Chapter 80 : Tears of Pain

26 1 0
                                    

Kenzo' POV.

Continuing...

Tinulungan kung magbalik ng damit si Morgan.

"Hwag mong sasabihin tong nangyari sa atin sa kahit na sino!" Sabi nya then tumango ako.

"ANDITO SI MORGAN" sabi ko para lumapit na sila sa kinaroronan namin. " Iiwanan natin sa kwebang to kung anu man ang namagitan sa akin." Sagot ko then narinig na namin ang mga yapak nila, noong akmang bubuhatin ko na sya bigla ba naman akong itinulak ni Vincent, napasubsob ako sa buhangin.

Slowmotion...

Hindi man lang ako tinignan ni Morgan. Yung tipong walang nangyaring tulakan.

Hanggang sa may mag-abot sa akin ng kamay. Si kuya Landon. Kaya agad na din akung tumalima at humawak para makatayo na ako. But i was really disappointed  nang makita ko ng harap-harapang siniil ng halik ni Vincent si Morgan.  Yumuko ako at talagang sumama ang loob ko pati ang pakiramdam ko.

Hanggang sa mag-dilim na lang ang paningin ko hindi  ko na maihakbang ang mga paako.

"May sugat ka ahh. Okay ka lang ba??" Tanong ni Kuya Landon then tinapik nya ang balikat ko at doon na ako unti-unting nawalan ng malay.

--------------------

Morning...

Resorts....

Villa...

I took deep breath noong imulat ko ang mga mata ko.

"Hay, mabuti naman at gising kana" bungad sa akin ni Irex then  lumapit sa akin si Sue.

"Daddy, are you okay po?" Tanong nang bata then ngumiti ako ng pilit sabay tangin kay Irex.

"Bakit kaba sumugod at nagbabad sa ulan? Alam ko namang dilikado doon diba? Dapat hinayaan mo na yung rescuers na maghanap kay Morgan" kalamado nyang pagsesermon sa akin dahil andoon si Sue. Yun ang number rule namin na hwag na hwag kaming mag-aaway sa harap ng mga anak namin.

Bumangon ako dahil binigyan ako ni Sue ng tubig.

"Pumunta kana muna kay Ate Skye, Baby" bulong ko doon kay Sue then sumimangot to kaya niyakap ko sya.

--------------

Masakit pa ang ulo ko at inuubo pa ako kaya naman sinita ako ni Irex bago pa man ako makalabas ng kwarto namin.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Kenzo" nagtitimpi nyang sabi kaya naman huminga ako ng malalim at hinarap ko sya.

"Anu bang masama kung tumilong ako sa  humanap kay Morgan? Anu bang big deal doon? Anung gusto kong gawin ko? Umuwi dito at tumunganga, Irex naman, magbigay ka naman konting konsedirasyon doon sa tao. Hwag mong ikasama ng loob yung ginawa ko" nagagalit kung tugon  then tiniganan nya ako ng masama yung tipong pamatay.

"She's not just a somebody Kenzo. Ex mo yung tinulungan mo. Sa tingin mo ba hindi ako naapektuhan. Pinayagan kitang sumama dahil ayokong isipin nilang may issue, kahit pa may malaking issue talaga sa akin yun" pagpapakatotoo nya then pinilit kung kumalma.

"ISSUE, PURO ISSUE, lintik na Issue yan. Bakit ba hindi ka move-on. Matagal na kaming tapos ni Morgan. Walang dahilan para magkabalikan pa kami. Ikaw ang pinakasalan ko, ikaw ang asawa ko ngayon diba?!" Nakakagigil kung sagot then umiling sya.

"Asawa mo lang ako sa papel. Bakit Kenzo, ni minsan ba naisip mo kung anung naramdaman ko nang malaman kung pinakasalan mo lang ako dahil buntis ako? Dalawang taong na tayong kasal oo, mag-asawa tayo, oo magkasama tayo at oo ako ang nandito. Pero ni minsan, hindi mo naman ako minahal diba? Yung pagtrato mo sa akin para akong isang ligaw na hayop ee" umiiyak nya nang sabi then dumating si Tito George at agad-agad nyang nilapitan si Irex at niyakap nya to'.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon