This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments or events is entirely coincidental.
Distributing soft copies and copying the story without the author's permission is strictly prohibited.
PLAGIARISM is a crime.
- - - -
(A's Note: Out of boredom. Trip lang. Sorry. Ito pa lang ang kaya kong gawin as of now. Can't update cause of personal reasons and things I have to prioritize more than this. Thank you for understanding. Mwah. )
- - - -
"Frieeeeeeeeend!"
"Hinaan mo naman ang boses mo.Nagbabasa kaya ako." masungit na sabi ko kay Shanel habang nakadapa pa rin sa higaan at patuloy na nagbabasa ng libro. Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong siya 'yun.
"Grabe.Ganyan ba talaga ang isasalubong mo sa akin?Namiss kaya kita." nagpapa-awang sagot nya at naramdaman kong umupo siya sa higaan sa may bandang paanan ko.
Sinara ko ang libro at umirap bago umupo na rin sa higaan.
"Ano bang ginagawa mo dito?Di ba, nasa Cavite ka?"
"Ugh?Binibisita ka?Actually, kakauwi ko lang kanina at dito ako dumiretso tapos 'yan pa ang isasalubong mo sa akin."
"So utang na loob ko pa?"
"Ang bad mo talaga. Kaya di ka nagkaka-boyfriend eh."
Inirapan ko lang ulit si Shanel bago humiga at bumalik sa pagbabasa. Bestfriend ko siya since grade 1.Kaya sanay na siya sa ugali ko. Tyaka, syempre,biro lang naman ang mga pang-iirap ko sa kanya.
"Ella."
Hindi ko siya pinansin.
"Ella."
Humarap ako sa kabilang side ng kama at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Franciseeeeeelllllaaaaaaaa!"
Napabalikwas ako sa kama at naiinis na tiningnan si Shanel. Ang lakas kasi ng bunganga, at higit sa lahat, mas nakakainis ang pagbanggit niya sa buong pangalan ko.
"Shuta ka Shanel!Napaka-epal mo.Sabi ng ayokong binabanggit ang buong pangalan ko eh!"
"Eh hindi mo ako pinapansin eh.Sige ka,kapag di mo pa ako pinansin, babanggitin ko ulit ang buong pangalan mo."
Ayaw na ayaw kong tintawag ako sa buong pangalan ko.Francisella. Siguro, iisipin niyo, pinagsama ang pangalan ng papa at mama ko. Pero malabo. Ang papa ko, Sebastian ang pangalan. Si mama, Cecile.O di ba,ang layo.
Tinanong ko ang mama ko noong high school ako at sobrang pinagsisihan ko na nalaman ko pa. My mom's favorite subject in college was biotechnology.
At ang pangalan ko ay kinuha sa scientific name ng isang bacteria na nagko-cause ng Tularemia o rabbit fever. Francisella Tularensis. Ngayong college, tampulan ako ng tukso. Bacteria raw ako. Kainis.Tyaka may naaalala ako sa word na bacteria.
"Ano na naman ba kasing trip mo? Nagbabasa nga ako di ba?Tyaka, kauuwi mo lang dito sa Manila.Hindi ka ba napapagod? Magpahinga ka nga muna."
"Magpapahinga naman ako. Pero gusto muna kitang bisitahin to ugh,know your plans?"
"Plan?Anong plan sinasabi mo dyan?"
BINABASA MO ANG
Tinderella (One Shot)
RomanceI found my destiny in a very strange way. Strange, yet cool. Well, I am Tinderella. And this is my own version of fantasy.