HEON P.O.V.
Habang nakahiga sa kama at pana'y ang mukmok ay pinagmamasdan ko ang cellphone ko hinihintay ang tawag na alam kong di dadating
Nasa ganoon akong sitwasyon ng may kumatok sa pinto ko
" Baby? Si mommy to! Alam kong di ka nagugutom pero may bisita ka sa baba " Anunsyo niya na nagpabalikwas saakin at nagpatambol ng puso ko
' Sabi ko na nga ba hindi niya ko matitiis' Naiiyak na sambit ko sa sarili
Nagmadali akong maghilamos at tumakbo sa hagdan hanggang sa makarating sa pinto ng kusina
Ngunit ang kaninang tuwa ko ay nawala at mapait na napangiti ng ibang tao pala ang sinasabi nilang bisita
Gusto kong tumalikod at maglakad papalayo pero nakita ko ang tuwa ni lolo at madi dissapoint naman ito saakin
" Eh bakit ka nga ba napadayo dito?" Malamig na tanong ko dahilan ng paglingon nito saakin
' Buti okay na siya' Saad ko sa sarili
" Binibisita ka Mas nagmumukha ka kasing pasyente kesa saken" Biro nito saka humarap kila daddy ulet
' Napakabastos niya talaga' Inis na pahayag ko
" Maupo kana Heon nakakahiya sa kaibigan--" Naputol ang sasabihin ni mommy nang sumabat ako
" She's not a friend of mine" Malamig na saad ko
' Totoo naman hindi ko siya kaibigan' Nang tignan ko ang reaksiyon niya ay nakakibit balikat lang ito habang nakangisi
" Hindi po kasi pwedeng maging kaibigan ang future wife " Biro pa niya dahilan ng pagtawa ni lolo
" Ah oo nga pala muntik ko nang makalimutan magnobyo pala ang dalawang ito" Nagagalak na paalala ni lolo saamin
' Tsk Oo nga pala nagpapanggap nga pala kami'
" Naghiwalay na po kami Dean" Nakangising sagot niya na ikinabigla ko dahilan ng pagsiko ko sa kanya ngunit pinandilatan niya lang ako ng mata
" Ano!? Bakit? May pinagawayan ba kayo?" Gulat at nagaalalang tanong ni mommy
" Hindi po kasi kami compatible sa isa't isa, Marami kaming pagkakaiba kaya naghiwalay kami" Sagot niya parin
' Seryoso ba siya?' Takang tanong ko sa isip hindi mawari kung nagbibiro lang ito o sasabayan ko
" Real love stories always have ending" Nakangiting saad niya saka tumingin saakin
" Kung ganoon anong ipinunta mo dito?" Takang tanong ng kapatid ko
" I kokondisyon ko lang ang kuya mo mukha kasing siya ang tinamaan at hindi ako" Saad niya saka tumingin saakin
" Wala namang rason para ikondisyon mo pa ko " Sagot ko sabay pagiwas ng tingin
" Edi bibigyan kita ng dahilan " Seryosong saad niya dahilan ng paghinto ko at taimtim na tumingin sakanya
" Let's go kumain na lang tayo sa labas " Anunsyo ko saka iniwan siya
Hindi kami makakapagusap kung nasa harap kami ng pamilya ko paniguradong importante ang pinunta niya
Mabilis akong nagpalit ng damit at kinuha ang susi ng sasakyan ko at nauna na sa sasakyan ko saka ko siya nakita na lumalabas sa bahay habang nasa loob nako ng sasakyan
" Get in" Utos ko pero tinignan niya lang ako at ngumisi saka ako tinalikuran kaya bumaba ako para tawagin siya
" Hey! Saan ka pupunta akala ko ba may paguusapan tayo?" Inis na tanong ko
BINABASA MO ANG
Trapped into Bad Girl's Love [Completed]
Fiksi RemajaCién University isang prestigous school kung saan mga matatalino at mapeperang istudyate ang mga nakakapasok sa paaralang ito Anong mangyayari sa paaralang ito kung makapasok ang pinaka walang galang at masungit na babae sa loob ng paaralan? Hindi...