I did a lot of things to others. I want them to feel happy, I want them to feel that they have someone to lean on. Yes, it's me. It's me who always support and loved them pero tama nga naman may mga tao na... kahit anong anong buti mo sa kanila, may masasabi sila. Buti nalang mabait si Lord, binigyan niya ko ng inspirasyon at... Oo, ikaw yun.
"Deng, halika na." She's one of my new found friend in college.
Sobrang dali lang nilang pakisamahan parang ang tagal-tagal na naming mag-kakilala. With them, I became who I am. The real me to be exact. They treat me like a sister and I really felt that I am important. They gave me the love and comfort that I always wanted. They are my safe place, my heroes.
"Ning, nasaan ang iba?" I asked her. Di ko kase nakita ang iba naming barkada.
"Ayun oh... ML nanaman." Turo niya sabay irap. Natawa ako sa reaksyon niya, palagi nalang kase ganyan yong itsura niya sa tuwing mag lalaro ang iba naming kaibigan. Mga adik kase yun ee.
"Ee asan si Ranica?"
"Nagpapaganda si mayora" sabay kaming tumawa at natuwa sa mga kaibigan namin.Grabe... ang bilis lang ng panahon, dati rati di pa kami magkakakilala ngayon parang magkakapatid na ang turingan.
Naalala ko nanaman tuloy ang dati kong mga kaibigan. Akala ko sila ang magiging best friends ko hanggang pagtanda but I didn't expect na mag-iiba pala kami. Magbabago sila, sakin. Oo, sakin.
Ewan ko ba akala ko dati praning lang ako at OA pero dinadamdam ko kase talaga lahat ee. The feeling of being alone always haunted me. I always felt that they are talking behind my back but still I gave them the benefit of the doubt. I don't want them to know about what I felt siguro kase that time takot akong maiwan. Takot akong mag-isa but one thing I learned from all of those memories, love and trust. Believe that they love me, believe that they trusted me.
Ang dami ng nangyari di ko na nga matandaan ang iba ee pero one things for sure, my friends will always be my friends.
Weather they treat me as one or...not. It's okay thou I know that I gave my all and I loved them sincerely.Well...meron pa naman akong tatlong kaibigan na nandiyan pa rin sa tabi ko up until now and I'm very thankful for that. They didn't treat me like others, they treated me as a family. As a sister.
Napabalik ako sa kasalukuyan ng makita ko ang crush ko. Automatic smile nanaman ako. Ba't ba kase ang pogi pogi niya nakakainis naman ee.
Dumaan siya sa mismong harap ko at ako naman na patay na patay sa kaniya ay tumitingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Bumibilis nanaman ang tibok ng aking puso. Haaayy... kailan ka kaya magiging akin.
"Hoy! Drama mo ah." Si Darme, siya ang pinaka astig saming mag-t-tropa. Akala ko nga dati tomboy ee, di pala.
"Ang sama talaga ng ugali mo dang, di ka sana magka-jowa! "Sigaw ko sa kaniya.
"Aba aba... ako pa talaga? Baka ikaw tatandang dalaga kahit talandi naman... "Sobra talaga ang sama ng ugali ng babaeng to. Minsan gusto ko siyang sampalin at sabunutan. Nakakainis. Pag iyan talaga yong banat niya sakin di ako makapalag ee. Ewan ko ba pero she has a point naman ah, marami-rami na din naman ang nakakausap kong lalaki pero ewan ko wala talagang tumatagal.
Tatanda ba talaga akong dalaga? Wag naman Lord gusto ko pa mabinyagan kawawa naman ang mundo kong di makikinabang sa genes ko.
"Oopss... tama na ang bangayan, kakain na mga madam. " Bigla namang singgit ni Lady. Siya naman ang mommy sa grupo. Siya ang taga luto at wag ka may baon payang lunchbox pero umaga palang ubos na ang pagkain niya. Weird but it's her signature.
Nasa apartment niya pala kami ngayon, dito kami tuwing lunch time. Gusto kasi naming makakain ng pagkain na kami mismo ang magluluto at isa pa, para makatipid na rin.
Nasa kabilang apartment lang nakatira ang crush ko kaya madalas ko siyang nakikita everytime na nandun kami sa apartment ni Lady.
"Rafa bili kang juice sa tindahan." Sigaw ko sa isa pa naming kaibigan. Rafael or Rafa for short is the only boy in our group akala ko din dati bading, di din pala. Siya yung kaibigan na talagang maaasahan mo, siya na nga pinapagawa ko ng mga assignments ko kong tinatamad akong magsulat sobrang bait niya lang talaga.
"Anong flavor?" Tanong ni Rafa sakin.
"Kahit ano basta masarap tulad ko." Biglang sabat ni Ranica sabay kindat.Ang laswa talaga ng babaeng to, sarap hampasin. Kilala siya sa grupo bilang papalit palit ng lalaki. Parang damit lang kong magpalit. Kaya palaging nasasaktan ee.
"Ampangit mo kamo Ranica!" Sinigawan ko siya at kinuha ang pinggan sa may gilid niya.
"Sabi ng mama ko maganda ako!" Sagot niya naman.
"Mama mo yun kaya niya nasabi."
"Ang sama ng ugali mo mabaog ka sana!""Tigilan niyo nga yan ang lalakas ng boses niyo hindi lang tayo ang andito hoy! Mahiya kayo. " Ayan nanaman galit nanaman ang Annie namin. Nag-away kami ni Ranica sa mga titigan namin hanggang sa natapos na ang lunch.
Lalabas na sana ako ng makita ko ulit ang crush ko. Yay! Ang swerte ko. Dahil sa wala akong hiya at makapal ang mukha ko sinundan ko siya.
Kabisado ko naman ang daan dito pero bakit ganon? Parang naliligaw ako. Gosh! may klase pa naman kami. Liliko na sana ako ng bigla akong mabungo sa kong saan. Mabuti nalang parang malambot na bagay ang nabungo ko hay... salamat di masisira ang face ko.
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko at laking gulat ko ng makita ang crush ko. Kingina siya ang nabungo ko! Paano nangyari yun ee nakasunod ako sa kanya.
"Sinusundan mo ba ko?" Magkasalungan ang mga kilay niyang tanong sakin. My Ghosh! Ang gwapo talaga first time ko tong nakita siya ng ganitong malapitan.
"Sagot!" Parang kulog ang sigaw niya. Nakakatakot naman parang aatakihin ako sa puso.
"Magdahan dahan ka sa pananalita mo! Ako lang to magiging asawa mo!" Sigaw ko sa kanya. Syempre sa isip ko lang yun. Teka... sa isip ko lang ba talaga? Ahhh... Ano ee... Nasabi ko. NASABI KO! tangina!
"What?"
" Ahh... S-sabi ko... A-a-ano ang ganda ko!" Sabay takbo. Kinginang buhay to oh! May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya! Ang bobo ko kase ee... Kingina talaga."San ka galing?" Tanong sakin ni Rafa.
"Ang tanga-tanga ko talaga. "
"Totoo yun" ani Rafa
"Patay ako nito! Tangina!"
"Mapapatay talaga kita sa taas ng boses mo!"-Ranica
"Bahala na nga!"Bahala na talaga!

BINABASA MO ANG
Yes, Maybe, No
General FictionAlexandrea Maureen Salvador is a business administration student who always thought that being alone is a peace of mind. She used to socialize in the past but because of some issues about trusting and forgiving the people around her, she became dist...