32

788 23 0
                                    

Hinatid na kami ng isang tauhan papunta sa magiging pansamantalang kwarto namin dito.
Nakakalito at marami ang pasikot- sikot na mga daanan. Sigurado ako na maliligaw ako dito pag nagkataon.
Huminto kami sa pinakadulong pinto. Medyo creepy nga kung tingnan kasi maraming mga alikabok sa gilid ng dingding nito. Mukhang matagal ng hindi ginagamit.

"What?! Are you sure this is their room?!"

Puna ni Zion halatang di nagustuhan ang paligid nitong kwarto namin. Sang- ayon din naman ako dahil baka magkasakit ang mga anak ko dahil sa alikabok.

"Yes po, alpha dito mismo po. Wag po kayong mag alala ipapalinis ko po itong labas ng kwarto nila sa ibang tauhan".

Kumpirma ng tauhan saka binuksan na nito ang silid.
Pumasok si Zion kasunod naman ako.
Pareho kaming nagulat ng tumambad sa paningin namin ang napakagandang loob ng silid at saka napakalinis naman pala nito.
Looks can be decieving ika nga nila.
Hindi na uli nagsalita si Zion kita na sa mukha nito na nagustuhan na niya ito.
May dalawang crib ang nandito na pareho ang kulay.
Mukhang pinaghandaan na nila ang pagdating namin.
Inilapag ko ang baby boy namin dun sa kaliwang crib saka ko kinuha si baby girl kay Zion at nilagay ko ito sa katabing crib buti na lang mahimbing ang tulog ng dalawa.
Si Zion busy sa paglagay ng mga gamit namin sa cabinet na nandito.
Ang sarap niyang pagmasdan sa ginawa. Ngayon ko lang siya nakitang gumawa ng ganito.
Ako naman minamasdan ko ang kabuuan nitong kwarto namin. Gusto ko siya kasi puro puti ang kulay ng pintura nito saka minimalists lang, wala masyadong dekorasyon na siyang nagustuhan ko. Simple but elegant tapos ang laki pa ng kama kasya lima.
At ako lang ang matutulog dito kaya excited na ako.
At dahil wala kaming kibuan ni Zion naglinis na lang ako ng sarili. Pumasok ako sa banyo. Yes, may may sariling banyo ang kwarto namin dito. Nagdala ako ng ibang damit pagkapasok ko para dito na makabihis. Awkward  andito kasi si Zion eh.
Matapos kong mag ayos ng sarili lumabas na ako at naabutan ko si Zion na nakahiga na sa kama. Topless ito. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya especially sa abs niya. Haha.
Sinaway ko ang sarili mukha kasing pinagnasaan ko siya. Asa.
Dahan- dahan akong naglakad papunta sa kabilang side ng kama. Tiningnan ko saglit ang mga anak ko na sobrang himbing pa rin ang tulog bago ako sumampa sa kama. Inaantok na rin kasi ako eh.






Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatulog buti na lang di pa nagising ang mga anak ko.
Wala na si Zion pagkatingin ko dun sa gawi niya kanina. Naninikip ang dibdib ko kasi di manlang siya nagpaalam sa akin.
It hurts kaya.
Nakaramdam ako ng gutom kaya napagpasyahan kong lumabas ng silid saka hahanapin ko ang kusina. Gutom na kasi talaga ako.
Binaybay ko ang pasilyo buti na lang di ko nakalimutan yung dinaanan namin kanina.
Hanggang sa may nakasalubong akong isang tauhan tinuro naman nito ang direksyon papuntang kusina.
Nang papunta na ako dun may narinig akong nag uusap.
Hindi ko na sana pinansin pero nung marinig ko ang boses ni Zion napahinto ako.  Yung parang na- curious ako kung ano ang pinag uusapan nila. Di pa pala siya umuwi.
Nagtago ako sa isang sulok. Dito mas napakinggan ko ang usapan nila ni Kaizen.



"Bakit anong nangyari kay Jane?"
Tanong ni Kaizen.

"She faints according to Percy".
May pag alalang sagot ni Zion.


"Ah that' s why you're going. Ok. So you are concern for her huh".

Komento ni Kaizen.


"Of course i do. Titingnan ko lang kung ok na siya dun sa kastilyo."
Sagot ni Zion.

Nagmamadali akong umalis sa pinagtaguan ko. Hindi ko na kaya pang marinig ang usapan nilang dalawa.
Kaya pala parang may something sa mga kilos niya ngayon.

Who is she to Zion at bakit nandun siya sa kastilyo??

Wala naman pala akong karapatang magselos. Sino nga ba naman ako di ba?  Hindi Porket naanakan niya na ako pwede na akong magdemand ng atensyon sa kanya.
Pero ang saklap pala ng nasa ganitong kalagayan.


ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon