𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 𝓉𝓌ℯ𝓁𝓋ℯ

58 7 0
                                    

sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ


🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇹 🇼 🇪 🇱 🇻 🇪 

🇼 ᴀʟᴀ pang 9 AM umalis na agad kami ni Rem sa bahay nila. Nagtaka ako kase ang pagkakaalam ko mga 10 AM ang bukas ng mall at boutique.

Hindi kami dumiretso sa mall dahil sarado pa nga iyon. Hindi ko alam kung saan niya balak pumunta, mas'yado pa kaseng maaga.

Seryoso lang siyang nagmamaneho. Napatingin ako sa gawi niya bago ako nagtanong kung saan kami pupunta gayong sarado pa ang mall.

"Spe--"

"How many times do I have to tell you, can you cut my name?" lutol niya sa pagtawag ko sa pangalan niya.

Tumikhim ako. "Rem," ulit ko.

"Much better. Why?" tanong niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Kay Lola Juanita. Alam kong gusto mo na rin siyang bisitahin."

Biglang nagningning ang mga mata ko.

"Talaga?!" napasigaw pa ako.

"Low your voice Whinny."

"Sorry, na excite lang ako kase miss ko na rin si lola Juanita at para makamusta ko na rin siya."

Tumango lang siya at sandaling tumingin sa akin bago ulit tumingin sa harap.

"Nag-enjoy ka ba kagabi?" biglang tanong niya.

"Oo. First time mong mag-aya ah? Sa pagkakatanda ko kase ako ang laging nag-aaya sa'yo," pagtataka ko.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Gusto ko lang. Masama bang ako naman ang mag-aya sa'yo?" sarkasto niyang sabi.

"Hindi naman. Pero nakakapanibago lang kase e," gatong ko.

"Edi masanay ka na, dahil simula ngayon ako naman ang mangungulit at mag-aaya sa'yo," seryoso niyang sabi.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatingin ulit ako sa kaniya.

May mga bakas ng tagiyawat sa mukha ni Rem pero hindi iyon ang dahilan para mawala ang gwapo at ma-aappeal niyang mukha.

"Nagbibinata na tayo ah?" tudyo ko.

Nagets naman niya ang tinutukoy ko dahil na rin siguro nakatingin ako sa mukha niya. Iilan lang naman ang tagiyawat niya sa mukha at mabibilang lang din sa aking mga daliri.

Ngumisi siya sa akin. "Nag dadalaga na rin tayo ah?" tudyo niya pabalik.

Biglang nag-init ang mukha ko. Naalala ko ang nangyari kagabi sa kwarto niya halos lumubog ako sa kahihiyan.

Nag-aya  si Rem na mag movie marathon kami at syempre pumayag ako dahil first time niyang mag-aya at nakaka excite rin dahil makakanood na rin ako nang matiwasay na hindi siya nagrereklamo.

Ako ang nag decide sa pinanood namin kagabi at dahil mahilig ako sa mga thriller dahil mas gusto ko ang may thrill sa mga pinapanood kong palabas. Hindi naman siya nagreklamo sa napili ko bagkus ay alam kong na enjoy din niya ang panonood.

Pero sa kalagitnaan ng palabas at hindi ko rin inaasahang mangyayari bigla akong nakaramdam na parang may malagkit sa ibaba ko. Bigla akong pinagpawisan dahil alam kong tumagos iyon sa suot kong short at bumakat 'yon sa kama ni Rem.

Bigla akong naiyak sa nangyari kaya nagtaka si Rem.

"Bakit? Hindi naman nakaka-iyak 'yong palabas ah?" takang tanong ni Rem.

Sperm Boldazor (Young Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon