CHAPTER 84: ILUSYON

29 3 0
                                    

Nagmadaling pinuntahan ni Marika ang kuwarto kung saan nakatago ang mga libro ng unang Babaylan. Ngunit bago pa man sya makarating, tinanong na muna siya ni Lola Lita kung hindi na nananakit ang sugat nya sa kanyang likod.

Sinagot naman siya Marika na mahapdi lang ng konti ang kanyang nararamdaman ngunit hindi sobrang sakit.

Itinulak ni Marika ang pinto ngunit nanghina sya dahil sa naramdaman ulit nya ang sakit ng sugat sa kanyang likod. Kaya sinabihan ni Arman na sila na lang ang magtutulak ng pinto para sa kanya.

Itinulak nila Arman, Fred, Marcel at Celito ang dalawang naglalakihang pinto. Pagbukas nila, binuksan nila ang kanila mga dalang flash light at debateryang lampara.

Namangha si Marika sa kanyang nakita nang makita nya ang dalawang aklat na nakalagay lamang sa isang pulpito na gawa sa bato kung saan nakapusiyon sa gitna ng kuwarto na sa tingin nila ay isang silid aklatan. Agad na na nilapitan ni Marika ang mga Aklat ng nagulat na lang sya sa kanyang nadiskubre.

Marika: "A.....ANU TO?!!! BA..BAKIT GANUN?!!!"

Archie: "Bakit po Miss Marika? Anu pong problema?

Marika: "Hi...hindi ko mahawakan ang mga Aklat!"

Arman: "Anung sinabi mo?! Hindi mo nahakawan ang mga Aklat?!!"

Marika: "Oo, Arman. Para bang tumatagos ang kamay ko sa mga Aklat."

Upang makumpirma ang sinasabi ni Marika, lumapit din si Arman at sinubukan nyang hawakan din ang mga ito.

Arman: "Oo nga!! Hindi ko nga din mahawakan ang mga libro!! Nay! Bakit po ganito?! Hindi po namin mahawakan ang mga libro?!"

Nagtaka din si Lola Lita kung bakit hindi mahawakan ang mga Aklat. Kaya inutusan nya na subukan na hawakan nilang lahat ang mga libro. Ngunit gaya nila Arman at Marika, wala sa sinuman sa kanilang mga kasama ang nakahawak sa mga libro. Kahit si Lola Lita, nagulat din ng sinubukan nyang hawakan ang mga ito.

Lola Lita: "Anung uri ng panlilinlang ito?! Ni ako mismo hindi ko din mahawakan!"

Celito: "Nay!! Hindi kaya, isa na naman ba ito sa orasyon ng lolo nyo?!"

Lola Lita: "Hindi ko alam, anak. Dahil hindi naman nya sinabi sa akin ang tungkol dito."

Rochel: "Sige!! May naisip na po ako para malaman natin kung gawa yan ng isang Orasyon! ARCHIE!!! IHAMPAS MO NA!!!"

Archie: "SIGE!!"

Marika: "TEKA!!! SANDALI!!! BAKA MASIRA NYO YUNG MGA LIBRO!!!"

Ihinampas ni Archie ang kanyang itak sa kinalalagyan ng mga Aklat. Pagtama ng itak, unti-unting nagkalat ang mga maliliit na butil ng ilaw mula sa mga libro kasabay ng paglaho nito.

Nang makita ito ni Lola Lita, tila may naalala sya sa nakaraan nya ang tungkol sa isang mahika na gumagawa ng ilusyon na laging ginagawa ng kanyang lolo upang mapasaya sya kapag sila ay naglalaro.

Hanggang sa naunawaan na ni Lola Lita ang tungkol sa mga Aklat.

Marika: "Kita nyo na?!!! Dahil jan sa naisip nyo, nasira ang mga libro!!!"

Rochel: "Pasensya na po, Miss Marika. Hindi naman po namin akalain na kasama pati mga libro sa masisira."

Archie: "Sorry po. Miss Marika."

Arman: "Patawarin mo na sila, Marika. Gusto lang nilang tumulong."

Marika: "Pero, isang Acheological find yun!! Makakatulong sana ang mga Aklat bilang dagdag pruweba na totoo ang alamat ng Unang Kaharian!!! Ngayung wala na ang mga libro, paano ko mapapaniwala ang Boss ko na itong kinatatayuan natin ay ang Maalamat na Unang Kaharian?!!"

Marcel: "Grabe ka naman, Marika. Hindi pa ba sapat na ebidensya etong silid na to at yung pader sa labas?"

Marika: "Eh yun na nga eh!!! Pader at ang silid lang na ito ang pruweba ko!! Panu na natin maayos ang mga libro?!"

Lola Lita: "Hindi na maayos ang mga Aklat. Dahil wala naman talagang mga Aklat sa lugar na ito noong una pa lang."

Marika: "A....Anu pong ibig nyong sabihin, Nanang?"

Lola Lita: "Naalala ko nung mga bata ako. Madalas kapag nakikipaglaro si Lolo sa akin, lagi siyang gumagamit ng mahikang pailaw mula sa kanyang kamay at minsan hinuhulma nya ito sa iba't ibang uri ng mga bagay."

Arman: "Teka? Sinasabi nyo ba, Nay? Na mga ilusyon ang mga libro at hindi totoo?"

Lola Lita: "Oo, Arman. Marahil, pinaniwala nya ang mga Aswang sa kwento ng mga Aklat upang maging pain laban sa kanila. Dahil talamak talaga ang pangbibiktima ng mga Aswang noong kabataan ko. Marahil din na mula pa noon ay matagal na talagang nawawala ang mga libro at kinuha na ng kung sinuman dahil nakikita ko sa lalagyan na wala man lang bakas na may nabulok na libro. Kaya naman, patawarin mo sana kami, Marika, kung masyado kang umasa na totoo ang mga Aklat."

Marika: "Wag po kayong mag-alala, Nang, wala po kayong kasalanan. Sa nakikita ko po, tama po kayo. Baka wala naman talagang mga libro mula pa noon. Pero kung meron man, saan na kaya sila napunta? Sana man lang nasa mabuting kamay mga aklat na iyon."

Lola Lita: "Oo. Sana nga, Iha."

Marika: "Dahil malalim na rin ang gabi, bukas ko na lang ipagpapatuloy ang pagtingin sa mga pader ng silid. May nakikita kasi akong mga kung anung bagay na nakaukit. Pero hindi makita ng ilaw. Kaya bukas ko na lang tingnan para mas maliwanag."

Lola Lita: "Sige, Iha. Matulog ka na ng mahimbing."

Naghanap ng pwesto si Marika sa loob ng silid na kanyang tutulugan at inilatag ang kanyang tent na hihigaan. Hinikayat nya rin sina Archie, Rochel, at ang magkapatid na tabihan sya sa pagtulog.

Nagbantay naman sina Arman, Fred at Rico sa mga Manananggal upang masigurong hindi makakatakas at mamatay na sa sinag ng araw ang mga ito. Ilang sandali dumating ang ilang pulis sa lugar upang alamin kung totoo ang haka-haka na kanilang naririnig.

Nagulat sila ng makita nila ang mga Mananaggal na nakagapos, ngunit nakiusap sina Arman na wag nang ipaalam sa gumagawa ng diyaryo ang kanilang nakita dahil wala namang maniniwala. Naintindihan naman ito ng mga pulis kaya nagpaiwan ang iba upang tulungan sila sa pagbabantay at ang iba naman ay bumalik sa istasyon upang icover ang report sa mga haka-haka.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon