CHAPTER 43

36 4 2
                                    

WARNING!!!

ANG SUSUNOD NA BAHAGI NG KABANATANG ITO AY SPG. MAARING MAY MASESELANG TEMA, LENGUWAHE, KARAHASAN, SEKSWAL, HORROR O DROGA, NA HINDI ANGKOP SA MGA MAMBABASANG HINDI OPEN MINDED. PATNUBAY NG SARILI ANG KAILANGAN.

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 43

Umahon kami ni Matt mula sa pool matapos naming maligo. Tinuruan niya akong lumangoy pero dahil sa suot ko ay hindi ako makalangoy ng komportable. Kaya nag-aya na siyang umahon at isa pa, tapos na ring maluto ang mga pagkain at nakahanda na lahat sa isang mahabang lamesa sa tabi mga upuan.

Nandoon na rin si Shi na nagsisimula ng kumain. Nang makalapit kami kila Shi ay may iniabot sa akin si Matt na isang paper bag. Sa itsura pa lang ng paper bag mukhang mamahalin na kung ano man ang laman noon.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko at hindi inabot ang ibinibigay niya.

"Just take it and go get change." Kinuha niya ang kamay ko at pilit na ibinigay ang paper bag sa akin. Itinulak niya ako papalapit sa banyo at agad niya akong pinapasok sa loob noon.

"Ano ba kasi 'to?" tanong ko na lang sa sarili ko nang nasa loob na ng CR.

Binuksan ko ang paper bag at muntik ko na iyong mabitawan nang malaman ko kung ano ang laman noon. Isa lang namang two-piece swimsuit ang laman ng paper bag. Hindi ko susuotin ang bagay na ito kahit kailan. Ano bang pumasok sa isip ng lalaking iyon at ibinigay niya sa akin ito?

"Matt! Matt!" sigaw ko, pero mukhang malayo na siya sa CR kaya hindi na niya ako naririnig.

"Ano ba naman kasi ang lalaking iyon? Kung ano-ano ang iniisip. Hay! Bahala na nga." Sabi ko na lang sa sarili ko at sinimulan ng magpalit. Nahihirapan na din naman ako sa suot kong dress ngayon eh.

Mabuti na lang at may kasama iyong isang manipis na damit na hindi ko alam kung ano ang tawag. Kulay puti iyon at halos wala na rin naman matakpan sa suot ko pero mas okay na iyon kaysa naman wala.

Nahihiya man pero lumabas na rin ako. Sinubukan kong takpan ng mga kamay ko ang ibang parte ng katawan ko na walang saplot pero ganoon pa rin, wala rin namang natakpan. Malapit na ako sa pwesto ng mga pagkain nang marinig ko ang bangayan ni Matt at Shi. Pagtingin ko ay nakita ko na naman silang dalawa na nag-aaway.

"Bumalik ka na nga kasi sabi sa mansyon. Ako na ang bahala dito. Ako na ang bahala kay Mitch. Bakit ba ang kulit-kulit mo?" rinig kong sabi ni Matt kay Shi.

"Bakit ba kasi? Baka nakakalimutan mo na sa aming property ito at hindi inyo, kaya ako ang masusunod." Ganti naman ni Shi.

"Sundin mo na lang kasi ako. Bakit ba ang kulit-kulit mo? Ha? Kung sumunod ka, eh 'di sana okay na."

"Ikaw ang makulit sa ating dalawa. Kung sabihin mo na kasi kung bakit ba gusto mo kong paalisin baka maintindihan pa kita eh. Pero ipinipilit mo lang iyang gusto mo. Hindi mo ako utusan na susunod na lang sa lahat ng gusto mo, Matt."

"Mamaya ko na lang sasabihin sa iyo. Kaya pwede ba, umalis ka na. Ngayon na." rinig ko ang inis sa boses ni Matt

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi." At nag-cross arm pa si Shi na mukhang inis na rin.

"Shisu—"

"Matt." Tawag ko na sa kaniya dahil mukhang magsusuntukan na ang dalawang ito.

"Bakit ba—" napahinto siya sa sasabihin nang makita niya ako. Naiwan na lang ang bibig niyang nakabukas at nakatulala sa akin.

KABUNGGUANG BALIKAT(KAIBIGAN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon