Wala ako sa sarili .Lakad ako ng lakad hanggang makarating ako sa isang pamilyar na lugar .Hindi ko alam kung bakit ako dito dinala ng mga paa ko .
Malapit na ring sumapit ang dilim pero eto ako at walang balak umuwi .Nakaupo sa bench na paborito kong upuan noon at pinapanood ang paglubog ng araw .
Masaya sanang tingnan ang sunset ngayon kung may kasama ako .Kung nandito lang siya sa tabi ko -kung di ko siya pinaubaya sa iba .Tears started to fall in my eyes .Flowing like a river.
Bakit nga ba mahalaga sa akin ang lugar na 'to ? Bakit ? Kasi ito ang paboritong lugar niya .Dito kami nagkikitang dalawa para kumain at manood ng sunset .
At dito . . . Napahawak ako sa dibdib ko .Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa walang tigil na pag iyak .
Dalawang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon masakit pa rin .
Dito sa parke na 'to .Dito ko tinapos ang relasyon naming dalawa .
Ang tanga tanga ko sa part na pinaubaya ko siya .Ang tanga tanga ko kasi pinakawalan ko ang tao na hindi ako kailanman pababayaan .
Ang tanga tanga ko .
Hanggang ngayon kahit na dalawang taon na ang nakakalipas sinisisi ko pa rin ang sarili ko .
Ang dami naming alaala sa lugar na 'to .Ang daming masasayang alaala .
Masasayang alaala .I smiled bitterly.Those happy memories turned into sad one now .
Dito ko sinagot si Danny .Dito ko siya makikita kapag wala siya sa bahay nila .Dito ko siya pinupuntahan kapag malungkot ako .
Dito niya ako iniintay kapag may lakad kami .
Tandang tanda ko pa yung reaksyon niya no'ng sinagot ko siya .
" 'Di nga Lia ? Tayo na ? Tayo na talaga ?" Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya .Hindi siya makapaniwala na sinagot ko na siya .Walang paglagyan ang tuwa niya no'n .Ang saya niya no'n -ang saya namin no'n.
"Oo Danny tayo na nga !"Binuhat pa niya ako no'n tsaka hinalikan .Nagulat pa ako sa ginawa niya pero ginawaran ko rin siya ng halik gaya ng binigay niya sa akin .
Happiest moments of my life .Yet , the saddest one .
Natamaan ng mata ko si Kuyang nagtitinda ng fishball .Hilig ko ang fishball kaya naman tuwing magkikita kami 'yun ang kinakain namin .No'ng una ,ayaw niya sa fishball ni Kuya pero nagustuhan niya rin kinalaunan .
Hindi lang fishball ang binibili niya siyempre 'di puedeng walang panulak .Naalala ko no'ng nabasa ang damit ko dahil sa hindi ko hiwakan ng mabuti yung cup sakto pa na sa may breast part ng damit ko nabasa .Kung manyakis siya baka todo titig siya sa damit ko dahil bumakat yung underwear ko .Pero hindi ,hinubad niya yung polo niya at isinuot sa akin .
"Baka mapano ka sa daan kapag may nakakita sa'yong ganyan ,"siya na mismo ang nagbutones ng polo niya sa akin .Sa totoo lang napakaswerte ko sa kaniya .Swerte nga ako pero pinakawalan ko naman .
"Wala ka bang sneakers ? Bakit ka kasi nag high heels 'yan tuloy nangyari sayo,"Minsan kasing may lakad kaming dalawa at naisipan kong mag highheels pero dahil sa lampa ako natapilok ako no'ng papunta ako sa parke .
YOU ARE READING
Memories of Orange Sunset
Short StoryLahat tayo dumadaan sa punto na kailangan nating mamili sa dalawang bagay na pagpipilian. Choices . Those choices are hard for Lia .She doesnt want to disappoint her parents .Yet ,She doesn't want to let go her love . Its hard for her. Its hard for...