CHAPTER 81: LABAN PART 2

32 4 0
                                    

Agad naghanap ng matataguan si Arman dahil sa mas marami ang bilang ng mga galit na Manananggal kaysa sa kanya. Sinubukan nyang barilin ang mga ito ngunit agad na naiwasan ng mga Manananggal ang mga balang ipinutok nya. Nang makakita sya ng isang maliit na butas sa pader, agad syang sumuot dito. Nagkumpulan ang mga Manananggal na humahabol sa kanya at pilit siyang inaabot ng mga ito. Gumanti din naman sya ng tadyak at putok ng baril sa mga ito.

Si Archie at Rochel naman, agad ding tumakbo matapos pagtuunan ng pansin ng mga Manananggal ang kanyang tatay. Ngunit bago pa man sila makalayo, hinarangan sila ni Urdano at ihinampas ang kanyang kamay.

Itinulak ni Archie si Rochel at sya ang natamaan. Sa lakas at laki ni Urdano, naisip ni Archie na patay na dapat sya, kung hindi lang dahil sa suot nyang agimat.

Agad nyang sinigawan si Rochel na tumakas mula sa lugar, ngunit hindi makatakbo si Rochel dahil ayaw niyang iwan si Archie at ang kanyang tatay.

Naisip ni Rochel na nasa alanganin din lang ang kanilang buhay na tatlo dahil sa dami ng bilang ng mga Aswang kaysa sa kanila.

Kaya pinili na lang niyang takbuhing lapitan si Archie upang manatili at sama-sama na lang silang tatlo sa kanilang kahahantungan dahil wala na silang matatakbuhan pa.

Nang lumapit si Urdano at dapat sanay tutusukin sina Archie at Rochel, nang biglang kung anung bagay na bumulusok diretso sa katawan ni Urdano at pagtama nito ay biglang sumabog.

Nabigla at natumba si Urdano dahil sa nya inaasahan na mapapatumba sya ng isang bagay na hindi nya pa nakikita sa buong buhay nya. Nagulat din ang mga Manananggal na umaatake kay Arman at napatingin silang lahat sa pinanggalingan nito.

Laking tuwa nila Archie at Rochel ng makita nila si Lola Lita na kasamang pinamumunuan ang mga kalalakihan mula sa kanilang nayon at mga iba pang mga kakilala nila mula sa bayan.

Lola Lita: "HOY!!! URDANO!!! MASAKIT BA?!!! FIRST TIME KONG GAMITIN ETONG TINATAWAG NILANG ROCKET-PROPELLED GRENADE!!!!!! AT NASAPOL NA KITA AGAD!!!! HALINA KAYO MGA BATA!!!!! SUGURIN ANG MGA ASWANG NA YAN!!!!!"

Fred: "SUGOD!!!"

Marcel: "ANJAN NA KAMI BAYAW!!!!!!"

Rico: "ROCHEL!!!!! ANJAN NA AKO!!!!!!!"

Sinugod ng mga taong bayan ang pangkat ng mga Aswang. Pagsugod ng mga tao, tumakbo agad sina Archie at pinakiusapan nya na magtago si Rochel upang tulungan si Arman na sinunod naman ni Rochel.

Lalo pang nag-alburoto sa galit ang mga tao ng makita nila ang mga labi ng mga tao na sa tingin nila ay ang mga taong matagal ng nawawala sa isla.

Agad na hinanap ni Fred si Arman at naaktuhan ang Manananggal na pilit na humuhuli sa kanya. Tinalon ni Fred ang Mananaggal at itinusok ang sulo na dala nito sabay tusok ng sibat sa puso. Agad nyang tinawag si Arman na lumabas na sa sinuotan nyang butas para tumulong sa laban.

Si Lola Lita naman, pinagpapalo ng dala niyang tungkod ang Manananggal na nahuli ng mga kasama nyang mga lalaki. Tsaka nila tinusok ng matatalas na kahoy ang kamay at pakpak nito sa lupa upang hindi na makalipad.

Iginapos naman ng ibang mga kalalakihan ang ilang mga Manananggal upang hindi na makalipad.

Maliban kina Celito at Marcel na pinagtutusok ang mga nahuli nilang Manananggal ng mga sibat at palaso na may tali. Tsaka nila itinali sa puno ang mga ito.

Magkahalong tunog ng baril, tusok ng sibat at tabak ng itak ang narinig sa buong lugar. Habang naglalaban-laban ang lahat, abala naman sila Shiela at Buboy sa paghahanap ng mga kalahating parte ng mga Manananggal upang lagyan ng asin. Napagdisketahan pa ni Buboy na lagyan ng paminta, sili, luya at suka ang ilan sa mga ito.

Natalo na lahat ng taong-bayan ang mga Mananaggal na alalay ni Urdano maliban na lang sa kanya.

Si Rico, agad na sinugod si Urdano sa sobrang galit dahil sa pagdukot sa kanyang anak na si Rochel. Tinusok nya ng sibat ang tagiliran nito ngunit gumanti naman ng kalmot si Urdano na agad namang nailagan ni Rico.

Laking gulat nya na sobra palang lakas ng Aswang na kanyang kinakalaban dahil nagmarka sa sahig ang kalmot nito.

Lumipad si Urdano sabay bumulusok sa mga taga nayon. Kinalmot niya habang lumilipad ang mga tao kung saan nasugatan ang karamihan at hindi naman pinalad ang iba.

Sinubukang igapos ng grupo nila Celito at Marcel si Urdano gamit ang sibat at palasong may tali upang mapigilan sya sa paglipad. Napigilan at napabagal sya bahagya, ngunit nanlaban pa rin si Urdano.

Kaya pinagbabaril nila Fred, Arman, Lola Lita at pinana ng ilan sa mga tao si Urdano upang mapahina ito at tuluyan ng mapapaba ng mga tali si Urdano sa lupa.

Ngunit nanlaban parin ito kaya tinusok ng sibat at initak ng ilang mga tao, kasama si Archie ang katawan ng Aswang upang lalo pa itong mapahina.

Nagulat ang ilan sa mga gumagapos kay Urdano dahil sa mabilis gumaling ang mga sugat ni Urdano, maliban sa gamit na itak ni Archie kung saan tuloy-tuloy nyang sinusugat si Urdano habang pilit na iginagapos

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon