Gabby
Hi Gabby. Punta kayo nila Grant at Charity sa acquaintance party bukas ha? Please :)From: Papa Romeo
Hanggang ngayon kinikilig pa din ako sa text kagabi sa akin ni Papa Romeo ko. Omg talaga biruin mo nagtext pa talaga siya sa akin with matching please pa. Kilig much talaga ang tumbong ko. Hindi na nga ako halos makatulog eh!"Bakit ngiting-ngiti ka diyan?" Tanong ng autistic kong kapatid. Aba himala ngayon lang siya nakiaalam sa buhay ko ha. Anong nakain nito?
"Pake mo ba?" Sabay irap ko sa kanya. I'm sure na mang-iinis nanaman 'to.
Tumabi siya sa akin sa mesa at naglagay ng cereal sa mangkok niya sabay tingin sa akin. Aba milagro talaga to!
Matagal na kasing hindi tumatabi sa akin itong si Grant. Kahit sa pagkain, pag andito lang si Mama saka kami nagsasabay. Hindi na nga din kami nag-uusap ng matino eh. Kung mag-uusap man kami babarahin lang niya ako o kaya sisirain ang mood ko. Hindi ko alam pero bigla na lang naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Masakit yun kasi noon, si Grant lang ang karamay ko sa lahat ng bagay, siya lang ang napagsasabihan ko. Nung mga bata kami lagi kaming magkasama. Napagkakamalan na nga kaming magkambal kasi lagi kaming magkadikit. Pero nung lumaki na kami, parang biglang nagkaroon ng harang sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko nawalan ako ng karamay sa buhay. Pero kung ano man ang meron kami ngayon, never ko yun tinanong sa kanya kasi ayokong masaktan. Siguro kasi alam ko na kung bakit siya naging ganyan pero ayoko lang aminin sa sarili ko.
DRAMA. CHOS!
"Pupunta ka sa acquaintance party mamaya?" Tanong niya habang kumakain.
"Oo pupunta kami ni Cha mamaya. Ikaw muna bahala dito sa bahay."
"Pupunta din kami ni Francine mamaya eh."
WAIT. WHAT?
"Sinong Francine?" Gulat na gulat kong tanong.
"Girlfriend ko."
WHATTT?????!!!!!
"WHATTT?????!!!!!"
"You heard me." Malamyang sagot niya sa akin.
"Sino yang Francine na yan?! Kelan pa naging kayo?! First girlfriend mo ba siya?!" Sunod-sunod kong tanong.
"Classmate ko siya. Magwa-1 week na kami. Oo first girlfriend ko siya."
Tinitigan ko lang siya. Hindi ako makapaniwala na may girlfriend na siya. Wala kasi akong nababalitaan na may nagugustuhan siya na kahit sino sa school. Ang alam ko lang maraming nagkakagusto at naghahabol sa kanya.
"Ipakilala mo naman siya sa akin." Sabi ko sa kanya sabay siko sa braso niya.
"Makikilala mo din siya." Pagkatapos ay tumayo na siya at niligpit ang mga kinainan namin sa mesa. Oo dakilang tamad ako dito sa bahay. Si Mama at Grant lang ang kumikilos dito sa bahay. Ayaw na din nila ako pakilusin kasi nasisira daw ang lahat ng hawakan ko dito sa bahay.
Nakakatuwa, kahit na malayo ang loob namin sa isa't-isa, pinaalam pa din niya sa akin 'to. Alam kong importante para kay Grant ang bagay na 'to kasi frist girlfriend niya 'to. Importante sa kanya ang pakikipagrelasyon. Hindi siya basta basta pipili lang ng kung sinu-sinong babae sa tabi-tabi at tatawaging girlfriend. Siguro sobrang special nung Francine para makuha ang puso ng kapatid kong abnormal.
Nakakainggit naman siya. May lablayp na. Samantalang ako, eto, naghihintay pa din kay Papa Romeo na marealize niya kung sino ba ang dapat niyang mahalin. I mean, duh? Hindi ba niya nakikita na hindi bagay sa kanya yung mga ganung uri ng reptiles gaya ni Millicent? Ano kayang klaseng gayuma ang ginamit ng babaeng yun sa Papa Romeo ko?
BINABASA MO ANG
Our Playful Secret (girlxgirl)
Humor[Romance/Humor] ❤ "Kung iisipin mong mabuti wala naman dapat akong pake dito eh. Di naman big deal kung nakakakita ako ng lesbian couples, dumadami na kasi sila eh. Malamang marami akong makikita na tulad nila. Yun namang pagtingin ko sa mga magagan...