City of Love

371 3 1
                                    

Art of Seduction (Training To Love Fan-fic)

"Aray!" sabi ko pagkatapos akong bungguin ng isang lalaki. Wala man lang siyang pakialam na may nabangga na pala siya. Nahulog tuloy lahat ng dala kong brochures at pamphlets, nagkalat sila sa sahig ng airport. Inis na inis ako dun sa lalaking nakabangga sa akin kaya lang ang bilis niyang nawala. Paglingon ko ay hindi na siya namataan ng aking mga mata. Mabilis akong umupo at sinikop lahat ng mga papel at inayos ito. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito pero wala akong pakialam sa kanila. Hindi ko naman sila kilala e.

I thought going to Paris will be good for me, pero pagkababa na pagkababa ko pa lang ay negative vibes na kaagad ang sumalubong sa akin. I just sighed, then i put the brochures and pamphlets inside my bag. Sana hindi magtuloy-tuloy ang kamalasang ito. "Be positive, Lady!" sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim, I shoudn't be pessimistic in my one week stay here in Paris.

"Lady!" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Inikot ko ng tingin ang buong paligid at sa di kalayuan ay nakita ko na kung sino ang tumatawag sa akin.

"Ate Jelai!" Tumakbo ako papunta sa kanya at sinalubong siya ng matinding yakap. Sobrang namiss ko ang kapatid ko dahil 5 years ago, iniwan niya kami para pumunta dito sa Paris dahil magsasama na daw sila nung French niyang boyfriend. Kalaunan lang namin nalaman na Pilipino din pala ito at nagtatrabaho lang sa Paris.

"Kumusta ka na, ate? Wait lang, nagpagupit ka ba? Mas lalo ka yatang gumanda ah?" sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang buhok niya na mukhang umikli na. Naaalala ko kasi last week nung magka-skype kami ay halos aabot na ng bewang yung buhok niya. Ngayon ay medyo lampas balikat nalang ito at may style na.

"Seryoso ka? Binobola mo naman yata ako eh." hinampas niya ako sa balikat, natawa nalang ako sa kanya.

"Bakit ka nagpagupit? Akala ko gusto mo ng mahabang buhok?" tanong ko sa kanya. Napansin kong hindi siya makatingin sa akin at alam ko nang may nangyari sa kanya na ayaw niya sabihin sa akin. Pinanliitan ko siya ng mata at agad naman niyang nagets ang ibig kong sabihin.

"Niloko kasi ako ng boyfriend ko. Sinabi niya sa akin na he needed space daw. Langya diba? Space? Bakit di nalang siya nag-astronaut kung kailangan niya pala ng space? Tama ka nga sa sinabi mo sakin nung nakaraan. Kung ang motto ko ay daig ng maganda at malandi ang maganda lang, may tatalo pa pala doon." sabi niya.

"Daig ng maganda at malandi ang maganda lang, pero may mas malandi pa sayo kaya iyak ka nalang." sabay naming sinabi. Parehas kaming natawa. Natigil lang kami nung nakita namin na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao dahil nasa gitna pala kami ng lobby nitong airport.

Kinuha ni Ate Jelai ang malaki kong bag at lumabas na sa airport. "Doon tayo sa apartment na nirerentahan ko. Medyo maliit lang iyon pero kasya tayo doon lalo na at wala na doon ang ex ko." Halatang-halata ang pagiging bitter niya pero hindi ko nalang sinabi dahil baka pati ako ay mahawaan niya ng bitterness.

Pumara siya ng taxi at kinausap ang driver sa lenggwaheng hindi ko naman naiintindihan. Nung nakarating na kami sa apartment niya ay agad akong umupo sa nakita kong maliit na sofa at idinantay ang ulo ko doon. Higit kumulang 14 hours ang byahe mula Manila hanggang dito sa Paris at ngayong nandito na ako at nakaupo sa malambot na sofa ay bigla kong naramdaman ang pagod sa byahe kanina.

"Doon ka na matulog sa kama." sabi ni Ate Jelai. Nagulat ako nang bigla niya akong hinigit patayo at tinulak papasok sa isang kwarto. Tiningnan ko ang loob ng kwarto at nakitang maliit lang ito. May isang kama na kakasya lamang ang dalawang tao at sa gilid noon ay may computer table.

"Ayan matulog ka na dyan. Hindi ko ba naman kasi malaman kung bakit naisipan mo pang magbakasyon dito sa Paris. Buti pinayagan ka ni nanay at tatay." sabi ni Ate Jelai habang inaayos ang kama.

Training To Love Fan Fic (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon