CHAPTER 85: USAPANG PASUKAN

29 3 0
                                    

Kinabukasan, nagising ng maaga ang mga natutulog na kasamahan ni Arman dahil sa malakas na sigaw ng mga Mananaggal. Napag-alaman nilang nasusunog na pala sa sikat ng araw ang mga ito. Dahil sa hindi kaaya-ayang nangyayari sa mga Manananggal, inutusan ni Arman si Fred na wag munang palabasin sina Archie.

Dumating naman din ang ilan sa mga kaibigan nila sa nayon upang kamustahin ang kanilang pagbabantay. Matapos mamatay ang mga Manananggal, tumulong ang mga kasamahan nila na maghukay ng butas at kumuha ng maraming kahoy upang muling sunugin ang labi ng mga Manananggal at ni Urdano.

Nang masunog at maabo ang mga labi, agad din nilang inilibing sa isang tagong lugar upang hindi na maalala pa ng mga tao ang paghahasik ng lagim ng mga ito sa isla.

Agad na din silang nagsibalik sa nayon kasama sina Lola Lita at ang mga taong nagbantay ng buong gabi. Ang iba naman ay tinutulungan si Marika sa pananaliksik nito sa pader na tinawag niyang batong-silid kasama sina Archie. Ngunit natataranta si Marika dahil ni simbolo o sinaunang letra sa pader ay wala siyang makita upang masaliksik.

Marika: "Anu na yan?!! Wala man lang akong makita ni kahit na anu sa mga pader ng kuwartong to?!!"

Rochel: "Miss Marika, anu po bang manyayari sa trabaho nyo kapag wala kayong makita na simbolo o letra dito sa buong kastilyo?"

Shiela: "Matatanggal po ba kayo sa trabaho?"

Marika: "Ehh....Shiela, Rochel, hindi naman ako matatanggal sa trabaho pero ililipat ako ng University sa sideline ko bilang Teacher sa Junior high."

Buboy: "Ililipat kayo?! Dahil lang ba sa wala kayong nakitang sinaunang bagay sa lugar na ito?"

Marika: "Oo, Buboy. Pero sakaling wala tayong makita, pasok pa din naman ang kastilyong bato na ito bilang isang historical site. Ang kaso nga lang, ilalagay na ako sa pagtuturo kapag nangyari yun."

Archie: "Pero masaya naman pong magturo di po ba, Miss Marika?"

Marika: "Oo. Masaya naman. Kaso hindi ko hilig ang mga trabahong may kinalaman sa papel."

Rochel: "Saan po kayo magtuturo sakaling konting relics lang ang mahanap nyo po dito?"

Marika: "Sa Selma Junior High School magtuturo kung sakali, Rochel."

Laking gulat ni Archie ng malaman nyang sa Selma Junior High School magtuturo si Marika dahil nag-aaral din sya sa eskwelahan na iyon.

Archie: "Miss Marika!! Dun din po ako nag-aaral sa eskwelahan na iyon!!"

Marika: "Talaga Archie?! Aba!! Akalain mo nga naman ang pagkakataon. Eh di may posibilidad na maging estyudante kita kung sakali."

Archie: "Opo. Possible nga po yun."

Rochel: (Buti pa sila, posibleng magkita pa sila ni Archie at Miss Marika sa Selma. Samantalang ako, baka hindi ko na ulit makita si Archie.)

Shiela: "Rochel, Ok ka lang? Bigla ka ata nalungkot?"

Rochel: "OK lang ako, Shiela. Wala lang to."

Naisip ni Shiela na marahil ay naiinggit si Rochel kay Miss Marika dahil sa posible pa silang magkita ni Archie sa pinanggalingan nito. Kaya nagtanong sya kay Miss Marika upang makagawa ng paraan para magkita si Rochel at Archie sa Selma.

Shiela: "Miss Marika, matanong ko lang po, panu po makakapagtransfer ng estudyante sa Selma high?"

Marika: "Mula saan, Shiela? Dito ba sa isla?"

Shiela: "Opo. Miss Marika."

Marika: "Mukhang mahihirapan tayo jan Shiela kung mang-gagaling dito sa isla ang estudyante na magtratransfer sa Selma. Kasi kailangan na istrikto ang school pagdating sa mga estudyante na manggagaling sa probisya. Kailangan nasa above 80 ang total average mo mula Grade 7. Tsaka mahal din ang tuition sa school. Nasa 3000 ang presyo per year. Pero kung hikahos ka naman sa buhay, pwede kang pumasok sa Scholarship program ng school. Basta't kaya mong i-maintain ang total average mo na nasa 80 above ang grade mo."

Rochel: (Total average of 80? Tapos kailangan maimaintain ko ang lahat ng grade ko sa 80 above? Pano to? Last year tumigil ako sa pag-aaral dahil wala  akong pangbayad sa tuition. Panu kung hindi ako tanggapin dahil nagdrop-out ako last year?)

Biglang napatakbo si Rochel sa labas ng kuwarto. Nagtaka naman sila Archie, Marika at Buboy sa naging reaksyon ni Rochel.

Marika: "Ah...Ayus lang ba si Rochel. Bigla syang tumahimik nung mapag-usapan ang tungkol sa school ah."

Archie: (Hindi kaya iniisip nya ang pag-alis ko sakaling bumalik na kami ni tatay sa Selma? Napag-usapan pa kasi ang school.)

Shiela: "Miss Marika. Pwedeng makausap kita sandali. Tungkol kasi kay Rochel. Archie, Buboy, kung pwede lang dito lang kayo sa loob."

Archie: "Sige. Dito lang kami ni Buboy."

Lumabas ng silid sina Marika at Shiela. Paglabas nila, ipinaliwanag ni Shiela kay Marika na gustong makasama ni Rochel si Archie. Pero dahil sa hirap ng buhay ng pamilya ni Rochel, sa tingin ni Shiela ay nalungkot ito at marahil nag-iisip na baka hindi na sila muling magkita pa ni Archie.

Marika: "Kung ganun, sinasabi mo na gusto ni Rochel na lumipat sa Selma para lang makasama ang pogi mong pinsan?"

Shiela: "Ganun na nga po. Miss Marika."

Marika: "Alam mo, Shiela, may naisip akong paraan. Pero kailangan ko munang kausapin ang parents nya kung papayag sila. Sa ngayun, hanapin na muna natin sya para makausap ko sya."

Shiela: "Opo. Maraming salamat po, Miss Marika."

Marika: "Walang anuman, Shiela. Isa kang tunay na kaibigan sa kanya. Sigurado ako na tatanawin nya ang utang na loob sa'yo."

Agad na umalis sina Marika at Shiela mula sa labas ng batong-silid upang hanapin si Rochel. Abala pa rin naman sa paghahanap sina Archie at Buboy sa loob ng batong-silid.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon