HEY GUYS! I HAVE AN EARLY NEW YEAR'S GIFT FOR YOU! HERE'S A SHORT STORY I'VE MADE FOR YOU!! ENJOY READING IT!
.....................................................................................................
FANCY MEETING YOU
-imBiankii
It was an ordinary day, I must say.
Strolling alone. Yes, all by myself.
I’m not a loner, if that’s what you were thinking.
There are just things you don’t know why but you’re happy doing.
.........................................................................................................
Nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa carnival. Wala lang daw just unwinding lang daw. Nung una ayaw ko talagang sumama sa kanila para kasing boring at wala ako sa mood for rides and other stuff na matatagpuan dun. Pero something in me na nagsasabi na sumama ako. So I decided to go with them sana lang tama ang desisyon ko.
“Ford tara dun sa bump car! Naku nakakamiss naman talaga ang sumakay dun no! When was the last time lumabas tayong magkakabarkada?”
Sabi ni Yannie, one of my friends, at ang kikay sa barkada tinaguring Ms. Popularity nung high school kami pero never lumaki ang ulo niyan. Lima kami sa grupo, composed of two girls and three boys. May barkada code kami: bawal ma-inlove ang magkaka tropa. Applicable lang yun sa aming lima kasi since kinder classmates na kami, ewan ba at hindi kami nagkakasawaan sa isa’t isa. Siguro sana’y na kami sa ugali ng bawat isa sa amin.
“Tama si Yannie eh. When was the last time we enjoyed? Puro tayo studies parang hindi ako sanay hahaha.” Nakakalokong sabi ni Ed, ang komikero ng barkada.
“I’ll gonna ask the same question sana pero I’d rather answer it. That was merely two months ago.” Sagot ni Mike, ang valedictorian ng batch namin nung high school. Sa aming lima siya na ata ang pinaka seryoso sa pag-aaral. Obvious ba valedictorian nga eh.
“naku kaw talaga Mikey!! Talagang nabilang mo yun ha, limot na nga rin ako eh. Nakakaloka naman kasi ang college life hindi pa rin ako makapag-adjust!” si Misha, hindi lingid sa kaalaman namin na may gusto yan kay Mike pero dahil nga sa BC (Barkada Code) hindi pwede ang gusto niya, minsan na kaming nagkasira ng dahil dun. Sobra ang galit niya sa amin kasi inimbento pa daw namin yung BC eh ano ba naman daw ba ang magagawa namin kung magkagusto siya kay Mike? Pero later on na-realize niya na buti nabuo yun kasi nung kasagsagan ng pagiging broken hearted niya nakilala niya si Raffie, her boyfriend.
“ang arte mo naman Misha parang totoo ang sinasabi mo! Eh feel na feel mo nga ang pagiging kolehiyala mo. Remember, nagpasama ka pa sa akin kasi bibili ka ng mga pang dalaga stuff? hahahhaa” – Yannie
“fine. Syempre joke lang yun noh!! Drama lang ba hmp! Hey why so quiet Ford?” – Misha
Napabaling tuloy sa akin yung atensyon nilang lahat. Nga pala hindi pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si Ford ang –
“Don’t tell me pare laos na ang kagwapuhan natin jan? Tsk pang high school lang ba ang angas ng Mr. Pogi ng barkada?” – Ed
I just smiled. Loko talaga itong si Ed, baka sabihin niyo na mayabang ako pero sino pa ba ang mag-iintroduce ng sarili ko kundi ako? Kwento ko ito eh. Oo, Mr. Pogi ng barkada ang tawag sa akin ng mga ito. Nung high school kasi madalas isali ako sa mga pageant at madalas nananalo ako. Dahil din dun nagkaroon ako ng maraming taga hanga, pati na rin girlfriends. Pero hindi ako playboy ha, habulin lang talaga hahaha just kidding!
