhin ka sa labas, ok lang. Wag kang palabas-labas ng bahay ah!"

"Opo!" sagot ko bago pa niya akong i-kiss sa cheeks. Mabait talaga si Mama.

Dala ang bag niya, lumabas na si Mama papuntang terrace. Nakasandal ako sa pintuan ng bahay at pinapanuod siyang ini-start ang kotse. Tinulungan ko na siyang buksan ang gate para makalabas ang kotse. Pagkalabas, bumisina siya bilang paalam. Noong umalis na, sinara ko ang gate, kinandado at pumasok na ulit sa loob.

Ngayong ako na lang mag-isa, ano namang gagawin ko?

Pumasok ako sa loob ng kuwarto ko at naka-standby sa balcony. Napakamaaliwalas! Pinagmamasdan ko ang paligid. Tahimik. Ang malamig na hangin lang ang nararamdaman ko. Hooo, napaka-makata ko sa lagay na to.

Di bale, gawin ko na lang ang mga assignment ko.

Marami akong gagawin, sa AP, TLE, English, Math... yon. Babad ako at bukas, may graded recitation pa kami sa Science... oh, hardd!

Medyo nawawalan pa ako ng ganang gawin ang mga assignments ko, tinatamad ako na hindi ko maintindihan. Paano pa namang hindi ako mawala ng gana? Sa TLE, magdo-drawing. Sa English, tatapusin yung theme writing na Magpapaka-Mark Twain ako sa sobrang pagkamakata. Sa AP, magreresearch ng mga facts about sa mga bansa sa South East Asia. Grr, anong uunahin ko?

Ok, AP na muna.

Pumunta ako sa harap ni lappy sa may study table, dala ang libro ko sa AP. Interesado ako dito, makakapag-FB na rin ako. Binuksan ko ito at mga ilang segundo, naka-on na. Kumonek ako sa web at hinanap ang site ng Wiki, doon ako naghanap ng mga sagot. Noong lunabas na sa screen, tinaype ko ang ise-search sa search bar at mga ilang saglit, lumabas na ang mga results sa screen. Pumili ako ng mga nasa results, kinilick ko yun.

Campus Hours: Alliana Gonzaga (Compiled 2019 Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon