Isa-isa nang dumadating ang mga bisita ni dad sa bahay namin. Usually mga businessmen. Ganun naman talaga diba? Lalo na kapag kasama mo sa mga madudumi mong negosyo.Pinuntahan ko muna si mom sa kwarto. Kanina pa sya nagkukulong.
"Mom?" Pagtawag ko sa kanya.
Natitig lang sya sa sarili niya sa salamin. Nakapag-ayos na sya. Pero di pa sya nakakapagbihis. Nakalatag pa sa kama ang isusuot nyang kulay buhangin.
"Mom you should get dress. Dumadating na yung mga bisita."
"Hmm. Are they?" Sagot nya sa akin. Ngumiti lang sya saka tinapik yung kamay kong nakalagay sa balikat nya.
Pumasok naman sya doon sa walk-in closet. Hinintay ko sya ng ilang minuto. Lumabas naman sya agad.
"Wow! You look so young mom." Bungad ko sa kanya.
"Thank you son. You too. You look so handsome."
Pareho kaming napatawa. Inayos ni mommy ang tie ko saka pinagpagan ang mga balikat ko. She sighed.
"You're growing too fast, son."
"Mom!"
"But you are still my baby boy!" Panunukso nya sa akin saka kiniliti ako.
Namimiss ko ang mga ganitong moment namin lalo na nung andito pa sya sa bahay. I was 10 when she left me. Gusto kong sumama sa kanya that time pero pinigilan ako ni dad.
"I can't wait you to be with me. Sooner."
Di ko alam pero may parte sa akin na gustong tumutol sa gusto ni mommy. Ayoko nang pumunta sa America. Gusto ko nalang manatili dito sa Pilipinas.
"Sooner mom, after I graduate."
Sabay kaming lumabas ni mom ng kwarto. Sinalubong naman kami agad ng palakpakan at mga pagbati.
Kinuha ni dad si mom at sabay na silang bumaba. Isang pekeng ngiti ang sumilay sa mukha ni mommy. Alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa din sya kasi hindi si Laurel ang pinakasalan nya. Pati na din si daddy. At ako ang bunga ng walang pagmamahal nilang pagtatalik. I was just born because of my lolo's last wish. They want an another Marcielo.
"Happy birthday Jethro!" Pagbati sa akin ng mga kaibigan ni daddy.
"Salamat po."
Kumuha ako ng isang wine glass saka nagsalin ng white wine. Sobrang busy ni dad sa pakikipag-usap ng kanyang mga bisita.
"Jethro!"
"Charm! Thank you sa pagpunta. Hello tita Sham."
"Happy birthday Jethro." Masayang bati niya sa akin. Nag beso kami ni tita.
"Sham!" Sigaw ni mommy nang makita ang mommy ni Charm. Hinayaan nalang namin ang dalawa na mag-usap. Once in a year lang naman sila nagkikita't nakakapag-usap.
"Congratulations kanina Charm." Panimula ko.
"Nako! Congratulations sa atin Jethro. Ano kaba. Tayong dalawa ang nanalo no, hindi lang ako hahaha."
Napahaba ang usapan namin ni Charm. Di rin nagtagal, tinawag ako ni dad.
"Jethro! Andito na ang hinihintay mong bisita." Sigaw ni dad.
Paglingon ko, andito na nga si Laurel pero di niya kasama si miss Atacia. Mag-isa lang sya.
Kinamayan ko sya pagkalapit ko sa kanya. "Thank you for coming, mister Laurel." Bati ko.
"My pleasure young boy."
Binigyan ko sya ng isang wine glass na may lamang hard liquor. Tinanggap nya naman ito.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede (Paramour Series #1)
General FictionWould you still love a married woman even if it is illegal? A Teacher-Student relationship that would make your hearts and minds upside down. (Paramour Series #1) Highest Ranking: -Number 1 in Paramour -Number 1 in Sin