<49> Brother's Talk

47 6 0
                                    

Kevin's POV

Ang bilis talaga ng takbo ng panahon. Akalain mo yon? Nagtagal ang walang kwentang relasyon namin ni Maira? Pft, hanga din ako sa babae na iyon eh, ilang beses na ba akong nawalan ng oras sa kanya? Minsan ko na nga lang siya siputin hindi padin siya nakakahalata. Wala nga man lang ako kaeffort effort nung 'monthsary' namin. Wala nga siyang naging reklamo nung dinala ko siya sa isang restaurant at doon lang nagcelebrate, samantalang kapag ibang babae ang ginawan ng ganon panay ang reklamo at mas malala pa kung makikipagbreak. Pero bakit ganoon lang kay Maira? Hindi ko din naman siya kinausap ng matino ng araw na yun kasi excited ulit akong makita si Scian sa tagpuan namin, sa rooftop. Kaso sa hindi inaasahan ay yun nga tinamo niya. Hay atleast okay na siya ngayon. 

Kasalukuyan akong nasa bahay namin ngayon, araw kasi ng sabado. Walang pasok kaya pati ang kakambal kong si Kurt at nakatimo rin dito. Nasa may veranda ako ngayon, pero naramdaman kong sumunod sa akin ang kapatid ko.

"Kamusta na ang plano mo, bal?" bungad na tanong nito sa akin.

Humarap muna ako sa kanya bago ko sagutin ang katanungan niya.

"Malapit ng matapos ang plano bal. Nararamdaman ko na ang pagkapanalo ko" 

Tumango tango naman siya sa sinabi ko. 

"Bal, pasensya na nga pala at sa una ay dinamay pa kita" pagpapasensya ko kay Kurt.

"Tsk, ano ba? Magkapatid tayo, kaya kailangan nating magtulungan kahit ano pa man yan" tugon nito.

Napakaswerte ko talaga sa kapatid ko, ni minsan hindi niya ako kinagagalitan sa mga ginawa ko. Naiinis minsan oo, pero sa bandang ako padin naman ang kakampihan niya. 

"Ready ka na ba manligaw ng tunay kay Maira pagkatapos ng plano ko?" biglaang tanong ko dito kaya bigla siyang napahinto.

"Anong ibig mong sabihin?" maang-maangan pa nito.

"Don't tell me hindi mo na siya gusto?" pang-aasar ko, pero lalo siyang sumeryoso. 

"So totoo nga?!" gulat kong saad, tumango naman siya bilang sagot.

"Kelan? Paano? Sino?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Narealize ko kasi na hindi ko talaga gusto si Maira, humanga lang ako sa katalinuhan niya" pag-amin nito.

"Pero sabi mo dati, gusto mo siya?" naguguluhan kong tanong kay Kurt.

"Parang gusto ko lang siya bilang kaibigan oh di kaya ay bilang kapatid, ganon" pagpapaliwanag niya. 

"Ikaw ha, hindi ka na nagsasabi sa akin" wika ko tapos siniko siko ko pa siya na parang nang-aasar, hindi lang pero kasi inaasar ko na talaga siya. 

"Palagi ka naman kasing busy at saka hindi ka naman nagtatanong" pagdadahilan niya.

"Sus, pwede namang itext lang yun" 

"Mas gusto kong sabihin ng personal" pagmamatigas niya.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang sabihin sa akin" pang-aasar kong muli.

"Kelan pa ako hindi nagsabi sayo?" 

"Ngayon lang" sagot ko at lalong ngumiti nang nakakaloko.

"Tigilan mo nga ako Kevin" napipikon niyang sabi, hindi pa kasi sabihin.

"Mukhang ayaw mo pa sabihin sa akin, sige hihintayin ko na magsabi ka" 

"Nga pala maiba lang sa usapan, kelan mo pa ibinasura si Jace? Yung kakambal ng kaibigan ni Maira" pagbubukas niya ng topic.

"Pagkatapos ng araw na sagutin ako ni Maira" sagot ko.

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon