"I'm a Queen. Your lion Queen ." Was once said by Queentessa during her speech ,celebrating the 6th year anniversary of Queen's Palace. Iyon na rin ang tinaguriang motto ng dalaga. Everyone acknowledge her being the Queen of her own palace. No one tried to mess with the queen.Queentessa Briteller. Ultimate dictator, a terror. Ang boss ng mga bossy, at may-ari ng pinakamalaki at pinakasikat na mall sa buong bansa. A billionaire indeed. Mataas mangarap ang dalaga kaya naman umabot na rin sa iba't-ibang bansa sa asya ang success niya. Being a death threat sa mga taong nakapaligid sa kaniya, bininyagan siyang Queen of Death.
Queentessa.What a name! Daig pa ang pangalan ni Snow White at Princess Jasmine ngunit malaki ang pagkakaiba sa mga prinsesa sa fairytale books. Reyna, mas mataas ang katungkulan kaysa prinsesa. Reyna na kasing sama ang ugali ng stepmother ni Cinderella. Reyna na walang kapa. Reyna na kinatatakutan ng lahat. Reyna na walang hari. At the age of twenty-nine she never experienced having a boyfriend. No one tried to court her. Mataas kasi ang tingin niya sa kaniyang sa sarili kaya naman hindi niya maappreciate ang karisma ng mga lalaki na nagpapakita ng motibo sa kaniya. Aware siya sa mga bulong-bulungan sa kanilang kompanya na malapit na siyang maging santa or matandang dalaga. Who cares? As long na hindi nababawasan ang kayaman niya at siya ang kinikilala ng lahat na reyna, wala siyang problema.
Once upon a time in Quezon City, Queen was busy typing on her laptop when someone barged into her office. She didn't bother to look who that someone is. Iisang tao lang naman ang kilala niya na pumapasok nalang basta-basta sa kaniyang opisina, walang iba kundi ang pinsan niyang sweet na bossy na si Caden Alminar.
"Your Highness!" sabay yuko ng luko-lukong si Caden.
Nakuha agad nito ang attention niya kaya napatuwid siya ng upo.
"What brings you here?" walang kaamor- amor niyang tanong sa nakangisi niyang pinsan dahil nagtagumpay itong makuha ang atensyon niya.
"Everyone loves you. Everybody needs you. Every-"
"Again and again with that exaggerated poem of yours. What's the purpose of your visit? "
"Ahm...you know Shamara is preggy and ngayon ang schedule niya for-" for the second time she cut him off.
"Your Queen is asking you why are you here. Ayoko ng paligoy-ligoy. Stop your nonsense monologue"
Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pag-irap ni Caden na alam niyang unti-unti ng nauubusan ng pasensiya sa kaniya. Kaya bago pa ito makapagreact ay inunahan na niya ulit ito.
"You know, my time is precious. Ayokong naiistorbo sa trabaho lalo na ngayong tag-init dahil lalong nag-iinit ang ulo ko sa mga taong walang kapaki-pakinabang. So Mr. Caden Alminar, you can now leave my office before I kick your ass."
Napakunot-noo siya ng may biglang pumasok na batang babae sa nakabukas na pinto ng kaniyang opisina.
"Who do you think you are to kick my daddy's ass, huh?"
"Hey cutie pie, stay back!" Gulantang ang pinsan niya sa sinabi ng bata.
Napataas ng wala sa oras ang kilay niyang nakatikwas na. Hindi niya nagugustuhan ang nakikita niyang bata na nasa harap ng kaniyang office table. Ngunit hindi maikakaila na maganda ang lahi ng batang ito. Syempre mana sa tita, reyna ng kagandahan.
"Excuse me ugly duckling, who gave you the permission to enter my office?"
"Hey! My name is Arizza Bernalyn not ugly duckling!" Exaggerated nitong sagot at namaywang pa sa harap niyà.
"My dear Queen, wag mo na siyang intindihin. As I'm saying...."
"The door is open, that's why I entered. I've knock thrice but you didn't answer. Do you have a problem with that?" Singit ng kaniyang pamangkin.
"Arizza! Shut up, please? I'm still talking to your Aunt Queen. Nawawala ang composure ko eh."
Inirapan niya ang malditang bata. "Continue. Go."
"Kailangan kong samahan si Shamara sa check-up niya. After that kailangan kong umattend ng parents meeting sa school ni Kassel para sa school fair nila next week..and today... sched rin ngayon ng check-up ni Arizza sa dentist niya."
"So, what's your point?"
"I need....or we need your help rather. Pwede mo bang samahan si Arizza sa clinic? Please your Highness." pagmamakaawa ng pinsan niya.
Hindi niya lubos maisip kung bakit sa kaniya humihingi ng tulong si Caden samantalang marami naman itong pwedeng lapitan para samahan ang anak nito. Alam ng lahat na she's not into children. She hates children. She has a hectic schedule. She's busy all the time. What's wrong with this guy?
" Cancel her appointment then. Kapag hindi ka na busy, tsaka mo siya ipa-schedule ulit." suggest niya. Parang ang laki ng problema samantalang pwede namang gawan ng paraan.
"Hindi pwede yun pinsan. Remember, kailangan ko ngang sumama sa school ni Kassel sa pag-aayos sa school fair nila. Ngayon lang ito please..." Pagmamakaawa nito.
"I have a meeting later. I can't help you right now, Caden. Tawagan mo nalang si Abri or Mavy. I'm sure masasamahan nila itong malditang pusit na kasama mo."
"Are you referring to me that so called malditang pusit?!"
" Don't talk to me."
"My daddy is asking for your help. I think you can cancel your meeting , and resume it later."
"I can't cancel the meeting for you little Alminar." Here comes the sarcastic Queen.
"Why not? I'm your niece! The future Queen Arizza." With matching wink.
Nagulat siya sa ginawa nitong pagkindat sa kaniya. Walang maniniwala sa batang ito kapag tinanong ang edad nito. She's only six years old pero sa pananalita ay daig pa ang bente anyos. She can see herself to Arizza. The little Queen. She sigh.
"Give me the address of that damn clinic."
Napatalon sabay suntok sa hangin si Caden. Parang nanalo sa lotto. No. Parang tanga. Good for him. Masaya ito dahil naisahan siya nito. Napakababaw ng kaligayahan. Psss.
"And oh before I forgot, next time na maulit itong pagpasok mo ng basta-basta sa office ko, asahan mong ibabalik kita sa elementarya para aralin ang knock before you enter . I hope you understand what I mean."
BINABASA MO ANG
Queen's Love Scenario
RomanceQueen of her own beloved palace. King of his house. That someone who will manipulate their hearts and put them together on their Queendom.