Chapter 39

202 8 7
                                    

Kate's POV

Sa sobrang kaba ko hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Tahimik lang akong naghihintay sa labas ng ospital. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang kalagayan ni Steph. Kanina ko lang nagawang tawagan si Lance para ipaalam ang nangyari kay Steph. Nawalan ako nang pagkakataong ipaalam agad sa kanya dahil sa sobrang taranta ko kanina.

"Kate!"

Agad kong hinanap ang pinanggalingan ng boses na yon. Lance is running towards me. Tumayo ako agad at sinalubong siya.

"What happen? Bakit nandito si Steph?" Tanong niya sa akin. He look so worried.

"Ka-kasi na-"

"Sino ang guardian ni Miss Stephanie?" Naputol ang pagsasalita ko ng dumating ang isang nurse.

"Ako." Sabi ni Lance. Agad kaming lumapit sa nurse.

"Kayo po ba ang ama ng baby niya?" Tanong ng nurse kay Lance.

"Yes. Kumusta ang baby ko? Kumusta ang kalagayan nila?"

"Ligtas na po sila sa panganib. Gusto pong makausap ng doktor ang ama ng baby. Sumunod na lang po kayo sa akin." Sabi ng nurse. Agad naman akong nakahinga ng maluwag. Ligtas na sila. Walang nangyaring masama sa bata at kay Steph.

"Kate I'll be back. Wait for me here okay?"

Sunod sunod na tango lang ang naisagot ko kay Lance. Hanggang ngayon kasi ay nanghihina pa rin ako dahil sa nangyari kanina. Wala akong ibang nasabi habang nakikita ko siyang naglalakad palayo sa akin.

I couldn't bear it anymore. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Nalagay ko sa panganib ang anak ni Lance. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Ang tanging gusto ko lang naman ay ipaglaban ang taong mahal ko. Pero nakagawa ako ng isang bagay na maaring ikapamahak ng iba. Pinilit kong maging matapang. Ayokong makita ni Lance na umiiyak ako. Pero parang sasabog na ang dibdib ko kapag pinigilan ko pa ang pag-iyak ko. Sa huli hinayaan ko ang sarili kong ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak.

Lance's POV

Pagkatapos naming mag-usap ng doktor dumiretso muna ako sa kwarto ni Steph. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Nasabi sa akin ng doktor na maselan ang pagbubuntis niya. At kung hindi siya mag-iingat ay maaaring mawala ang bata sa tiyan niya. Mabigat ang pakiramdam ko habang paalis ako sa kwarto niya. Ako ang ama ng bata. Pero hindi ko man lang sila magawang protektahan. Am I worthy to be a father? Do I really deserve that child? I feel guilty. I should've treat her better. Patuloy lang ako sa paglalakad ng salubungin ako ni Kate.

"Kumusta? Anong lagay ng baby ni Steph?"

Napansin ko ang pamumula ng mata niya. Marahil ay umiyak siya.

"Both of them are okay. Pero mas kailangan niyang mag-ingat dahil maselan ang pagbubuntis niya. Kung hindi kayo nakarating agad dito baka hindi na nailigtas pa ang bata."

"I-I'm sorry love. I'm sorry."

"I didn't blame you Love. Pero pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari? Paano kayo nagkita? At bakit dinala sa ospital si Steph?"

She look so sad. I know everything is just an accident. No one wants this to happen.

"Ka-kasalanan ko Love. Kinausap ako ni Steph. Hiniling niyang iwan kita. Pero hindi ako pumayag. Nagmatigas din siya at sinabing hindi niya tatanggapin ang sagot ko. Hindi ko sinasadyang maitulak siya."

"What? Pakiulit mo nga yung sinabi mo?"

I hear it clearly. I just can't believe it.

"Napalakas ako ng paghawi sa kamay ko love. Hindi ko sinasadyang maitulak ko siya."

A Love for a Lifetime (The Dare Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon