Sa kalagitnaan ng malakas na buhos ng ulan, ay di makapaniwala si Rich sa kung sino ang taong nasa kanyamg likudan at nagpayong sa kanya."Gab?? anong ginagawa mo dito?" ang tanging salita na lumabas sa bibig ni Rich ng kanyang lingunin ang lalaki sa kanyang likudan.
"uunahin ko pa bang sagutin yan o pupunta na tayo sa kotse para hindi tayo parehas na mabasa? ang lakas ng ulan oh" Si Gab na inayos ang pagkakahawak sa payong para hindi sila lubusang mabasa sa ulan.
Agad naman nilang tinakbo ang kotse at agad na pumasok dito.
Pagkapasok sa kotse ay parehas na inayos nila Rich at Gab ang kanilang sarili dahil sa pagkabasa sa ulan.
"Basang basa ka, oh!" si Gab at inabot kay Rich ang isang maliit na tuwalya na kinuha niya sa backseat ng kanyang sasakyan.
Nakakaramdam man ng hiya ay agad na din niyang inabot ito at nagsimula na niyang punasan ang kanyang basang katawan.
Di kasi lubos maisip ni Rich kung bakit tila nag iba ang ihip ng hangin kay Gab at sa kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.
"Gab, basa ka din magpunas ka oh" pag alok ni Rich ng maliit na tuwalya na ginamit niya.
"wag na, nagamit mo na yan, may pamalit naman ako" si Gab at nagulat nalang si Rich ng bigla nitong hubarin ang pantaas nitong damit at ipinunas sa basang parte ng katawan nito.
Nakaramdam naman ng malakas na pagkabog ng kanyang dibdib si Rich sa pagkakakita ng magandang hubog ng katawan ni Gab, kaya walang anu-ano ay agad nalang siyang umiwas ng tingin at nagpatuloy na nagpunas sa kanyang katawan.
"kunwari ka pang naiilang" nasabi nalang ni Gab at agad nitong kinuha ang extra nitong damit sa backseat.
Di nalang pinansin ni Rich ang sinabi ni Gab at bigla niyang naalala na may susundo nga pala sa kanya.
"nako, nagpasundo nga pala ako, baka malapit na yun" nasabi ni Rich ng bigla niyang maalala at agad niyang kinuha ang kanyang cellphone.
"tsss, sa tingin mo ba sa lakas ng ulan makakarating agad yun? ang mabuti pa, pabalikin mo na yang inutusan mo at didiretso na tayo ng uwi" si Gab na nakapagsuot na ng pantaas niyang damit at iniaayos na ang kanyang nabasang damit sa may backseat.
Napaisip naman si Rich na tama si Gab, baka na-traffic yung susundo sa kanya lalo pa at may madadaanan itong kalsadang ginagawa tapos sasabayan pa ng malakas na buhos ng ulan.
Kaya naman agad na tinext ni Rich si Aifah para pabalikin nalang sa kumpanya ang susundo sa kanya.
Pagtapos niyang magtext ay agad naman inabot ni Gab ang isang Jacket sa kanya na kinuha nito sa backseat.
"oh, suotin mo at baka ginawin ka, basa yung suot mong damit" si Gab na di man lang dinampian ng tingin si Rich.
"S-s-salamat" nahihiyang tugon ni Rich at agad na din niyang kinuha at isinuot ang jacket dahil nakakaramdam na din siya ng lamig dahil sa aircon.
Agad nang pinaandar ni Gab ang sasakyan at tinahak na nila ang daan pauwi.
(sa may kotse na minamaneho ni Jeric)
Halos nahihirapan naman si Jeric na makapunta sa kanyang destinasyon dahil sa usad pagong ang galaw ng trapiko sa kanyang dinadaanan.
"Pag minamalas ka nga naman, paano pa ako matatanggap sa trabaho niyan kung pinag aantay ko ng matagal yung CEO ng kumpanya? bwiset naman na ulan at trapik to oh, tiyak nagagalit na yun" pag aalala ni Jeric na di mapakali sa kanyang kinauupuan.
Bigla naman tumunog ang kanyang cellphone at agad niyang tinignan kung sino ang tumatawag.
"Nako! eto na nga ba yung sinasabi ko eh" pag aalala ni Jeric ng makitang tumatawag ang sekretaryang si Aifah at agad niya naman itong sinagot.
BINABASA MO ANG
Love, Money, Debt
AcakPag-ibig, ang salitang ito ay importanteng pakiramdam sa buhay ng isang tao, masasabi mong masarap mabuhay pag mayroon ka nito. Pera, ang salitang ito ay importanteng bagay sa buhay ng isang tao, masisiguro mo ang buhay pag meron ka nito. Sa madalin...